5: Skeet

61 1 0
                                    

Chapter 5

Headmaster

I was awaken by the rays of the sunlight passing through the window. Gosh, nakalimutan kong ibaba ang venetian blind.

Yup, di uso ang kurtina.

Naligo muna ako at nag-ayos bago pumunta sa kusina. Walang bakas ni Lei. Tulog pa siguro.

Nagluto lang ako ng agahan; ham, egg, and fried rice since may tirang kanin pa kagabi.

Saktong pagkahain ko ay bumaba na si Lei na nakaayos na rin. Haist. Buti at di ako nahaggard kahit nagluto na ako.

Naka-uniform na kami parehas. May five sets of uniform na kasi sa closet ko at dalawang pair ng PE uniform.

Ang cute nga ng uniform namin eh, color black na skirt just above the knee, long sleeve na puti na may outline na itim at gold yung baby collar pati yung hem ng sleeves, tapos gold na necktie.

"Goodmorning." bati ni Lei at kaagad nilantakan yung pagkain.

"Morning."

Naupo na ako sa harap niya. I prayed before starting. Napansin kong napatingin sa akin si Lei, nakasuspend sa air yung kutsarang isusubo sana niya.

"Bakit?" tanong ko at sumandok ng fried rice saka ham.

She shook her head. "Nothing. I just found it weird."

I just shrugged. Hindi siguro siya katoliko.

"Nasaan yung coat mo?" tanong niya nang inaayos na namin ang mga gamit namin. Konti lang naman ang gamit sa bag ko. Extra shirt lang at saka isang notebook.

"May coat tayo?"

She nodded. "Hindi mo siguro tinignan yung isa pang slim na cabinet."

Bumalik ako sa kwarto ko at pumasok sa walk-in closet ko. Merong tatlong cabinet, apat na drawer, shoe rack, at isang slim na cabinet. Hindi ko 'to napansin kanina.

Lumapit ako sa slim at bumungad sa akin ang five identical black coats with gold outlines. Kumuha ako ng isa.

Sinuot ko siya at infairness, bagay sa suot kong long sleeve.

Bumaba na ako dala ang black na backpack ko.

"Wow, bagay sayo ang uniform natin, girl!" Nakacoat na rin siya, kanina kasi wala siyang suot na coat.

Ngumiti na lang ako. "Bagay rin sa'yo." Totoo naman, ang cute niya lalo.

Lumabas na kami at sumakay sa elevator. 7:00 pa lang at 8:00 nagsisimula ang klase kaya petiks lang kami.

"Lei, mauna ka na sa auditorium." sabi ko nang nasa lobby na kami.

Tumigil siya at nilingon ako, nagtataka. "Bakit?"

"Pupunta pa ako sa Headmaster."

"I'll go with you." Then she clung her arm to me.

"Sigurado ka?"

"Yup, saka maaga pa naman."

Ang ganda talaga dito. Parang... perfect.

"Saan nga pala ang office ni Headmaster?" tanong ko.

"Sa Academy." sagot niya. Konting lakaran lang pala. Nasa likod lang kasi ng academy ang dormitories.

Pero may nakaharang na pader at may pinakagate pa talaga ang academy kaya kailangan pa namin umikot. Eh ang lapad kaya ng academy!

Nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Lei dun sa may pader. Ewan ko kung saan 'to, basta yung pader siya ng white building. Humarap kami doon.

"Anong gagawin natin dito?"

"We'll use the portal to transport faster." Pumikit siya at nagchant.

"Yield a portal let us pass through. In the name of Erda, I do behest you." She touched the wall with her index finger.

Biglang parang natunaw yung part na yung ng wall hanggang sa kumalat at maging kasing-laki namin. Color green yung portal.

Namamangha naman akong tumingin doon tapos kay Lei. Ngumiti siya. Siguro mukha na akong timang. Haha.

"Tara." She held my wrist then pulled me inside the portal.

Ang weird sa loob. Two seconds lang, nasa harap na kami ng academy. Hinanap agad namin yung office ng Headmaster. Nasa fifth floor pala yun.

Nagpaiwan si Lei sa labas ng pinto. Doon na lang daw niya ako hihintayin. Ampf, kinakabahan tuloy ako.

Kumatok ako ng tatlong beses at automatic na bumukas yung pinto. Lumingon ako kay Lei at nagthumbs-up siya sa akin.

Go. She mouthed.

I heaved a deep breath before going in.

May isang table sa gitna ng malawak na kuwarto at may isang lalaking seryosong nagsusulat. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Nag-angat siya ng tingin at gosh! Parang ang bata niya ata. Tingin ko nasa mid twenties lang siya.

"Ms. Walter, please take a seat."

Umupo ako sa upuan for guests sa harap niya. Nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako kilala.

"What's the matter, Ms. Walter?"

"Sabi po kasi sa sulat, hanapin ko raw si Headmaster Fiazo."

"That's me. Here's the key to your locker. I assume, you have already read the handbook?"

Tumango na lang ako kahit hindi pa. Mamaya na lang siguro.

"Good. You must read every detail of the handbook."

Tinignan ako ni Headmaster, mata sa mata. Parang nanghihila ang mata niya. Iba yung feeling ko sa pagtitig sa mata niyang kulay white.

White?!

Bigla siyang pumikit at umiling. I blinked several times. Totoo ba iyong nakita ko?

Mas sumeryoso yung mukha niya. "Tell me Ms. Walter, sino ang mga magulang mo?"

Nabigla ako sa tanong niya. Kailangan ba talaga yun?

"Hindi ko po alam," I sighed. "Nakuha lang daw ako sa bangin, sabi ng tiyahin kong umampon sa akin."

Natigil siya for awhile bago muling nagsalita.

"You can go now, Ms. Walter. Just remember the password."

Kumunot ang noo ko. It took me three seconds to understand what he's saying. Empyreal. Tumango ako at nagpaalam na.

Tumayo ako at naglakad palapit sa pinto pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulong niya.

"Adelaide."




The AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon