6: Skeet

67 5 0
                                    

Chapter 6

The Bookworm and the Childish



"Skeet!"

Nilingon namin ni Lei ang tumawag sa akin. There, we saw Duane walking towards us. Pero unlike last time, nakasalamin siya ngayon at naka-bun yung buhok niya. Papunta na kasi kami sa auditorium para sa welcoming.

Nakita ko ang paglaki ng mata ni Lei nang makita si Duane pero napalitan iyon ng ngiwi.

"What are you doing here? At nag-disguise ka pa talaga." mataray na tanong ni Lei. Woah. That's the first. Ang alam ko kasi ay napaka-bubbly ni Lei. Hindi ko akalaing marunong siyang magtaray.

Natigilan si Duane. Nakita ko rin ang pagtaas niya ng kilay kay Lei.

"As far as I'm concerned, it's Skeet whom I just called."

Lei rolled her eyes. "Whatever. Come on, Skeet."

Nagulat ako nang hilahin niya ang wrist ko pero mas nagulat ako nang may humila sa kabilang wrist ko. Ganon na lang ang gulat ko nang makita ko si Duane.

"What are you doing?" iritang sabi ni Lei.

"She's going with me."

"No."

"Yes, she will."

Napatanga na lang ako sa dalawa. Hmmm, mukhang magkaaway talaga sila at tingin ko may malalim na rason sila. I can see disdain in their eyes when their gaze met.

"Ah, sabay-sabay na lang tayo." I forced a smile.

"No!" sabay nilang baling.

I shrugged before getting my wrists back. "Okay, guess I'll go there myself."

"Okay."

"Okay."

Nagtinginan sila ng masama nang magkasabay ulit sila. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Glad I did. Baka kasi kung saan pa mapunta ang away nila.

Isa pa, nagtitinginan na sa amin yung ibang estudyanteng papunta pa lang sa auditorium.

"Tara na."

Naglakad kami papunta sa Auditorium. Napapagitnaan nila ako. Mas nararamdaman ko yung tensyon ng dalawa sa gilid ko.

"Ano nga pala ang gagawin sa auditorium?" basag ko sa katahimikan.

"Welcoming." sagot ni Duane.

"Ah..." napatango ako. Yun lang?

"Saka briefing. Doon din malalaman kung anong house ka mapapabilang." dagdag ni Lei.

"House?" Ano iyon? Bahay? Diba may dorm na kami?

"Yun yung magiging family mo sa buong taon. Bawat house, may kaniya-kaniyang kakayahan."

Napatango ako. Ano kayang house ko? Nae-excite ako but at the same time, kinakabahan. Paano pala kung hindi ko makasundo yung mga magiging 'family' ko?

"Hey, you're overthinking." I snapped back to reality when Duane talked.

"Natatakot lang ako sa magiging 'family' ko."

"They won't bite, promise." Isang nakakalokong ngiti ang pinakita ni Lei. 'Di ko alam kung mapapagaan ba 'non ang loob ko o ano.

Tinignan ko ang napakalaking structure sa harap namin. Isang malaking dome. Kulay white siya with a touch of gold.

Nasa labas pa lang kami pero naririnig na namin ang sigawan at hiyawan sa loob.

"Ito ba ang auditorium?"

"Uh-huh." Saby tango ng dalawa.

"Ang laki!"

Natawa sila sa reaction ko. Sorry naman, naburo kasi ako ng ilang taon sa bahay nila Auntie. Sa magazines at TV lang ako nakakakita ng malalaking buildings at edifices.

Hinila nila ako papasok sa loob.

"Gosh! Andito sila!" Parang kinikilig na sigaw ni Lei. Mabuti na lang at maingay ang mga tao sa loob kaya walang tumitingin sa amin.

"Here they are again. Magugulo na naman ang academy." said Duane exasperatedly. She even crossed her arms and rolled her eyes heavenwards.

Sinundan ko ang tingin nilang dalawa. Nakita ko ang isang grupo sa baba lang ng stage. Nakaupo sila sa front row. I counted them all and they are all five. Nakatalikod sila sa amin at nakaharap sa stage. Since punuan na ang auditorium, sa pinakalikod kami naupo.

Pumagitna ako sa dalawa kasi mukhang magbabangayan na naman si Duane at si Lei.

"Bakit parang isolated yung grupong 'yon sa iba?" bulong ko kay Lei na busy sa cellphone niya. Wait! May cellphone pala dito?!

Anyway, merong ten columns ang auditorium at may ten seats kada row. Pero sa row nila, sila lang ang nakaupo. May sakit ba sila?

Binaba niya 'yon at tumingin sa akin. "Kasi sila ang royalties." Tapos impit siyang kinilig. "Gosh. Ang gwapo kaya nila. Lalo na si Chance."

Natawa ako sa sinabi niya. Chance? Ang swabe pakinggan pero nakakatawa talaga. Sino naman kaya si Pagkakataon? Haha.

Hindi ko na siya kinausap pa kasi busy ulit siya sa cellphone niya. Si Duane naman, busy sa pagbabasa ng libro. Mukha siyang bookworm, bumagay pa sa kaniya yung salamin niya na may rectangular frame.

"Duane, kilala mo ba ang royalties?" tanong ko.

"Bakit?" Nag-angat siya ng tingin.

"Curious lang." I shrugged.

Tumango siya nang marahan. "Lahat naman ng taga Utopia kilala sila." Tapos natigilan siya.

Patay. Hindi niya nga pala alam. Kunot-noo siyang humarap sa akin. Tinitigan niya ako na parang sinusuri. Wala akong nagawa kundi ang mapalunok.

"Teka, you don't know them?"

Alanganing tumango ako. Paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya na galing ako sa Earth? I mean sa mundo ng mga tao- normal na tao. Yung mundo na walang magic.

She sighed. "You owe me an explanation," Napangiti naman ako doon at tumango nang sunod-sunod. "Royalties, sila yung mga anak ng may katungkulan sa gobyerno. Anak ng councils at ng hari at reyna."

Ah... kaya pala sikat sila. Kaya pala lahat ng tao dito ay nakatingin sa kanila o kaya ay pasulyap-sulyap kahit may kausap. Siguro magaganda at gwapo. Ganoon naman yun diba? Like cliché fantasy books.

"Actually, walo sila. Sila ang pinakanakakainis na grupo."

So nasaan yung tatlo?

"Yung isa kasi, napakapribadong tao. Siya ang anak ng hari't reyna. Yung isa naman, busy masyado yun. At yung isa..." Napairap siya. Sino yung isa? "... yung isa ay 'yang nasa tabi mo."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa katabi ko. Si Lei?!

"T-talaga?"

"Yeah, hindi nga lang halata. Masyado kasing childish. Prinsesa pa naman ng Erda people."

Oh my gosh.

"Teka, bakit ang dami mong alam tungkol sa kanila?" taka kong tanong. Yung tono niya kasi kanina parang close niya ang royalties. Yung parang kilalang-kilala niya sila.

"Because one of them is my brother. Ugh! I hate it."

Holy guacamole! Ano ba itong mga nakapaligid sa akin? Isang weirdong childish at isang misteryosong bookworm. Great! Just great! Good luck Skeet.



The AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon