3. Skeet

95 3 0
                                    

Chapter 3

Academy





Napansin kong parang nanigas lahat ng nasa loob ng academy nang makapasok kaming mga transferee.

"Wow..." mangha kong bulong.

Kung nakalalaglag panga ang ganda sa labas, ano pa kaya dito sa loob? Extravagant is an understatement. Para siyang modern paradise. Malakastilyo ang academy na malayo pa pala mula sa kinatatayuan namin.

Sumakay kami sa isang bus patungo sa mismong academy at wow! Mas nakamamangha pala siya sa malapitan! Binuksan ang pinakagate ng academy. Para kaming nasa Victorian era with a hint of modernization.

Sobrang laki ng academy kaya binigyan kami ng kaniya-kaniyang mapa. Binigay na rin ang schedule namin at dorm room.

Mic feedback...

"New comers, please proceed to your respective dormitories. We will have our welcoming celebration tomorrow at the auditorium. Please read your primers. This is your headmaster, thank you and good day."

Rinig na rinig yun sa bawat sulok ng academy dahil sa mga nakakabit na speakers.

Binuksan ko ang envelope na naglalaman ng lahat ng preambles tungkol sa academy.

Astig. Yung dorm card ko ay color white at may gold na number 800.

Pumunta kami sa dormitories at pinadiretso ako sa isang puting building na may walong palapag.

Hinahanap ko ngayon ang dorm room ko. Ugh! Limang minuto na ako naghahanap!

"Ah, ate, pwede pong patulong sa paghahanap ng dorm?" tanong ko sa isang babaeng mukhang mabait. Ngumiti siya sa akin.

"Sure, ano bang dorm room mo?"

I showed her my card.

"Ah... ang 700 to 800 ay nasa eighth floor."

Nanlaki ang mata ko. "Tuktok?!" Natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Don't worry, may elevator naman." she chuckled. Napahiya naman ako doon. May elevator naman pala! Akala ko maghahagdan lang ako eh, sorry wala sa bundok.

Hinila niya ako papunta sa elevator na nasa gitna ng building.

"Pasensiya na. Naabala pa kita." nakatungo kong sabi. Nakakahiya kasi, talagang sinamahan niya pa ako.

"Okay lang. Isa pa, magkatapat lang tayo ng room!" Wow. This girl was a real peppy.

Napansin siguro niya na nakatanga ako sa kaniya. "Oops, sorry. Where are my manners? I'm Mikaela Duane Geralds nga pala. But call me Duane." Kinuha niya ang kamay ko bago ko pa mailahad. She shook it.

"A-ahm, Skeet Walter nga pala. Nice to meet you." ngiti ko.

Maganda si Duane. Blonde ang buhok, brown eyes and fair complexion. Actually lahat ng nag-aaral dito ay gwapo at magaganda talaga. Para silang mga Caucasian.

"Alam mo, ang ganda mo." sabi niya na nakatitig pala sa akin. I blushed. Mabuti na lang at kami lang ang tao sa elevator.

"Thank you. Ikaw din naman."

Tumunog ang elevator hudyat na nasa 8th floor na kami. Wow. Ang daming rooms! Ang tahimik din ng malinis na hallway. Lahat ng pinto ay kulay gray.

"Mayroong one hundred rooms ang bawat floor. Ang fourth floor pababa ay para sa juniors at ang fifth pataas ay sa ating mga seniors." paliwanag niya habang tinatahak namin ang mahabang hallway papunta sa room ko. Twenty four rooms ang kailangan naming daanan bago makapunta sa room namin since sa gitna kami nagsimula dahil nasa gitna ang elevator.

"Fifty rooms na magkatapat to make one hundred and unfortunately, nasa dulo ang room natin."

"Haaay. Salamat. Narating din natin." sabi ko. Nasa tapat na kami ng room number eight hundred. I swiped my card sa device na nasa pinto at bumukas siya. Bago ako pumasok ay nilingon ko ulit si Duane na papasok na rin sana sa room niya, 700.

"Ah, Duane, thank you talaga. Kita tayo bukas." I smiled at her.

Woooh! Wala pang isang araw, dalawa na kaagad ang kaibigan ko! This is an achievement.

Pagpasok ko ay nabungaran ko ang isang sala. Naka-on ang TV na nakatapat sa akin at may nanunuod na babae, yung karoom mate ko. Nakatalikod din siya sa akin. Nasa middle yung sala pero sunken siya. May tatlong hagdan naman sa kanan, kaliwa, at gitna.

Tumukhim ako para makuha ang atensiyon ng ka-room mate ko. Lumingon siya at parehas na nanlaki ang mga mata namin.

"Ikaw?!"

"Waaaah!"

The AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon