Chapter 2
Initiation
Ang haba ng pila. Tinignan ko ang malalaking gold na mga letra sa itaas ng gate ng academy.
CELESTIAL ACADEMY
The name sounds magical. Isa itong prestigious school sa gitna ng kagubatan though kaunti lang ang nakakaalam nito. Gulo no?
The massive gate was a combination of black and gold.
Nasa dulo pa ako ng pila pero okay lang. Titiisin ko 'to kesa naman bumalik ako kila Auntie. Isa pa, big shot ito para sa kagaya kong walang pang-tuition sa isang mamahaling school. Full scholarship ang na-grant sa akin ng academy na ito at kailangan ko na lang magparegister para sa school year na ito.
I'm on my first year in Senior highschool.
Paano nga ba ako nakapasok dito?
Well, nangyari 'yun one week ago. Inutusan akong mamalengke ni Tita. May lumapit sa aking lalaki sa palengke. He gave me a brochure and a blank fill-out paper. Yung brochure ay tungkol sa Celestial Academy. Nung tinignan ko yung blank form, nagulat na lang ako nang makitang para pala 'yon sa isang full scholarship na once in a blue moon lang ino-offer ng academy. Libre kasi lahat, tapos may allowance pa.
"Ate, abante na po." kalabit sa akin ng babaeng nasa likod ko.
"Ay! Sorry po." hingi kong paumanhin. Hindi naman ganoon ka-hassle dahil isang backpack at di kalakihang holdall lang ang dala ko.
Ngumiti naman yung ate. Infairness, ang cute niya. Chinita siya tapos full bangs and jett black hair. Sobrang puti niya rin.
"Okay lang. Aleissa Gwen Lee." inilahad niya ang kamay niya. I gladly took it.
"Skeet Walter."
I was shocked when she pulled me into a hug. "Ang cool ng pangalan mo. Hihihi."
Hindi ko na napigilan kaya kinurot ko ang pisngi niya. "Ang cute mo."
Binitawan ko ito at nakita kong namumula ang dalawa niyang pisngi. She pouted. "I'm pretty kaya. Not cute."
Napailing na lang ako sa ka-cutan niya.
"Friends?" I held out a hand. Katulad kanina, she pulled me into a tight embrace.
"Bestfriends!"
We giggled. She's really fun to be with. In a short span of time, I already felt comfortable with her company.
Nagkwentuhan kami. Getting to know, at kung anu-ano pa. Malapit na kami sa gate nang tumigil kami. Sinalakay ng kaba ang dibdib ko but she held my hand and gave it a squeeze.
"Anong class mo pala?" tanong niya.
"Huh?" Wala pa nga kami sa loob, may class na?
"Lower, middle, or upper?"
"A-anong sinasabi mo?"
Tumingin siya sa akin na parang tinubuan ako ng sampung ulo.
"Kingdom na lang. Anong kingdom mo? Ako sa Erda."
Anong pinagsasabi niya? City ang pinanggalingan ko. Wala naman akong alam na kingdom. Kingdom of Saudi Arabia?
Magsasalita pa sana ako pero ako na ang susunod.
"Wrist." sabi ng MIB na may hawak na device.
Inilahad ko ang kamay ko, my wrist facing up. Ipinatong niya yung device na pahaba, mga dalawang dangkal ang haba sa wrist ko.
Pagkaangat nung device ay nagkaroon ng tatak na nagglow yung wrist ko. Pero maya-maya'y natanggal din iyon.
Astig. Cool. Ang high-tech naman ng school na ito. Pila-pila pa rin kami. Tapos may nadaanan kaming tatlong whole-body scanner na may kaniya-kaniyang purpose na hindi ko alam. At last, nakapasok na kami sa loob ng academy.
BINABASA MO ANG
The Academy
FantasyAng ganda ng araw ko noon. Makakaalis na kasi ako sa poder ng aking tiyahin. Noong araw kasing iyon, birthday ko, may dumating na sulat sa akin na nagsasabing tanggap daw ako sa pinag-enrolan kong prestihiyosong academy. Alam kong magbabago ang takb...