4: Skeet

82 2 0
                                    

Chapter 4

First Day

"Waaaa!"

"Ugh!"

I groaned. Paano ba naman, dinamba ako ng makulit na singkit na ito.

"Aleissa, hindi ako makahinga." nahihirapan kong sabi.

Bumitiw naman siya sa akin at nag-peace sign.

"Sorry. Hehe."

Napangiti na lang ako sa cuteness niya. "Okay lang."

"Masaya lang talaga ako kasi ikaw pala ang dorm mate ko."

"Destiny?"

Humagalpak kami ng tawa pagkasabi ko noon. Geez. Corny ko.

"Tara, dito yung room mo."

She led me to the right staircase. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang plain white na kwarto. Feeling ko kasya ang apat na katao dito.

"Wow. Mukhang maliit sa labas pero ang laki pala sa loob."

Aleissa just chuckled beside me. Pumasok ako at ganoon din siya. Naupo kami sa kama ko na kasya ang tatlong tao.

"Uhm, sobrang plain naman yata?" nag-aalangan kong puna. Nilibot ko ang paningin ko at merong dalawang pinto. CR yung isa samantalang hindi ko alam yung isa pa.

"It's up to you kasi ang pagdedesign dito. Kung ano ang psyche or ability mo, yun ang irereflect ng room mo."

What? Lumingon siya sa akin at nakita niya yata ang pagkalito sa mukha ko.

"Come. I'll show you my room. Anyway, Lei na lang ang itawag mo sa akin." Hinila niya ako sa room niya.

Pumasok kami at isa lang ang masasabi ko, cozy. Ang aliwalas ng kwarto niya sa color na yellow with a touch of green.

"Wow." - ako

"Yellow yung color kasi jolly daw ako tapos may green siya kasi galing ako sa Kingdom of Erda."

Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Erda?"

Tumago siya. "Yes. Nature elementee."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Anong pinagsasabi mo?"

She gasped. "I can't believe this. May taong hindi kilala ang Erda people?"

Hinila niya ulit ako at naupo kami sa kama niyang color green.

"Anong class mo?" Naalala ko, yun din ang itinanong niya sa akin kanina.

"Anong class? Saka diba tinanong mo rin sa akin ang Kingdom kanina? Ano ba ang mga yun?"

She gaped at me. "Oh my Queen Erda." Sumeryoso ang mukha niya.

"Tell me, saan ka ba galing?"

"Uh, sa Gumbey Village."

"Anong ability mo?"

"Marami."

"Tulad ng?"

"Magsulat, maglinis, magsalita-"

She cut me off. "Alam mo ba kung nasaan ka ngayon?"

Kumunot ang noo ko. Okay, this is really getting creepy. Para kasi akong ini-interrogate ni Lei.

"Skeet, nasa Utopia ka." Utopia, as in the place of perfection? Meron pala noon. I thought it's just a concept of our mind.

"World of magic." she stated in earnest.

Para akong binuhusan ng yelo sa sinabi niya pero nakabawi rin ako kaagad. "Magic? Magic doesn't exist, Lei. Alam mo kumain na tayo-"

"It does in our world." Nilahad niya ang kamay niya at biglang may lumitaw na dahon.

"What the fudge?" bulalas ko. How did she do that.

"Told you, it's true."

Tinambol ng kaba ang dibdib ko. Ano ba itong napasukan ko? Baka hindi ako masikatan ng araw dito.

"Paano ako napunta rito?" I asked, more to myself.

"That's the question. Hindi tinatanggap ng lagusan ang mga mortal."

Nanahimik kami ng ilang sandali. Mukhang sobrang lalim ng iniisip niya.

"Teka, sinabi mo na nasa Utopia tayo, ano ba ang ibig sabihin mo doon?" I was the one to break the ice.

"Utopia ang tawag sa mundo na tinatayuan natin ngayon." simula niya.

I looked at her and nodded.

"Mayroong seven kingdoms. Ang Infernus, Hydor, Ventus, Erda, Skilen, at Piusn."

Sigurado akong nakanganga ako ngayon sa pinagsasabi ni Lei. Seriously? May mga kingdom talaga dito?

"May tatlong class naman. Ang Upper ay ang Royalties at Elites. Lahat sila ay Elementee. Ang Middle ay ang mga burgher, mga Scylian. Ang Lower ay yung mga Piusne. Sila yung makikita mong nagtitinda sa mga bayan. Tinatawag silang proletariat o rabble kapag walang pinag-aralan. "

"Eh, ano yung Elementee chuchu?"

"Ang Elementee o yung may kinalaman sa element ang powers tapos ang mga Scylian, sila yung mga ability ang meron like levitation, telepathy, and such. Tapos ang mga Piusne. Sila yung walang ability pero Utopian ang mga magulang nila, kumbaga sila yung the unlucky ones."

"May royalties, ibig sabihin, monarchy ang government dito? At saka isa ka sa kanila."

"Oo. Ang namumuno ngayon ay ang Sombre Dynasty. Sina Queen Letizia, King Princip at si Prin-"

May nagring na bell na sigurado akong dinig sa buong campus. Sobrang lakas niya pero hindi nakakabingi. Gets niyo? Basta! Ganon talaga siguro dahil sa magic.

"Ano yon?"

Napatingin ako sa nakabusangot na si Lei.

"Curfew na. Gusto ko pa naman bumili sa cafeteria."

Saka ko lang naalala, hindi pa nga pala kami naghahapunan. Napasarap kasi ang kwentuhan namin.

"Uhm, magluluto na lang ako."

Bigla siyang nagtatatalon at pumalakpak. "Yes! Finally, marunong magluto ang kadorm ko." Akala mo nanalo siya sa lotto.

Napailing na lang ako at lumabas sa kwarto niya. Dumiretso ako sa kusina at naghalungkat doon. Mabuti naman at puno ang refrigerator.

I decided to cook chicken adobo. Madali lang kasi. Nagsaing na rin ako. Si Lei naman ay tinulungan na lang ako sa pag-aayos ng hapag.

"Wow. Adobo." tila excited na sabi niya. "Sorry ah. Di kasi ako marunong magluto." she said as she scooped large amount of rice and our viand.

Isang tipid na ngiti ang naisukli ko. Kanina pa kasi nababagabag ang isip ko sa isiping hindi ako niluwa ng lagusan kung isa akong mortal.

Wala sa sarili akong napabuntong hininga.

"Okay ka lang?" Lei asked. Punung-puno ang bibig niya but she still managed to ask a query.

I shook my head. "Isa akong mortal pero hindi ako ni-reject ng portal patungo dito. Don't you think that's a little bit strange? I mean baka nagmalfunction lang ang portal." I stressed out.

She gulped her food before amswering.

"The portal that connects the mortal world and Utopia was made billion years ago. It already mastered the art of scanning." paliwanag niya. Hindi ako nakapagsalita.

"Skeet, I think it's not about the portal. It's about you. You're not a mortal, Skeet. I think you're one of us."

***

Aleissa - /a.lei.sa

Piusn - /pyun

Piusne - /pyu.nee

Utopia - /yu.tow.pee.ya

Sombre - /som.ber

The AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon