Nakikita niya akong umiiyak. Lumuluhod at nagmamakaawa na huwag niya akong iwan. Nakatingin lang siya sa akin, blanko ang mukha. Walang bahid ng ano mang emosyon.
"Tumayo ka na nga dyan. Hindi ka bagay umarte. Lalo kang pumapangit," turan ng lalakeng nasa harapan ko.
Hindi ako natinag, lalo akong umiyak dahil sa sinabi niya. Pinilit ko parin siyang huwag akong iwanan. Akma siyang tatalikod ng hinigit ko ang kanyang paa at pinagyayakap ito,
"Please! Huwag mo akong iwan! Mahal na mahal kita!," pagsusumamo ko sa kanya.
"Ano ba sa parteng HINDI KITA MAHAL ang hindi mo intindihan ha, Cole?Sa tingin mo ba talagang mahal kita? Mangarap ka oy. Pinagpustahan ka lang naming magbabarkada. Sa gwapo kong to , maiinlove sa isang nerd na tulad mo? Nananaginip ka ba talaga ng gising? Gumising ka na nga!" mapanglait na turan niya.
Ang sakit sakit na.
"At pwde ba? Bitawan mo ang mga paa ko? Aalis na ako. May date pa ako. Nakakahiya ka alam mo yun? Pinagtitinginan ka ng mga tao sa paligid mo."
Tumingin ako sa paligid ko at dun ko nakita ang mga matang mapanuya, mapanglait ,naawa at nagtataka.
Tama siya. Nakakahiya na ang pinagagawa ko. Tama na.
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanyang paa at tumakbo papalayo.
Papalayo sa mga taong mapanghusga at mapanglait dahil sa itsura ko.
Bago pa ako tuluyang nakalayo ay lumingon ako sa kanya,
"Babalik ako at maghihiganti.Magsisisi ka."
