NICHO'S POV
Tagal naman ata ni Kellyn mamasyal? Kanina pa siyang umaga wala dito sa bahay ah. Hindi pa naman siyang lubusang magaling. Hay, lakwatsera talaga yung babae na yun!
6pm na wala parin siya kaya tinawagan ko na lang siya at agad naman niyang sinagot iyon.
"Hello?" bungad niya.
"Hindi kpa ba uuwi, Kell?"tanong ko
"Pauwi na" tipid niyang sagot.
"Ah. Nasaan ka ba? Baka gusto mo sunduin na lang kita diyan?"
"Huwag na"
"Bakit ba ayaw mong magpasundo? May kasama ka bang iba diyan?"
Matagal bago siya sumagot sa tanong ko,
"Ah. Oo, may kasama ako. Don't worry"
"Sino ba yan?"
Sasagot na sana siya ng may marining akong magsalita sa background , nagtatanong kung nakabihis na daw siya. WTF? Nakabihis? Bakit? Anong ginawa nila ng lalaking kasama niya? Shit! Pagnalaman ko kung sino ang lalaking kasama niya, dila niya lang ang walang galos!
"Hoy! Sino kasama mo diyan? Nasaan ka ba? Bakit may kasama ka atang lalaki diyan!"
"..."
"Hoy! Kapag hindi----"
Hindi niya na ako pinatapos. Pinatay niya na yung tawag ko. Takte! Sinubukan ko siyang ulit tawagan pero nka-off ang cellphone niya. Shit! May kutob ako kung sino kasama niya! Kilala ko ang boses na yun! Dali dali kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at nagpunta sa MOA, dahil alam kung dun madalas magpunta si Simon!
Para akong wala sa sarili na pinaharuruot ang sasakyan papunta sa babaeng yun at sa kay Simon.
"LAGOT KAYO SA AKIN!"
KELLYN'S POV
Nandito ako ngayon sa Women's CR. Nagpalit ako ng blouse kasi si Simon, natapunan ba naman ako ng gravy. Ew. Ang lagkit! Nasa labas na ako ng CR ng biglang tumunog ang cellphone ko, si Nicho. Pinapauwi na ako, eh nagtatampo pa ako sa kanya!
Hmp!
Nagpumilit siyang sunduin ako pero tumanggi ako. Nasa gitna kami ng usapan ng biglang sumulpot si Simon at nagtanong kung nakabihis na daw ba ako. Tumango ako, narinig kong sumisigaw si Nicho sa kabilang linya. Itong bakulaw nato naku! Kahit kailan talaga!
Pinatay ko na yung tawag niya, kabagot eh. Sinisigawan nanaman ako T____T
"Cole? Uwi na tayo" yaya sa akin ni Simon
"Mamaya nalang ,Sai"
"Bakit?"
"Eh.Basta"
"Si Nicho nanaman ba ang dahilan?"
Hindi ako sumagot.
"Silence means yes" and then he smiled, weakly.
"Bakit kasi siya pa, Cole?"mahina niyang tanong.
"What do you mean, Sai?" nagtatakang tanong ko.
He held my hand and tried to say something ng biglang
BLLLAAGGG!
And there he was, on the floor. Hawak hawak yung pisngi niyang namamaga. Tinignan ko kung sinong hinayupak ang may ginawa sa kanya nun dahil susuntukin ko. Pagtingin ko, nakita ko si Nicho. Galit na galit, nakakuyos yung kamao niya. Nilapitan ko siya at sinampal,
