Chapter 11

18 0 0
                                    

Pauwi na ako ngayon sa bahay. Gabi na eh. At tsaka pinapauwi na ako ni Kellyn.

Si Kellyn nanaman. Hay nako utak, bakit ba napaka sutil mo? Sinabi ng huwag isipin ang babaeng yun eh!  Masakit lang sa bangs!

(//-.-)

Ay. Wala naman akong bangs ah. Tsk. Eh saan nalang masakit kung ganun? Tsk. Basta ayoko na siyang isipin! Baka main-love ako! Syete!

Pag-uwi ko sa bahay namin , as usual tulog na yung lahat na nandun sa bahay. Eh anu pa bang bago dun? Palagi namang ganun. Psshhhh. Nanood muna ako ng tv sa sala, hindi pa kasi ako dinadalaw ng atok eh. Hay. Naparami ata ang kain ko dun ah. Yan tuloy busog ako.

Nga pala, nag food trip kasi ako sa park eh. Tanong niyo kung bakit? Wala lang nga eh, trip nga eh. Pagkalipas ng halos kalahating oras ay mukhang nakatulog na ako sa sala pa -______________-

Napasarap ako sa tulog ko ng biglang may,

"GOODMORNING SLAVE! RISE AND SHINE!"

WTF? Napabalikwas ako ng bangon sa sofa at ang  resulta?

Nalaglag lang naman ako sa sofa! Putakte!  Uundayan ko talaga ng suntok ang nangulat sa akin! Nakahanda na ang kamao ko ng biglang lumitaw yung mukha ni Kellyn, naka wide smile.

Undayan ko kaya to ng halik?

UTAK! YAN NANAMAN HA! ANG LANDE TALAGA NG UTAK KO! ARRGGHHHH.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan ,Kellyn?" I asked her.

Tinaas niya yung left arm niya, nakita ko na may sling yung kamay niya.

"Kita mo to, Nich?"

Tsk. Naguilty nanaman ako T__T

"Oo. Hindi ako bulag"  sagot ko sa kanya sabay iwas tingin.

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito?"

I shrugged my shoulders,

"Aba malay ko diyan?"

"It means , susubuan mo ako tuwing kakain ako! YEEEPPIIIE!" tuwang tuwa siya .

"Ah. Susubuan lang naman pala kita----- WHAT? Anong susubuan! Wala ka bang kamay?" naiirita ko na sabi sa kanya.

"Eh. Meron naman " sagot niya.

"Meron naman pala eh! Bakit ka magpapasubo sa akin?!"

Sumigaw siya. Hotaena tong nilalang nato! Nakikisabay pa sa init ng ulo ko eh!

"Eh kita mo namang may sling yung left arm ko eh! Bulag kaba?!"

"And so?! Wala akong paki!"

"Kasalan mo naman to ah!"

"Hindi ko kasalan ang nangyari sa iyo!"

"Kasalanan mo! Kasi sinundan kita!"

"Sinabi ko bang sumunod ka sa akin?Wala naman ah!"

"Palagi ka na lang kasing nang-iiwan!" she shouted back at me and ran upstairs.

Napaupo ulit ako sa sofa, ang aga aga pa para mag-away kami. Potek na buhay to. Pero paulit ulit na nag rewind sa utak ko yung huling sinabi niya,

"Palagi ka na lang kasing nang-iiwan!"

"Palagi ka na lang kasing nang-iiwan!"

"Palagi ka na lang kasing nang-iiwan!"

(REPEAT 1000x till fade)

Arghhhh! Ako? Nang-iiwan? Hindi naman ah! Ako yung unang iniwan kaya hindi ko kasalanan! Gantihan na lang to!

This Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon