Prologue

55 4 16
                                    

Prologue

"Hmmm..."

Umaga na pala. Ang sakit ng ulo ko. Sino kaya nag-uwi sa akin dito sa bahay?

It's been a month simula ng iwan niya ako. Sa bagay, 'di ko naman siya masisisi. I've been a jerk. Masyado akong naging kampante para isiping hindi niya ako iiwan sa kabila ng pambababae ko. Mga kalokohan ko sa buhay. Akala ko hindi siya susuko sa akin kahit na madalas wala akong oras sa kanya. Akala ko hindi niya ako pakakawalan kasi mahal na mahal niya ako. Totoo pala yung sinasabi nila 'no, na sa oras na wala na 'yung tao, saka mo lang maiisip 'yung halaga niya.

"Pinagkatiwalaan kita kahit masyado pa tayong bata para pumasok sa seryosong relasyon. Ilang beses akong nagbulag-bulagan dahil naniniwala akong mahal mo ako! Ilang beses kong tiniis yung mga pagkukulang mo sa akin, Karlo. Kahit sinasabi na ng lahat na hindi mo deserve 'yung pagmamahal na ibinibigay ko sayo, hindi ako nakinig kasi Karlo mahal kita eh! Mahal na mahal kita! Kahit na nakikita ko na, hinahayaan ko lang. Kahit mukha na akong tanga kahihintay sayo. Kahit minsan parang isang beses na lang tayong mag-usap sa isang linggo, okay lang. Inuuna mo pa 'yung iba. Okay naman talaga sana, eh. Okay lang talaga kung ganon, pero hindi, eh. 'Yung dating sabi-sabi hindi ko binibigyan ng pansin dahil buo ang tiwala ko sayo, sinasabihan na nga nila akong martyr. Pero napatunayan ko na. Kitang-kita ng dalawang mata ko, Karlo! Ayoko na. Tama na."

Hagulgol na siya sa pag-iyak niya. Ano ba itong nagawa ko? Bakit ko sinasaktan ang babaeng mahal ko?

"Ano, Karlo? Magsalita ka!"

"Baby, sorry. Sorry."

"Sorry? Kaya bang ayusin ng sorry mo 'to? Itong pagkatao kong winasak mo? Kaya bang pagdikitin ng band-aid ang salamin na nabasag? Kaya ba? Ha?"

"Sorry. Baby, sorry. Please forgive me."

"Layuan mo na ko. Paalam na."

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang.

Rusty Calling...

"Hello, pare. Napatawag ka?"

"Kumusta? Ako pala naghatid sayo kagabi, p're. Nababaliw ka na naman kasi. Pero f*ck dude! Bayaran mo muna ako. Pinalinis ko lang naman 'yung kotse kong sinukahan mo!"

"Magkano ba?"

"Nagbibiro lang naman ako. Gusto ko lang naman ipaalala sayo 'yung ginawa mo kagabi. Ano nga pa lang plano mo? Nakapag-exam ka na ba sa NEU?"

NEU, National Eastern University. 'Yung school na plano naming pasukan sa College. 'Yung first step ng pag-abot sa mga pangarap namin.

"Hindi pa pare. 'Di ko alam kung kailan ako mag-eexam. Wala na din namang dahilan. Wala na kami."

"Pare, ano ka ba? Naririnig mo ba 'yung sinasabi mo? Move on, p're! Tutal kasalanan mo naman yan. Tanggapin mo! Nasa kama ka na kasi, bumaba ka pa sa banig."

Oo nga. Tama siya. Nasa kama na ako, bumaba pa ako sa banig.

"Ano p're? Hindi ka na magsasalita? Imbes na magmukmok ka dyan, bakit 'di mo na lang patinuin 'yang sarili mo para kapag nagkita kayo ulit, nagbago ka na. Pangarap ng kahit sinong lalaki 'yung pinakawalan mo ng basta basta. Iba ka, pare. Ano bang plano mo?"



Ano nga ba ang plano ko? Hindi ko alam. 'Di ko alam kung paano siya mababawing muli. I don't know how can I chase the woman of every man's dreams.

-
Karlo Sanchez.
Rusty Chua.

Chasing The Woman Of Every Man's DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon