Ikapitong Kabanata
Andito na kami ni Aimee sa lobby. See you!
-KarloSakto ang text ni Karlo dahil lunch time na at bababa na ako.
Hindi na ako nagreply at dumeretso na sa baba.
"Tita Dannie!" Sabay takbo ni Aimee sa akin pagbukas ng elevator.
Aw. So cute. I missed her!
"I missed you, tita."
"I missed you too baby." Sabay kiss niya sa akin sa pisngi. Sana may baby na din ako ngayon! Ang sarap pala sa feeling.
"Let's go?" Sabi ni Karlo na kasunod lang ni Aimee.
Dumeretso na kami sa parking. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya pagkatapos patunugin ngunit naunahan ako ng kamay niya.
I was like, wow ha? Gentleman.
Pumasok na ko sa passenger seat at akmang bubuksan ni Karlo ang likod para papasukin si Aimee.
"Daddy, pwede po ba kay tita Dannie ako?" Narinig kong sabi ni Aimee.
Napangiti naman ako. She's so cute talaga.
"Oo, Karlo. Dito na lang siya."
"Eh, mabigat si Aimee. Baka mangawit ka lang." Tugon ni Karlo. Wala naman na siyang nagawa ng sumampa na sa kandungan ko si Aimee.
Habang nasa biyahe, panay ang ngiti ni Karlo. Ano kayang problema nito? Ang sarap niyang titigan.
Nagitla naman ako ng sumulyap siya sa akin. Omg, nakakahiya. Lumabas ang nakakalokong ngisi sa mga bibig niya.
"You're so beautiful, Dan."
Para namang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Pihadong singpula na ng kamatis ang mga pisngi ko. Tila inubos ang blush on ng MAC sa kapulahan. This is me kapag kinikilig. Shocks.
"Ooopss. Bawal kiligin."
"Ha? A-ako? Ki-kinikilig? N-no!"
"Hindi ka ba mag-tthank you? Sabi ko, ang ganda mo."
"Ayiieeeeee!" Biglang singit ng chikiting na ito. Kinikilig nga ako.
"Ah, eh. Thank you, Karlo. Magdrive ka na nga lang diyan!"
Pagdating sa mall, dumeretso kami sa isang restaurant. Hawak ko sa kaliwa si Aimee at si Karlo naman sa kanan. We look like a happy family kahit hindi ako part ng family.
Bigla naman akong nalungkot. Ha ha ha. Para din akong tanga, eh. Nung nakaraan lang, nagmamadali pa kong umalis galing sa mansion nila. Para 'di ko siya makausap o makita ng matagal dahil alam kong masasaktan ako. Pero ngayon ako pa ata 'tong may gusto na lagi kaming magkita. Kahit ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nung nagkita ulit kami after so many freakin' years. 10 years!
Biglang ikinaway ni Karlo ang kamay niya sa mukha ko. Nagising naman ako sa pag-iisip ko.
"Ay sorry. Ano 'yun?" Tanong ko sa kaniya.
"Sabi ko, anong order mo?"
Juicecolored! So ocean deep naman pala ng pinag-iisip ko at 'di ko namalayang nakaupo na kami ngayon dito sa resto.
"Eh ito na lang sa akin, baby back ribs 'tsaka iced tea lang."
"Pakitimes two na lang ng order niya plus isang fried chicken for my daughter. Thank you." At umalis na ang waiter na kumuha ng order namin.

BINABASA MO ANG
Chasing The Woman Of Every Man's Dreams
RomanceNaniniwala ba kayo sa tadhana? 'Yun bang tipong lumipas man ang mahabang panahon, marami mang taong dumating sa buhay niyo, nagbago man ang pananaw niyo sa buhay, galit ka man sa kanya, kayo pa rin pala talaga ang para sa isa't-isa? 'Yung akala niny...