Chapter 1

17 1 0
                                    

Unang Kabanata

*KRINGGGGGG*

Nagising ako sa tunog ng aking alarm. 6 a.m. na pala. It's a new day! Buti na lang Friday na. Makakapag-rest na ko bukas.

I am Danniella Pamintuan. 26 years young and fresh. Yes, single pa ako. Pero nagkaboyfriend na ako, noon. 'Di ko pa naiisip ang pag-aasawa. Hindi ko pa kaya nadadala ang parents ko abroad. Kailangan ko munang tumulong sa kanila. Isa pa, wala pa din namang dumadating at hindi naman ako nagmamadali.

I am currently working as an Accounting Head Officer sa isang corporation, which is St. Michael Bottling Corporation. Mayroon na din akong ilang shares sa korporasyon. Unti-unti kong binibili. I started as an Accounting Staff dito 4 years ago after ko makapasa ng CPA Board Exam. At ito ngayon, nakapagpundar na ako ng bahay at kotse. Ang dating maliit naming karinderya, isa ng restaurant ngayon. Nakatayo ito malapit sa school ng bunso kong kapatid. Regalo ko na din kina mama at papa, sa ilang taong paghihirap nila para sa akin.

Base sa pagpapakilala ko, alam niyo na sigurong hindi ako nagmula sa mayamang pamilya. Oo, hindi kayo nagkakamali. Isa lang akong babaeng may simpleng pamumuhay. Ordinaryong tao, noon pero medyo tinitingala na din ngayon dahil sa dami ng achievements ko sa buhay magmula noong makapasok ako sa kolehiyo. Nakapagtapos ako sa kursong Accountancy at may karangalan bilang Magna Cum Laude ng aming batch.

Enough of my self, kailangan ko na din magprepare for work.

I wear my blazer, then bumaba na ako to join my parents and my brother. But it seems like wala ang brother ko.

"Good morning, ma, pa. Nasa'n si Dannikier?"

Nagmano ako sa kanila. Umupo at nagsimulang kumain. Wala pa din talagang tatalo sa fried rice ni mama, walang kupas!

"Nako, 'nak. Iyang kapatid mo madaling araw na naman umuwi. Mukhang gumimik na naman kasama sila Ian." Sagot ni mama sa akin.

Batang talaga 'to, mali ata na binili ko 'to ng sasakyan. No, mali, inutang pala. Inutang ng sasakyan. Sabi niya pa naman na magtitino siya basta regaluhan ko lang siya no'n. Nangako pang makakagraduate na siya ngayon, pero shocks! Gusto atang sa school niya na magkaapo!

Umakyat ako sa kwarto niya at binuksan ang pinto niya. O binagsak. Basta, ayun nakita kong humihilik pa.

"Hoy bata ka! Gumising ka na dyan. Ano 'tong sinasabi ni mama na madaling araw ka na daw umuwi?"

"Ate naman, natutulog yung tao, eh."

"Bakit? Tao ka ba? Mukha kang tae tumayo ka d'yan! Alalahanin mo di pa bayad 'yang kotse mo. Inisin mo Dannikier John! Inisin mo ko!"

"Ito na nga ate, oh. Maliligo na ako tapos papasok na ako sa school siyempre, magiiwan ka ng baon ko."

"Baon baon! Magbaon ka ng sinangag at itlog do'n!"


Pero siyempre, joke lang 'yun. Kahit ganoon ang kapatid ko, kahit ginalit at binadtrip niya ako ngayong umaga, mahal ko 'yun. Tinatakot ko lang naman siya, gusto ko kasi in the future mas mahigitan niya pa 'yung mga naabot ko. Alam ko namang medyo malabo, pero may tiwala ako do'n. Magiging sikat na chef 'yun balang araw.

9 a.m. nang nakarating ako sa office at nagkakagulo ang mga staff ko.

"Anong nangyayari dito?"

"Good morning, ma'am." Bati ng isa sa mga staff ko.

"I said, anong nangyayari dito? Bakit kayo nagkakagulo?"

Tahimik silang lahat at walang sumasagot.

"Kilala ninyo ako, mabait ako. Sabihin niyo sa akin kung ano ang problema."

"Kasi po, ma'am. Ano po eh."

"What?!"

Napagtaasan ko ng boses, ayoko kasi ng may paligoy ligoy pa. Alam naman nila ang ugali ko. Di ako magagalit unless sinagad nila ako.

"Ma'am kasi po hindi nagtugma yung auditing ng receivables sa actual transactions. Kulang po. May nawawala pong pera."

"Give me all the papers sa office, ako ang mag-audit."

Inabot na ako ng lunch time sa pag-gawa ng reconciliation. And yes, it's freaking 300,000 pesos ang nawawala. My goodness! An accountant for nothing.

Sinabihan ko na ang secretary ko na magmimeeting kami ng mga staff ko dito sa office ko after lunch. Hinihintay ko na lang sila. Kami din kasing Accounting Department ang nagrerecord, of course at nagdedeposit ng lahat ng cheque or cash and I'm sure, may hindi naideposit at binulsa.

Ilang minuto lang, isa-isa na silang pumasok, kinausap ko sila.

"Huwag ninyong ipagpalit 'yung pagdudusa niyo sa pag-aaral ng ilang taon, 'yung pagpasa ninyo sa board exam para sa kakarampot na pera. Maghintay lang kayo. Lahat tayo pinagdadaan ang nasa ibaba, pati ako, nanggaling din ako diyan. But look at me now. Kikitain niyo 'yan basta magtiyaga. Higit pa diyan. Milyon ang kikitain niyo sa propesyon na ito basta maging tapat lang kayo."



Natapos and diskusyon at may umamin sa akin, pinagbigyan ko siya, sila. Apat sila. Sinabi kong di ako magrereport sa HR basta ibalik nila ang nawawala, they promised to give it before the next month's bank reconciliation and pumayag ako.



It's five in the afternoon nang natapos ang trabaho ko, I decided to go home para makapagpahinga. Kaso traffic! Pagdating ko sa bahay, biglang tumunog ang aking phone.

Denniece Calling...

"Bestfrieeeeeend!"

The most talkative woman in town.

"Hey, what are you up to?"

"Miss ka na ng maganda mong kaibigan. Bukas?"

"Buti naman at naalala mo pa ako. Kala ko nagtanan na kayo ni Daile, eh."

"Gaga. Magtatanan pa, 8 years na kaya kaming magkasama. Edi pakasalan ko na lang."

"Oo na, wag mo na kong inggitin. Baka masapak lang kita diyan."

"Bukas ha? See you at the mall. Love you, mwa!"

"Okay, love you too."

Ang hyper talaga no'ng babaeng yun. Buti 'di natutuliro boyfriend niya sa kaniya. It's already 7 in the evening, inaantok din ako. I will sleep. Later na ko kakain.

-
Danniella Pamintuan.
Dannikier John Pamintuan.
Denniece Melendez.
James Daile Santos.

Chasing The Woman Of Every Man's DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon