Ika-anim na Kabanata
Karlo's POV
Pag-uwi ko sa bahay, naabutan ko si Aimee na naglalaro kasama ang Yaya niya.
"Carmen, gabi na ha? Bakit gising pa kayo?"
"Daddy! I want to see tita Danniella. I miss her! Can you bring me to her? Please, daddy?"
Nagpuppy eyes pa ang aking anak. Hay, sino ba namang makakatanggi dito?
"Eh sir pasensya na po, gusto niya daw po kasing hintayin kayo." Sagot ni Carmen sa nauna kong tanong.
"Okay baby. I will bring you to tita Danniella tomorrow. Sleep, okay?"
"Yes daddy! Thank you!" At kiniss niya na ako sa pisngi.
"Good night baby."
"Good night, daddy. I love you."
Nagtataka ba kayo kung bakit wala dito ang mommy ni Aimee? I will tell you a story, from about 5 years ago.
"Karlo! Buntis ako!" Sigaw ni Amanda sa akin.
"Alam nating dalawa na hindi ako ang ama niyan. Dahil kahit dulo ng daliri mo hindi ko nahawakan." Malamig kong tugon sa kaniya.
"Oo, Karlo. Alam ko. Pero anong gagawin ko? May pangarap ako. Itatakwil ako ng pamilya ko. You know my parents, you know them. Hindi na nila ako kikilalanin. Help me, Karlo. Please. Akuin mo ang bata."
Pagmamakaawa niya sa akin. Umiiyak sa harap ko ang dahilan kung bakit kami nasira ng mahal ko 5 years ago. Kahit papaano, kaibigan ko pa din siya. Kaya tutulungan ko siya. Pero hindi sa paraang gusto niya.
"Hindi ko magagawa iyan. Tutulungan kita pero hindi ko aakuin ang hindi sa akin. Tutulungan kitang lumayo hanggang sa manganak ka. Sigurado akong paglipas ng siyam na buwan at masilayan ang batang 'yan ng mga magulang mo, sigurado akong matatanggap din nila."
Pinapunta ko siya sa rest house namin sa Cebu. Sinusustentuhan ko siya kahit na hindi ako ang ama ng dinadala niya.
Lumipas ang oras, araw, linggo at buwan.
Paggising ko isang umaga, tumatakbong lumapit sa akin si Carmen, ang bago naming katulong dito sa bahay.
"Sir! Naku, may kailangan po kayong malaman."
"Ano iyon?" Tanong ko sa kaniya.
"Kanina po noong magtatapon ako ng basura may baby po sa labas. Iyak po ng iyak. Mukhang iniwan ng salbahe niyang nanay."
"Ano?"
Dali-dali akong lumapit sa bata. Nakukutuban ko na kung ano itong nangyayari.
Paglapit ko sa bata, binuhat ko ito at inabot kay Carmen. Halatang bagong panganak pa lamang ito at wala pang isang buwan. May nalaglag na papel. Agad ko itong pinulot.
Sayo ko siya iiwan dahil alam kong aalagaan mo siya. Kailangan kong lumayo at ipagpatuloy ang pangarap ko. Maraming salamat dahil naging mabuti kang kaibigan sa akin. Babalik din ako, sa takdang panahon.
Alam kong kahit katiting hindi mo ko minahal dahil sa pagmamahal mo kay Danniella pero mahal kita at salamat sa lahat.
-Amanda.
"Sinasabi ko na nga ba!"
Noong araw ding iyon, pinaalam ko sa pamilya ko at ni Amanda ang pangyayari. Pati na rin sa mga malalapit naming kaibigan. Mula sa unang impormasyon hanggang dulo. Kailangan kong maging transparent dahil ayokong maging single dad ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing The Woman Of Every Man's Dreams
RomanceNaniniwala ba kayo sa tadhana? 'Yun bang tipong lumipas man ang mahabang panahon, marami mang taong dumating sa buhay niyo, nagbago man ang pananaw niyo sa buhay, galit ka man sa kanya, kayo pa rin pala talaga ang para sa isa't-isa? 'Yung akala niny...