Ikalimang Kabanata
Lunes na. Kailangan ko pa palang balikan ang sasakyan ko kina Karlo. Dyahe naman! Imbes na aalis na lang ako papuntang office, mahahaggard pa sa pag-commute.
Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako. Tama ba itong nakikita ko? Nasa hapag kainan namin si Karlo?
Ang guwapo niya. Sa suot niyang napakapormal. Bumabakat pa din ang muscles niya. Bumabakat 'yung ano... shet ang sarap.
"Hindi mo ba alam na masama akong titigan?"
Bakit naman kasi ganyan ka kasexy! Partida may damit ka pa. Paano kaya kung wala.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya nang matauhan ako. Oh my goodness! Nagiging mahalay na ako! Dahil ba 'to sa pag-iisip ko kagabi sa mala-Adonis niyang kagwapuhan at kakisigan?
Shut up, Danniella! Dalagang Filipina tayo dito!
Baliw na ata ako.
"Ganiyan ka ba magwelcome ng mga bisita mo?"
Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay.
"Hinatid mo na ba 'yung kotse ko?" Tanong ko sa kaniya.
"Ayun nga sana ang sasabihin ko. 'Di pa naaayos 'yung kotse mo."
"Eh bakit pumunta ka pa dito? Puwede namang nagpadala ka na lang ng tao o kaya tinawagan mo ko."
"Excuse me, Dan. Unang una, puwede bang mag-thank you ka na lang? Kung pupunta ka pa sa bahay, hindi ba't dyahe 'yun sayo? Pangalawa, wala akong number mo. Ang sabihin mo, gusto mo lang akong makatawagan."
Aba't ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking 'to! 'Di porket guwapo at masarap ka gaganyanin mo ko ha!
"Whatever." Na lang ang naisagot ko sa kaniya.
"Ma, Pa, alis na ko." Muntik ko ng makalimutan na nanunuod pala sa amin ang mga magulang ko. Nakakahiya. Bad trip!
"Hatid na kita sa office mo?" Bigla na namang nagsalita ang asungot na 'to.
"May pangtaxi ako. May paa ako. 'Di ko kailangan."
"Nak, sige na magpahatid ka na. Lunes ngayon. Bawal kang malate."
Pinandilatan ko ng mata si mama. Guess what? Ngumiti lang siya! Sinasabotahe talaga ako ng mga ito. Nakakaloka!
Ano pa nga ba ang gagawin ko? Edi pumayag na ko.
8:45 a.m. nang kami ay makarating sa tapat ng Escudero Building. Nagulat ako at alam niya 'yung office ko. Don't tell me?
"Stalker ka ba? Bakit alam mo kung saan ako nagtatrabaho?"
"Guwapo ako kaya admirer ako. Isa pa kaya ko nalaman kasi, ano, aaaahh, kasi sinabi sakin ni tita Juliet. Tama 'yun nga sinabi ni tita sa akin kanina!"
"Oh bakit nag-stutter ka? Okay, sabi mo, eh. Alis na ko. Salamat!"
Juliet, siya 'yung mama ko. Sinabi daw? Pahamak talaga 'yun si mama, eh!
Work work work all day ang drama ni ate mo Danniella. Monday ngayon kaya tambak lahat ng trabaho. Buti na nga lang wala si Nathan, may inasikasong business kasama ang big boss which is his dad sa Malaysia. Kaya ayun, walang nangungulit sa akin.
Alas singko na ng hapon at out ko na sana. Pero nagpasya akong huwag muna umuwi at magover time na lamang.
Bandang nine ng gabi nang maramdaman ko ang gutom. Inayos ko na ang gamit ko, pinatay ang ilaw sa office at nagtuloy na ko sa elevator.
Pagdating ko sa lobby isang pamilyar na pigura ang nakita ko. Bakit na naman siya nandito? Gabi na ah?
"Ano na naman, Karlo?"
"Ah kasi. Ano. Naisip ko lang na sunduin ka kasi wala pa 'yung sasakyan mo?"
"Kaya ko namang mag-taxi. Hindi naman kailangang sunduin mo pa ako. Wala ka bang ginagawa?"
"Nagmamalasakit lang naman ako. Sige, hintayin na lang kita makasakay ng taxi."
Ang tagal na naming naghihintay dito ng masasakyan ko. Ang dami ngang dumadaan, puro naman may sakay. I hate Mondays! Dapat pala di na lang ako nag-OT.
"Dan, sigurado ka bang maghihintay ka pa? Magtten na oh. Halos isang oras na tayong naghihintay dito."
"Puwede namang umuwi ka na, ba't mo pa kasi ako hinihintay dito?"
Walang sumagot sa akin. Pag-tingin ko sa likod ko, wala na siya.
Bakit parang dismayado ako? So, Danniella, umaasa kang sasamahan ka niya dito?
Hello?! Iniwan ka nga niya noon at ipinagpalit.
Nang biglang may humintong pick-up sa harap ko at ibinaba ang bintana...
"Tara na, Dan. 'Wag ka na maghintay diyan."
Ang dami naman nitong sasakyan. Hindi ako sumasagot.
"Danniella Pamintuan! Halika na. Pagod ka na alam ko. Sumakay ka na ihahatid na kita!"
Kung dati takot ako sa'yo kapag tinatawag mo ako sa buong pangalan ko. Pwes, ngayon hindi na. Tch.
Hindi pa din ako patitinag.
"Ayaw mo talaga?"
Tinignan ko lang siya habang pababa ng sasakyan. At bigla akong...
"Waaaaaaah!!!! Bitiwan mo nga ako!"
Binuhat ba naman ako at biglang binagsak sa passenger seat niya.
"Ano ba Karlo! Hindi nga ako ginaganyan ng boyfriend ko, eh!"
Charot. Wala naman akong boyfriend. That is just my expression. Hahahahaha!
Nagbago ang expression ng mukha niya at hindi na nagsalita.
Karlo's POV
"Ano ba Karlo! Hindi nga ako ginaganyan ng boyfriend ko, eh!"
Ano? Boyfriend niya? Bigla namang nagbago ang mood ko.
Kainis! Yung bang Nathan na 'yon? Bakit hindi siya sinundo?
Sayang lang effort ko! Bwisit!
Hindi naman totoong 'di pa ayos ang sasakyan niya, eh. You know? Reasons...
Gusto ko lang talaga siyang makasama. Pero shit! Bakit may boyfriend na siya? Paano ako babawi sa kaniya?
Bwisit! Bwisit talaga!
Napahampas ako sa manibela ng nagred lights.
Napatingin lang siya sakin at bumalik ng tingin sa bintana.
"Salamat, Karlo."
'Di ko na siya pinansin at umalis na lang. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Oo, alam kong may feelings pa ako sa kanya. Pero hindi to the point na magseselos ako ng ganito. Fuck this feelings!
-
I'm really sorry for the late update. Nawalan ako ng internet. Update ulit later! Vote or comment. Thank you!
BINABASA MO ANG
Chasing The Woman Of Every Man's Dreams
RomantiekNaniniwala ba kayo sa tadhana? 'Yun bang tipong lumipas man ang mahabang panahon, marami mang taong dumating sa buhay niyo, nagbago man ang pananaw niyo sa buhay, galit ka man sa kanya, kayo pa rin pala talaga ang para sa isa't-isa? 'Yung akala niny...