Chapter 3

9 2 0
                                    

Ikatlong Kabanata

Alas otso ng umaga nang nagising ako. Napagod din ata ako kahapon. Sunday ngayon at kailangan ko na ding ihatid ang bata sa pamilya niya. Speaking of baby Aimee, bakit wala na siya sa tabi ko?

Dali dali akong nag-ayos at nag-bihis para hanapin si Aimee sa baba.

"Hahahaha!" Tawa 'yun ni papa ha?

I felt relief nang nakita kong si Aimee ang kalaro ni papa at mama.

"Good morning, tita Dannie!" Bati sa akin ni Aimee.

"Good morning, baby! Nag-eat ka na?"

"Opo tita. Pinakain po ako ni lola." Natuwa naman ako sa pagtawag niya ng lola kay mama. Feeling close din 'tong batang to, eh. Haha!

"Wow that's good baby. Para makaalis na tayo."

"Paliguan mo muna yan at ayusan. May damit na naiwan 'yung inaanak mo diyan, 'di ba? Ipagamit mo muna."

"Ay oo nga pala. Let's go baby, para makauwi ka na sa inyo. I'm sure 'di nakatulog ang parents mo kahahanap sa iyo."



After ko ayusan si Aimee, tinanong ko siya kung alam niya ba kung saan siya nakatira. Natutuwa naman ako sa sagot niya sakin.

"Sa number twelve Juliana Street po, sa Country Village po. Sa may green na bahay!"



Medyo malayo ang Country Village dito. Dahil sa susunod pa na city 'yun. Hindi ko na pala siya kailangang dalhin sa pulis, maihahatid ko na siya sa kanila.





Nalula ako sa naabutan kong green na bahay, hindi siya bahay. Mansion siya! Oo, literal na mansion! Saktong pagbaba namin ng sasakyan ang pagbukas ng gate nila, lumabas ang isang babaeng nakauniporme.

"Yayaaaaaa!" Sigaw ni Aimee, ito siguro ang nakawala sa kanya kahapon.

"Yaya, siya po si tita Dannie, siya po yung nagcare po sa akin kagabi."

"Nako ma'am. Thank you po. Kagabi pa po nag-aalala ang daddy niya sa kaniya. Salamat po. Pasok po kayo."

Tumuloy ako sa loob ng mansion. Nang may narinig akong sumigaw...

"Wala akong pakialam! Hihintayin ko pa ba ang twenty four hours?! Kailangan kong mahanap ang anak ko!" Isang lalaking likod pa lang alam kong gwapo na.

"Daddy! I'm here!"



Humarap ang isang lalaki. Hindi nga ako nagkamali. Mala-Adonis na katawan at kagwapuhan.



Daddy? Anak? Si Aimee? Ibig sabihin, siya ang daddy ni Aimee?



'Yung lalaking...



Lalaking matagal ko na dapat binaon sa limot.



Lalaking dahilan kung bakit ako naging ganito.



Lalaking minahal ko noon pero sinaktan ako.



Parang kagabi lang iniisip ko ang future namin kung sakaling hindi kami nag-hiwalay. Ayun pala mananatili na lang itong pangarap.



Pagkalipas ng mahabang panahong hindi namin pagkikita...






"Karlo?!" "Danniella?!" Sabay naming pahayag.

-
Pasensiya na po, short update. Babawi po ako next update. Vote and comments naman po. Thank you! -danica.

Chasing The Woman Of Every Man's DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon