Ikaapat na Kabanata
Karlo's POV
"Danniella?!" "Karlo?!" Sabay naming pahayag.
Tama ba itong nakikita ko? Hindi ba ako nagkakamali?
Maaaring maraming nagbago sa kaniya pero alam kong siya 'to.
Mga labing minsan ko nang napangiti.
Mga matang minsan ko nang napa-iyak.
"Daddy? You know tita Dannie?"
"Yaya Carmen, paki-akyat muna si Aimee sa taas."
Dali dali namang sumunod si Yaya at inakyat si Aimee.
"Thank you, Danniella."
"Wala 'yun. Naawa lang ako sa bata. Aalis na din pala ako. Hinatid ko lang siya." Sagot sa'kin ni Daniella.
"Teka, Danniella, puwede ba tayong mag-usap?"
Danniella's POV
"Teka, Danniella, puwede ba tayong mag-usap?"
Ano naman kayang pag-uusapan namin? Pag-uusapan namin 'yung buhay niya? Ipapamukha niya sa akin na masaya na siya? Nako nako! Ayoko!
"Aaah, oh sige ba. Tungkol saan?" Nalintikan na. Tinraydor na ako ng bibig ko.
"Halika, sa garden tayo."
Sumunod ako sa kaniya at umupo. Ang ganda talaga ng bahay niya. Pakiramdam ko maliligaw ako kapag inikot ko 'to.
"Kamusta?" Tanong niya sa akin.
Ito hindi pa din nakakamove-on sa'yo.
"Eh, okay lang ako. Ikaw ba?" As if namang sasabihin ko 'yun.
"Okay lang din ako. Ang laki na nang pinagbago mo."
"Ikaw din naman. Ang layo na sa dating Karlo na kilala ko. May pag-asa pa palang tumino ang bad boy. Haha!"
Biglang sumeryoso ang mukha niya. Ako lang ata natawa sa joke ko.
"Para kasi 'to sa babaeng mahal na mahal ko. Para sa pagbabalik niya."
Para kaya ito sa mommy ni Aimee? Ibig sabihin hindi sila magkasama? Ang suwerte naman ng babaeng 'yun kung sino man siya.
"Ah ganoon ba? That's good for you. Nga pala, kailangan ko ng umalis. May aasikasuhin pa kasi ako."
Kahit wala naman talaga. Sasaktan ko lang kasi sarili ko 'pag nakipagkuwentuhan pa ko sa kaniya. Hello? Almost ten years without communication tapos ganito magiging usapan namin? Ni wala nga kaming closure. Basta na lang siyang hindi nagpakita o nag-explain manlang. Iniwan niya ako noon na puno ng bagabag. Ni hindi ko nga alam kung saan ako nagkulang para saktan niya. Galit ako sa kaniya, inaamin ko naman. Pasalamat siya may respeto pang natitira sa akin kaya nakikipag-usap ako ng maayos sa kaniya.
"Sige, hatid na kita sa inyo."
"Hindi, wag na. I have my car."
"Hatid na lang kita sa kotse mo."
Paghatid niya sa akin sa kotse, pumasok na ako.
"Ingat ka. Salamat ulit sa pag-aalaga sa anak ko."
Hindi na ako sumagot at inistart ang kotse ko.
Kapag sinusuwerte ka nga naman oh! Ayaw mag-start ng sasakyan ko!
Tinry ko na nang tinry pero wala talaga. Bakit ngayon pa? Kailangan ko ng makaalis dito!
Kinatok ng gwapong nilalang na ito ang bintana ko.
Binuksan ko ang pinto at...
"What?"
"Hatid na kita?"
Ano pa nga ba? Alangan namang lakarin ko palabas ng village na 'to?
"Paano 'tong sasakyan ko?"
"Balikan mo bukas? Ipapaayos ko."
"Okay, salamat."
Isang nakabibinging katahimikan habang nasa biyahe kami papuntang bahay. Lord, pakiiksian naman na po 'yung daan. Masyadong maliit ang espasyong ito para sa aming dalawa.
Pagdating sa tapat ng aming bahay, saktong mayroon ding sasakyan na kakapark lang. Sasakyan ng pinakamasugid sa lahat ng masugid na manliligaw.
"Sige, dito na lang ako. Salamat." Bumaba na ako ng sasakyan ni Karlo para salubungin si Nathan, na pababa din ng sasakyan niya.
"Nathan!" Sabay lapit ko sa kaniya. Nagulat naman ako ng halikan niya ako sa pisngi.
"Sino siya?" Nakatingin si Nathan sa likuran ko.
Hindi pa pala nakakaalis itong si Karlo.
"Ay, Nathan siya si Karlo. Karlo, siya naman si Nathan."
"Nice to meet you, pare." Sabi ni Nathan sabay na nakipagkamay kay Karlo.
"Nice meeting you too. Sige, Dan, Nathan. Una na ko." Sagot naman ni Karlo.
"Ingat ka. Salamat ulit sa paghatid."
Nakaalis na si Karlo at pumasok na kami ni Nathan sa loob ng bahay.
"Na saan 'yung sasakyan mo? Bakit hinatid ka niya? Tska siya ba yung Karlo na ex mo?"
Kinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyari mula kahapon. Maya maya din umalis na siya, pumunta lang daw siya para bisitahin ako. Namiss niya daw kasi ako.
By the way, si Nathan ay ang pinakamasugid kong manliligaw. Three years? Siya ang anak ng may-ari ng St. Michael Corporation. I already told him na hanggang friends lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Pero sabi niya hayaan ko lang daw siyang ipadama niya sa akin 'yung nararamdaman niya.
Gabi at patulog na ako nang muli kong alalahanin ang mukha niya. Ang guwapo niya pa din, walang pinagbago. Mas lalo pa nga atang gumwapo.
"I LOVE YOU DANNIELLA, CAN YOU BE MY GIRL?"
Mga letrang nakasulat sa isang malaking tarpaulin na nakasabit sa senior building.
Ang favorite kong everlasting flowers...
Mga kaklase naming kumakanta ng kantang unang pinarinig niya sa akin gamit ang kaniyang malamig na boses...
"The strands in your eyes
Color them wonderful
Stop me and steal my breath..."
Ang lalaking may bitbit ng isang malaking teddy bear na may hawak na, "YES OR NO?"
Siyempre. Ano pa ba ang isasagot ko? Lalaking pinangarap ko lang noon, lumuluhod sa harapan ko ngayon? Alam kong sa ilang buwan niyang panliligaw sa akin, mahal ko na siya...
"Yes! Yes! Sinasagot na kita, Karlo!"
Sa pag-iisip ko, 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.
-
Sabaw po ba? Vote or comment. Thank you. -danica.Nathaniel Escudero.
BINABASA MO ANG
Chasing The Woman Of Every Man's Dreams
RomanceNaniniwala ba kayo sa tadhana? 'Yun bang tipong lumipas man ang mahabang panahon, marami mang taong dumating sa buhay niyo, nagbago man ang pananaw niyo sa buhay, galit ka man sa kanya, kayo pa rin pala talaga ang para sa isa't-isa? 'Yung akala niny...