Chapter 2

17 1 2
                                    

Ikalawang Kabanata

Alas dose na ng hapon at on the way na ko sa mall. Tinatawagan ko na si Deniece.

Calling Denniece...

"Hello, bestie! Saan ka na?" Bungad ko sa kanya.

"Ito nasa taxi na, hindi ako maihahatid ni Daile. Nasa office kasi siya."

"Okay, ingat ka. See you!"

Binaba ko na ang tawag at nagtuloy na magdrive papuntang mall.

Pagdating ko sa mall, pinark ko na ang kotse ko at nag-hanap ng restaurant. Dito ko na lang hihintayin si Denniece at dito na din kami kakain. Medyo gutom na kasi ako.

Ang tagal naman ng babaeng yun. Oh speaking of the angel, ayan na siya...

"Hi, best!" Nagbeso siya sa akin.

"Order na tayo. Gutom na ko."

Habang kumakain kami, biglang nagsalita ang bestfriend ko.

"Ang laki na talaga ng pinagbago mo, 'no? Parang noong high school tayo, hindi ka naman ganito. Ang laki na din ng igininhawa ng buhay mo, niyo. Ang ganda ganda at sexy mo pa. Bakit hindi ka pa magboyfriend?"

"Gano'n talaga, Den. Nasaktan, nagmove-on, gumanda. Hahaha! Joke. Alam mo namang wala pa akong balak magboyfriend, saka wala din namang dumadating. Ano? Manghagad ako ng puwedeng iboyfriend?"

"Anong wala? Ilan na ba ang binasted mo? Ang sabihin mo, 'di ka pa talaga nakakaget over sa ex mo."

Ako? Hindi pa? Hindi pa nga ba? Di na muna ko sumagot at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Natapos na kaming kumain nang nagsalita ako...

"Pero alam mo, best. Laking pasasalamat ko din kay-dun, eh.

"Oh bakit 'di mo mabanggit pangalan niya? Hahaha! So, bakit ka naman nagpapasalamat?"

Lukaret talaga 'tong kaibigan ko. Nabubuang na naman. Haha.

"Kasi, kung hindi niya ako sinaktan. Kung hindi nangyari 'yun. Malamang, ako pa din 'yung babaeng duwag, martyr at tatanga-tanga. 'Yung babaeng dependent sa ibang tao. 'Yung babaeng mahina. My experience in loving him thaught me how to be strong and independent woman. Kaya thanks to him."

Sa pag-uusap naming 'to. Mas lalo tuloy akong napaisip kung talaga bang nakamove on na ko. Alam ko nakalimutan ko na siya. Pero bakit ngayon, sariwa pa din pala.


Andito ako sa department store. Hindi na kami magkasama ni Denniece. Kanina pa kami naghiwalay after manood ng sine at mag-ikot ng konti. Tumawag kasi 'yung boyfriend niya. May dinner date pala sila. Feeling niya nga daw magpopropose na sa kanya 'to. Hay, buti pa siya dumating na 'yung taong mag-aalaga sa kaniya. Uuwi na din ako maya-maya, it's eight in the evening at magsasara na ang mall. Ang tagal din pala naming magkasama.

Kalalabas ko lang ng department store nang may nakita akong batang umiiyak. May kausap siyang isang lalaki, nilapitan ko.

"Manong, bakit ho umiiyak ang bata?"

Tanong ko kay manong, mukhang hindi niya kakilala ang batang ito.

"Eh miss nilapitan ko iyak kasi ng iyak. Hindi naman nagsasalita."

"Sige ho, ako na bahala sa bata."

Tumingin ako sa bata, saglit siyang tumigil sa pag-iyak.

"Waaaaaaah. Daddy, daddy." Hala umiyak na naman ulit siya.

"Baby girl, bakit? Nawawala ka ba? Sinong kasama mo?"

"Kasama ko po si yaya kaso bigla po siyang nawala. 'Di ko na po siya makita."

Binuhat ko siya at dinala sa guard.

"Sir, can you help us? Nawawala kasi itong bata. Gabi na at baka hinahanap na 'to."

"Halika ma'am, ipapage po natin."









Lumipas na ang kalahating oras at wala pa ding kumukuha ng bata. Kawawa naman 'to. Buti na lang hindi na siya umiiyak. Pinahiram ko kasi sa kaniya 'yung phone ko at ayun naglalaro.

"Ma'am, wala pa po bang kukuha sa bata? Magsasara na po kasi ang mall. Gusto niyo po, dalhin niyo na lang sa pulis para mas sigurado." Sabi ng guard sa akin.

"Ay sige po sir. Ako na lang ang bahala sa bata. Salamat po."

Dinala ko na ang bata sa kotse ko. Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.

"Baby girl, ako si tita Danniella. Puwede ding tita Dannie na lang. Anong name mo?" Inistart ko na ang kotse ko.

"Hello tita Dannie, ako po si Aimee!" Masiglang sagot niya sakin.

"Wow ang cute naman ng name mo. Kasing cute mo. Ilang taon ka na?"

"4 na po ako! Pero nagi-school na ako!"

Ang sigla naman ng batang ito. Ang cute cute!

"Uhm... tita dannie, ano po kasi. I'm hungry na po."

Oh my goodness. 9 na pala! Nakalimutan ko.

Dinala ko siya sa isang fast food at pinakain. Mukhang gutom na nga ang batang 'to. Ilang oras na kaya itong nasa mall?

"Baby Aimee, kanina ka pa nawawala?"

"Opo tita. Matagal po ako nagwait dun."

"Sino bang kasama mo? At bakit ka nawala?"

"I'm with yaya Carmen po. Sabi niya po wait lang kasi po may nagcall sa kaniya. Tapos po may nakita akong toys, nilapitan ko po. Babalik na po ako sa kaniya tapos 'di ko na po alam kung saan po ako babalik tita."

"Oh sige baby. Tara na, dadalhin kita sa pulis para makauwi ka na sa inyo."

Umalis na kami sa fast food at pupunta na sa pinakamalapit na police station. Matalino naman itong batang 'to, siguro alam niya ang address nila.

"Baby Aimee, alam mo ba kung anong address niyo?"

"Baby Aimee?"

Pagtingin ko sa passenger seat ko, nakatulog na pala. Gigising ko ba siya? O bukas na lang? Kaso baka hinahanap na siya ng parents niya. Pero pagod ito, hayaan na nga. Bukas na lang.





Pagdating ko sa bahay, nagulat si mama sa dala kong bata. Tinanong niya kung sino ang batang dala ko. Sabi ko bukas na ako magpapaliwanag, magpapahinga na muna ako.

Umakyat ako sa kwarto at pinahiga ang bata, naglinis na ako ng katawan at tumabi sa kanya.

Ang cute talaga ng batang ito. Siguro kung hindi kami naghiwalay noon, may baby na din kami ngayon. Baka masaya na kaming nakatira sa dream house namin. Sabay na siguro naming tinutupad 'yung mga pangarap namin.

Hay, bakit ko pa ba iniisip 'yun. Masyado ng huli ang lahat. Baka nga pamilyado na yun at masaya sa buhay niya. Ako na lang siguro ang hindi makapagmove forward at pilit na binabalikan ang nakaraan.

-
Sana po may mga magvote and comment. Para po malaman ko kung ayos lang po ba ang story ko. Salamat po! -danica.

Chasing The Woman Of Every Man's DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon