Kathleen’s POV
As usual, pauli ulit na routine ulet. Magriring ang alarm, babangon sa higaan, etc. Pero nung tiningnan ko yung sarili ko salamin habang nagsusuklay, nakasuot pa pala ako nung polo. Haaaaay... Pinagpatuloy ko nalang ulet ang routine ko. Pagkatapos ko maligo kinuha ko yung polo, tinupi ito ng maayos at nilagay sa luob ng bag ko. Ang outfit ko ngayon ay... Pang opisina! Chos! Feel ko lang! Pagkatapos ko magbihis, bumaba na ako para kumain ng almusal.
"Wow, naka pang-opisina sya o! Witwew!" sabi ng kapatid ko na nauna ng kumain.
"Pake mo? E gusto ko to eh!"
"Oy compliment naman sinabi ko ah!"
"Joke lang! O, thank you!" at pagkatapos nun ay umupo na ako at kumain.
Pagkatapos ko kumain ay tinawag ko na si manong para ihanda ang limousine. Habang hinahanda ni manong ang limousine ako naman ay nagtu-toothbrush na.
"Kathleen! Handa na ang sasakyan!" sigaw ni Miss Faye.
"Opo!" sabay punas ko ng labi ko ng tuwalya.
At pagkatapos nun ay pumunta na ako at sumakay sa limousine. Tapos nag drive na rin si Manong papunta sa school ko. Alangan naman sa sementeryo diba?
Nakarating na kami sa gate ng aming school at pagbaba ko ay nasitinginan na ang ibang mga istudyante. Well sanay na ako dyan. Ngumiti nalang ako with my brightest smile! Pero may bumabagabag sa isip ko. Si Double L. Eh pano ba naman kase! Yung polo niya?!
Eh! Panira ng araw naman oh! Hindi ko nalang inisip yun at dumerecho sa classroom ko. At as expected, ayun. Andun na si Double L, na nagbabasa ng A Walk To Remember by Nicholas Sparks. Asus! Nabasa ko na din yan! At napanood na rin ang movie niyan! Tss.
"Andyan ka na pala Miss Kathleen Mendoza" sabi nung Double L. Alam niyo, sawang sawa na ako sa Double L. Hindi nalang ako sumagot at umupo. Nanahimik ako ng biglang gumawa siya ng gulo.
"Asan na ang polo ko?" sigaw niya. Putek! Kailangan ba talagang isigaw yun? As usual, the girls are glaring at me, AGAIN.
"Kailangan mo bang isigaw yan?" sabi ko sa kanya ng pabulong pero may halong inis.
"Pake mo?" sumagot din siya ng pabulong. Ay langya tong lalakeng to ah!
"Alam mo ba kung ano pinapasok mo? GULO! Alam mo ba na baka kung ano na ang naglalaro sa utak ng mga kaklase naten? Mamaya masira pa reputasyon natin eh! At mamaya susugurin pa ako nung mga babaeng may gusto sayo! Ano ba! Isip isip din kasi!"
"Sabi ko, asan na... Yung polo ko!" sigaw niya ulet. Damn! Masusuntok ko to eh! Wala na akong nagawa kundi ibigay ang polo. At ang malala, nakatingin lahat ng kaklase ko. Binato ko yun sa mukha niya at aalis na sana ako ng biglang hinawakan niya ang kamay ko.
"At saan ka pupunta?"
"Wala ka ng pake dun" sabi ko sabay tanggal nung kamay niya. Dinala ko ulet yung bag ko at umalis sa classroom. Sobra akong nahiya. Pakiramdam ko, nasira ang reputasyon ko dahil sa lalaking yun. Eh alam mo na, yung mga iniisip nung mga babae. Feeling nila may nangyare. Alam niyo na po yun. Di ko na kailangan i-explain sainyo. Hindi nalang ako pumasok nung araw na yun, dahil na rin sa sobrang kahihiyan.
Pumunta nalang ako sa mall at lumamon este kumain ng mga pagkain. Alangan naman kainin ko tae diba? Kaya pagkain. Nanuod din ako ng sine at nag window shopping. Pagkatapos nung mga yun ay tiningnan ko ang oras at uwian na pala namen.

BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede.
Teen FictionTwo people who loves each other. But what if one day you knew HER BIGGEST SECRET? Are you willing to accept HER? No matter what she is? Matatanggap mo pa ba siya? Mamahalin mo pa rin ba siya? This story is a complicated story. Maraming ka-ek-ek-an...