Kathleen's POV
"Ahahaha! Luis Lopez lang pala pangalan mo may nalalaman ka pang Double L diyan! Ahahaha!" sabi ko habang tumatawa. Hahaha! Ang baduy kasi!
Halatang halata naman na pikon na siya! Ahahaha!
"Kathleen, that's not good. Say sorry to him."
Ha? Anu daw sinabi ni Miss Faye? Ako? Magso-sorry? Bakit?! Ano bang kasalanan ko?! E nakakatawa naman talaga yung trip niya eh! Kaso wala na akong magagawa eh. Utos yun ni Miss Faye eh. Wala eh. Masunuring bata eh. Sorry sa madaming eh. Trip ko lang to eh. LOL.
"A-uhm. Double L! Este! Luis Lopez! Sorry" sinabi ko yun habang pinipigilan ko yung tawa ko. Kaya ngumingiti-ngit ako habang nagso-sorry.
"Oks lang yun."
"O Kathleen, magpaliwanag ka na iha." - Miss Faye
"Ah, eh, ah, pano ko ba toh sisimulan? Ah! Kasi po simpleng away lang namin to ni Double L! Este! Luis Lopez!" Sorry naman! Nasanay na ako sa Double L eh! "Ah pasensya na Luis, nasanay na ako e." Sabay kamot ulo ko. Oy! Wala akong kuto noh! Eeww! "Simpleng sagutan lang po kasi Miss Faye. Eh etong si Luis masyadong sweet, kaya yung mga malalanding babae na kaklase ko na kaaway ako, eh nagalit saken. Kase nga najejelly sila! Pero ok na kami ni Luis. Diba Luis? Diba?" Sabay kindat ko sa kanya. Please! Sana naman nagets mo ako! Magkunwari ka na bati na tayoooo!!!! Please!
"Ah opo! Bati na kami niyan!" sabay smile niya. Ayun, wala ng mata. Singkit kasi.
Hay salamat! Phew!
"Aaahhh.... Ok. Pero Kath, hindi ka paren ligtas. Ano? Sasabihin ko ba to kila ma'am at sir?"
"Ay! Wag po Miss Faye! Wag po!!!!!" pagmamakaawa ko sa kanya.
"O sige. Pero hindi ka parin ligtas!"
Anu ba naman yan Miss Faye oh! ( T-T )
"Bawal ka mag-internet for 3 days!"
"Huwaaaaat?! Miss Faye!"
"Walang what what! Eh anong gusto mo? 1 week? 2 weeks? 1 buwan!?"
"Ehehe. O sige na nga po. 3 days." T^T
Nakakainis naman oh! Ay! Nakalimutan ko pala! Andito pala si Luis! Badtreps naman oh! Nakita niya yun? As in yung pagiinarte kong yun? Ugh. Oo nga. Nakita niya nga. At hayun! Ngingiti-ngiti! Hmp! I'm sure na pinipigilan niyang tumawa!
"O sige. Ihatid mo na si Luis sa gate at pagkatapos umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis. Maswerte ka dahil onti lang yang pasa mo. Hindi mahahalata ng mga magulang mo."
Eh? Ako? Ihahatid ko tong Luis na toh? Tapos sabi niya swerte pa daw ako? Tss. Hay naku. As usual, wala akong magagawa.
"Tara na po MR. LUIS LOPEZ!" sinabi ko yun ng mahinahon ha! Oo! Promise talaga! Ayaw niyo maniwala ah! Di wag!
Tapos yun. Sumunod nalang yung Luis.
"Oy, may utang ka na saken ah!''
Oo nga may utang na ako... Pero MWAHAHAHAHA! I have an evil plan boy!
"Asus! Wala na akong utang noh! Kwits lang tayo! Baket? Kase alam ko na pangalan mo! Gusto mo ipagkalat ko ha? Hahahaha! Pag nalaman nila yun, ang reaksyon nila parehas din ng saken! Haha! Matatawa din sila! Ang baduy mo kase, alam mo ba yun? May nalalaman ka pang Double L diyan! Pero sabagay, oo nga, Double L nga. Kase Luis Lopez. Kaso... Ang baduy pa rin pre!" sabi ko sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede.
Teen FictionTwo people who loves each other. But what if one day you knew HER BIGGEST SECRET? Are you willing to accept HER? No matter what she is? Matatanggap mo pa ba siya? Mamahalin mo pa rin ba siya? This story is a complicated story. Maraming ka-ek-ek-an...
