Hoo... Ang awkward awkward naman ng sitwasyon na 'to. Naglalakad kasi kami ni Daniel at wala man lang nag-iimikan. Pano nga ba kami magpra-practice? Nakakailang kasi eh, bwisit na theme yun.
"Aahh, pano ba natin 'to sisimulan?" I said as i broke the awkward silence.
"A-actually may kasama ako."
"Huh?"
"Nakasunod siya sa 'tin."
Tumingin ako sa likod para tingnan kung may nakasunod nga samin pero wala.
"Asan? Wala naman eh."
"Lumabas ka na." sabi ni Daniel.
Hinihintay ko na lumabas yung sinasabi ni Daniel na kasama niya. Pero ang tagal kay lumingon ulit ako sa aking harapan at...
CLICK!
"Ahh! Ano yun! Ba't ang silaw! Huy! Daniel asan ka na!"
"Andito lang ako! Ano ba kasi ginawa mo! Tsk!"
"Ewan! Biglang may nag-flash na kamera eh!"
"Sorry po! Sorry po talaga!" may narinig akong ibang boses.
Kalaunan ay nakakita na rin ako ng normal. Hindi tulad kanina na puro white yung nakikita ko. Nakita ko yung lalaking nagdulot sakin nito. Mukha naman talaga siyang photographer e. Let's say isang nerd na photographer. Shy kasi siya tapos nakasuot ng malaking salamin.
"Sorry po talaga." Pang sampung beses niyang sabi.
"Okay lang. Nga pala Daniel, ba't kasama natin siya? Don't tell me kukuha talaga tayo ng pictures? Gabi na oh! Madilim!"
"Okey lang yan."
Nagulat ako ng si nerdy-photographer ay naglabas ng mga ilaw. Meghad. Ano 'to? Photo shoot lang ampeg?
"Tara, hanap na tayo ng place." sabi sakin ni Daniel sabay akbay. Ahihi! Chos. Landi ko!
Sumunod nalang ako sa kanya at napagdesisyonan naming dito nalang kami. Sa may upuan na ang tawag ay bench.
Umupo siya at umupo din ako. Sinet na nung photographer yung mga ilaw at...
"Masyado ka yatang malapit Daniel. Hehe."
Pusang gala naman kasi eh! Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko! Okey, ganito kasi yun. Yung forehead namin ang magkadikit. Nakapikit lang siya habang ako...
( O___O )
"Basta, pikit ka nalang din." sinunod ko nalang si Daniel. Pumikit na rin ako. Hooo..... Stay calm Kath. STAY. CALM.
CLICK!
Narinig ko yung tunong nung camera.
"Bukas mo na mga mata mo." bulong niya.
Nakita ko siya na nakangiti sakin. Pakshet pre! Ang wafu! >//////<
"Ako ang direktor dito, kaya gusto ko ngumiti ka din. Parang ako, gayahin mo nalang ako. I-enjoy mo nalang ang moment na 'to." Omeghad. Yung husky voice niya teh! Palibhasa gabi na at malamig na rin. Putek.
Sinunod ko nalang siya. Alangan naman humindi ako diba?
Ngumiti ako tapos tumingin sa baba. (Wag green. Photo shoot nga po ito diba?) Para mag mukhang nakapikit ako. Actually nakakita na ako ng mga ganitong litrato sa mga magazines.
CLICK!
"O, seryoso naman tayo."
Tiningnan ko siya ng mata sa mata. Seryoso syempre, sabi niya eh.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede.
Teen FictionTwo people who loves each other. But what if one day you knew HER BIGGEST SECRET? Are you willing to accept HER? No matter what she is? Matatanggap mo pa ba siya? Mamahalin mo pa rin ba siya? This story is a complicated story. Maraming ka-ek-ek-an...