Chapter 9

8 0 0
                                    

Kathleen's POV 

Ito na, ito na ang moment kung saan magpo-pose ka ng maraming beses. Photo shoot na teeeh!!!! 

Nilagay na kami ng photographer sa aming mga pwesto, tapos nagsalita siya.

"So boys and girls, I want you to look evil here, to be fierce, to be hot, and to be cool. Understand?"

"Yes." sagot naman namin.

Kaya naman nung nag-start na, binigay ko na ang the best ko. Andami ko ngang ginawang iba-ibang pose e. 

After 30 minutes tapos na rin ang photo shoot. Nakatingin kami ngayon dun sa computer kung saan nag-eedit si kuya nung mga pictures namin. Infairness, ang galing niya mag-edit. Malamang! Professional na siya e. SInabihan muna kami ng photographer at nung organizer at kung ano ano pang mga tao dun na mag-break muna. Magde-desisyon na kasi sila kung sino yung mga mapipili.

Pumunta muna kami sa garden nila Clarrise. Syempre kasama yung mga partner namin. 

"Mapipili kaya tayo?" sabi ko.

"Oo naman." sabi ni Daniel.

"Wow ah, siguradong sigurado ka ha? Tss, wag kang assuming." sabi ni Christian. Ito talagang Christian na 'to, ang hilig sa gulo. Buti nalang tumahimik nalang si Daniel. 

"Kath, usap muna tayo. Yung tayong dalawa lang? Pwede?" tumango nalang ako sa sinabi ni Clarrise at pumunta kami sa ibang parte nung garden kung saan kaming dalawa lang ang naroon.

"Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Clarrise.

"Huh? Ano naman ang ikakatakot ko?"

"Yung sikreto mo. Napaka delikado 'neto bestie para maitago mo yang sikreto mo."

"Don't worry Clarr, I can handle this."

"Sana nga." 

Pagkatapos namin mag-usap ay binalikan na namin si Daniel at Christian na halata namang mainit ang dugo sa isa't isa. Bakit kaya? Well, I don't care. Buti nalang hindi sila nagsuntukan habang wala kami ni Clarrise. Bumalik na rin kami sa studio. Aba, mukhang close na sila Luis at Victoria.

"Ang sweet nila noh?" sabi ni Clarrise.

"Oo, bagay nga sila e." sabi ko din.

"Weeh? Selos ka lang e!" 

"Hala?! Hoy! Wala akong gusto kay Luis noh!" 

"Ang defensive mo, siguro nga may gusto ka kay Luis!"

"Sapak? You want?"

"Titigil na po!"

Si Clarrise talaga lumalandi nanaman ang utak. ( -____- )

Umupo na kami dun sa may bench, at kalaunan, dumating na rin yung ibang mga kasali. Tapos na kasi ang break. 

"We have decided, the names who will be called will be the Philippines representative."

Philippines nga dahil, yung issue nila ngayong month ay tungkol sa ganda at gwapo ng iba't ibang mga tao galing sa iba ibang bansa. Ang swerte nga ng school namin e, kami napili! Hihi!

"Victoria Smith." sabi na nga ba e! Pasok siya!

"With Luis Lopez." malamang. Partner sila e.

Hindi Tayo Pwede.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon