Kathleen's POV
"Ate..."
"Hmm..."
"Ate gising na, ililibre mo ako ngayon?"
"Ang aga pa Nadine, 5 minutes pa pwede?"
"Okeeeey."
After 5 minutes.
"Ate, tapos na ang 5 minutes, gising na."\
"5 minutes pa..."
"ATE NAMAN EH! MAKAKA-ISANG DAANG 5 MINUTES BA TAYO DITO? GISING NA PO!"
"Buhat mo 'ko..."
"Ha? Ate naman eh, sige na po, please?"
"Okey." sabay upo ko.
Ngayon ang araw na ililibre ko si Nadine gaya ng napagkasunduan namin. Nilibre ko siya ng breakfast at tanghalian. Grabe naman kung pati dinner diba? Namasyal kami sa mall at nag window shopping. Wala eh, hindi kami ganun kagastos sa shopping. Pero sa pagkain, OO. Umuwi na din kami nung hapon na. Kailangan matulog ng maaga dahil bukas ay linggo kaya magsisimba kami.
-FAST FORWARD-
Sunday na at walang gumising saken dahil maaga akong nagising. Syempre para makapag-ayos pa ako ng sarili ko. Tuwing sunday lang nakukumpleto ang pamilya. Honestly, hindi kami close na parents ko. Si Nadine lang. Kung gusto niyong malaman ang dahilan, saka ko nalang sasabihin.
Ganun lang kasimple natapos ang weekend ko. Maaga din ako natulog para hindi ako magkaroon ng eye bags dahil nga bulas na ang audition!
\(*O*)/
Yes! i'm so excited na! Hahaha!
P-pero... Nasobrahan ata ako ng excitement. Hindi ako makatulog! Bwisit naman o. Alam ko na! Magbabasa nalang ako!
Opo! Ganun ang paraan ko para makatulog ako. At sa wakas nakatulog din ako. O diba! Effective!
Monday
*insert alarm tone here*
PAK! Agad akong tumayo at pinatay ko ang alarm. Hay salamat at hindi ako puyat. Outfit today? Simple lang. Black shirt na plain and white jeans plus black doll shoes. O baket? E diba ang sabi ng Elle magazine sila na daw ang bahala? Kaya yan! Sumunod lang naman ako e.
Pagdating ko sa eskwelahan ay nakita ko ang mga istudyante na napili ata? Kasama ang kanilang mga partner. Ewan ko kung yung iba ay mag partner kasi parang mag BF-GF lang e. Una kong nakita si Clarrise.
"Uy bestie!" sigaw ko.
"O! Andyan ka na pala!"
"Obvious naman teh diba? Si Christian pala ka-partner mo?"
"Of course! Siya ang boyfriend ko! Eh ikaw? Si Luis Lopez ba?"
"Ha? Hindi ah! Si Dan--"
"Kathleen!"
"O ayan na pala partner ko! Clarrise meet Daniel Romano, my partner." sabi ko sabay smile.
"Ah oo! Ikaw pala! Good for both of you!"
"Thanks! Uy, good luck sa inyo ah!"
"Same to both of you!" sabi ni Clarrise sabay smile.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami kay Christian since siya lang naman ang hindi namin kaklase. Pumunta na kami sa aming mga classroom since mamayang 8:30 pa naman ang simula ng audition. Pagkapasok namin sa classroom, as usual, nakapalibot ang mga babaeng linta kay Luis.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede.
Teen FictionTwo people who loves each other. But what if one day you knew HER BIGGEST SECRET? Are you willing to accept HER? No matter what she is? Matatanggap mo pa ba siya? Mamahalin mo pa rin ba siya? This story is a complicated story. Maraming ka-ek-ek-an...
