Chapter 7

5 0 0
                                    

Luis' POV

Aaarrrghhh! Ano ba to! Hindi ako makatulog! Sabi daw, pag hindi ka makatulog, ibigsabihin may nanaginip tungkol sayo. Tae naman oh! Kung sino man yun, matulog ka na! Isa kaya siyang fan girl ko? Hay naku. Iba talaga ang gwapo! Pero... Nakakainis pa ren! Hindi ako makatulog! Tiningnan ko yung oras at 1:30 am na pala. Ano ba yan... Ah alam ko na! 

............................

...........................

...........................

............................ 

Magre-recite nalang ako ng multiplicatiion table! Game!

1 x 1 = 1

2 x 1 = 2

Hanggang sa umabot ako ng 16 x 50. Oo hanggang 50 para talagang mapagod ang utak ko at makatulog ako. At successful naman ang ginawa ko. Nakatulog ako.

~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~

Unlike other students, hindi ko kelangan ng alarm clock. Naka set na ang mga mata ko para gumising ng maaga. Of course, ano nga ba ang ginagawa ng isang gwapong katulad ko tuwing umaga? Edi babangon sa higaan, kukunin ang suklay, haharap sa salamin, at magsusuklay! (Andami kong sinabi noh?) Syempre habang nagsusuklay tinitingnan mo ang sarili mo sa salamin. Ang gwapo ko talaga! Maski ako nababakla na sa itsura ko! Joke lang.

So nag ready na ako, like other students does. Ginising ko na rin ang cute na cute na kapatid ko! 

"Lil' bro, c'mon. Wake up, may pasok ka pa."

"Hmmm" sabi niya sabay talukbong ng kumot.

"Hindi ka babangon? O sige, I'll just get cold water." 

At... AYUN! Bumangon agad. Parang kala mo nagmamadali! E kasi binuhusan ko na yun ng cold water dati! Onti lang naman! At least he learned his lesson. Sabay kami kumain at pagkatapos nun ay pumunta ako sa school. At syempre, lumapit nanaman saken ang mga malalanding babae. At syempre mas maaga ako kay Kathleen! Wahahaha!

Pagkatapos ng 15 minutes nakita kong pumasok si Kathleen sa pintuan. Okey. Bumalik na siya sa dati niyang itsura. Outfit niya? Vans sneakers, skinny jeans, cool na black jacket na may galaxy ang style at cap. Yung cap na pang swag? Oo. Ewan ko dito sa babaeng to. Ang gulo. 

Ahh.... Gangsta lang ang style? K. 

Siguro na-bored siya kaya lumabas siya. Kaya sinundan ko siya! 

"Tumigil ka na sa kasusunod." mahina niyang sabi. Hindi naman ako umimik. 

Tumigil siya at humarap saken. "Narinig mo yung sinabi ko diba?" sabay taas kilay.

"Oo."

"Then why are you still following me?"

"Wala lang gusto ko lang."

"Haaaay! Ano ba yan! Tsk." sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Tumingin siya sa bulletin board at tiningnan ang mga announcements.

Kathleen's POV 

Pumasok ako ng naka "ganito". Wala lang trip ko lang. Pagkadating ko, andun na si Luis. Whatever. Wala ako sa mood ngayon. Habang naka-upo ako ay medyo na-bored ako kaya lumabas ako at eto naman Luis na to. 

"Tumigil ka na sa kasusunod." 

Huminto ako at humarap sa kanya. "Narinig mo yung sinabi ko diba?" sabay taas kilay.

Hindi Tayo Pwede.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon