Journey 2: Ambuscade
╰Blisse's POV╮
"Anak, heto ang credit card mo, it's good for three years." Dad said while handing me my credit card. It's been four months since I found out about the crescere thingy.
"Thank you, Dad. I'll miss you." I said. He smiled at me and lumabas na siya. Today, I'll start my journey to Heolegein. Mag-e-enroll na 'ko sa Phantazein Mythos Academy at titira sa kingdom of Farigos, where that legendary school is located, for two years! Great.
Kuya entered my room. Sinadya naman niyang tapunan ng kape 'yong damit ko.
"What have you done, Himil? Nananadya ka ba?" I asked him.
"You're stating the obvious, kapatid." sabi naman niya.
"I'm not stating, I'm asking!"
"Edi, you're asking the obvious. Andami pang arte, ah." sabi niya at inilagay niya 'yong tasa ng kape sa study table ko.
"What are you doing here anyway? Pumunta ka lang ba dito para tapunan ako, gano'n?"
"Hindi, kapatid. I just want to challenge you to clean that mess I made," kumuha naman ako ng panyo at pumuntang banyo. Binasa ko naman 'yon tsaka lumabas. Pupunasan ko na sana 'yon nang pigilan ako ni Kuya, "using your own power."
Na-shock naman ako sa sinabi niya, "B-But, how?" I asked.
"Focus ka lang, kapatid. Tingnan mo lang 'yang mantsa sa damit mo, tapos isipin mo na tinatanggal mo 'yan gamit ang isip mo."
Ginawa ko naman 'yong sinabi niya. I was bowled over when I saw my body glowing in white light. Mukha na ba 'kong fluorescent lamp nito?
Nang mawala na 'yong puting ilaw, wala na rin 'yong mantsa sa damit ko. Tulala akong napatingin kay Kuya, "That was stupendous, Kuya!" at binigyan ko naman siya nang napakalapad na ngiti.
I heard him sigh, "Andaya mo naman, Blisse. Two years mo ulit akong 'di makikita." sabi ni Kuya na siyang ikinakunot ng noo ko.
"What do you mean by that, Himil? Two years mo rin naman akong 'di nakita, ah."
I heard him chuckle, "Diyan ka nagkakamali, kapatid. We're allowed to go to the asce's world every Wednesday."
I gasped, "Ba't 'di ka nagpakita sa 'kin noon?"
He filliped my brow, "Natural lang 'yon, kapatid. Ang alam mo kasi, nasa America ako. Uto-uto ka naman."
"Aba—"
"Blisse, nakahanda na ba mga gamit mo? Eight o'clock na, ah. Dapat 10:00 nasa Farigos ka na." rinig kong tawag ni Mom.
"Yes Mom! I'm coming!" and I went to our garage lickety-split.
"I'll miss you, my angel."
"I'll miss you, too. Mom."
Sumakay na kami ni Kuya sa kotse ni Dad. Nagpaiwan naman si Mom para bantayan si Sky. 'Di pa kasi pwedeng malaman ni Sky ang tungkol sa Heolegein World. Si Kuya na lang daw ang magbubukas ng portal papunta do'n.
Thirty minutes na ang nakalipas at 'di pa rin kami humihinto. Well, 'yong pagkakaroon ng traffic is an exception. Wala rin akong ibang ginawa rito kundi makipag-asaran lang kay Himil.
BINABASA MO ANG
A Journey in Gehenna (On-going)
FantasyBlisse has a complete happy family. Later on, she found out that her family was no ordinary--except for her father. Until one day, her family was taken away from her. That's when she thought that she was already journeying in Gehenna, a term for her...