Journey 7: First Encounter

41 5 0
                                    

Journey 7: First Encounter

A day before Prologue

╰Danielle's POV╮

Ilang minuto ko nang sinusulatan 'yong likod ng notebook ko. Dahil hindi ako magaling mag-drawing, puro linya lang ang nasusulat ko. Ilang buwan na akong naghahanap, pero ayaw namang magpahanap. Magpapasko na, pero hindi ko pa rin mahanap-hanap.

Tumigil lang ako sa pinaggagawa ko nang pumasok si Miss Elira Dervishi, ang adviser namin, sa classroom.

"Okay class! Tomorrow, we are all going to Saint Catherine High School." sabi niya nang mailapag niya ang mga gamit niya sa teacher's table na nasa harap.

Saint Catherine High? Narinig ko na ata 'yon, ah.

Right, it is one of the most popular schools in Gadhya City na matatagpuan sa asce's world.

Why will we sudden go to the asce's world?

"Why are we going there, Blue?" my seatmate, Auster, asked.

Napatingin naman ako sa kaniya. Katatanong ko nga lang niyan sa isip ko, tapos itatanong rin ba naman sa 'kin. Oh, whatever, he doesn't know after all.

"Aba, malay ko. Ako ba ang adviser?" sagot ko na lang sa kaniya.

Tiningnan ko naman ang buong paligid. Halata sa mukha ng mga kaklase ko ang gulat. Our adviser smiled at us.

"Well, that school invites other schools to join their foundation day so our principal decided that our class will be going there." she explained. Kaya pala. Exciting pala ito!

One of my classmates raised her hand, "Ma'am, bukas na po ba ang foundation day nila?" she asked.

"Nope."

"But why are we going there tomorrow?" another classmate of mine asked. Eh kung magtanong na rin kaya ako, noh?

"Well, we will just find a nice spot para itayo ang booth natin."

"Booth? Oh my! It will be exciting, then."

"Gusto ko movie booth ang naka-assign sa 'tin!"

"No! I want jail booth!"

"I prefer photo booth!"

"It will be boring! Dapat something horror ang naka-assign sa 'tin."

"Nakakatakot 'yan! It has to do with games dapat sa 'tin para 'di boring."

"No! Dapat magbenta tayo ng pagkain!" sigaw ko. Well, nakisali na rin ako dahil gusto ko!

Auster pinched my cheek. "Ikaw lang naman ang makakaubos ng pagkain, eh." sabi niya.

"What did you say? Gusto mo suntukan?"

"Okay class! Quiet!" saway ni Ma'am Dervishi. Actually, she is a zana e malit or also known as fairy of the mountain daw, pero 'di naman mukhang taong bundok si Ma'am. Malamang. Fairy nga, eh. May dugong Albanian din siya. Kaya ang ganda-ganda niya, eh. Kamukha niya si Dua Lipa.

"Actually, we have no assigned booth yet. Bukas pa kami bubunot together with the other schools para sa final booth. Well, all of your ideas are nice."

I went straight to the cafeteria when I heard the bell for lunchtime. Gutom na gutom na rin ako!

Nang makahanap na ako ng mauupuan pagkatapos kong mag-order, natanaw ko si Riamie kasama si Dizer kaya kinawayan ko sila. Napansin naman nila ako kaya pinuntahan nila ako. Nakasunod din pala si Auster sa kanila.

A Journey in Gehenna (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon