Journey 17: First Task

24 4 0
                                    

Journey 17: First Task

╰Blisse's POV╮

Ang labo ng paningin ko. Ang hina rin ng pandinig ko. Where am I? I cannot even think straight. Lahat ng nasa paligid ko ang gulo. What's happening? Why is this happening? Ilang minuto na ba 'kong ganito? Ilang oras?

"Expressa."

My vision and my hearing suddenly went back to normal. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na binubuhat pala ako ni Philip. Bale, nakasabit ako sa balikat niya.

"Pakibaba ako." pakiusap ko naman sa kaniya at huminto siya sa paglalakad. Ibinaba naman niya 'ko. Nasa second floor na pala kami ng condo at malapit na kami sa unit ko. Nagulat ako nang makita kong duguan ang uniform ni Philip, "Where'd you get that?"

He just smirked at me and walk towards the door next to my unit. So, we're really neighbors. Pumasok lang siya sa unit niya nang hindi nagsasalita.

Ano ba talaga ang nangyari?

"Blisse." lumingon ako at nakita ko si Samael na naglalakad sa direksiyon ko.

"Bakit, Samael?" tanong ko sa kaniya nang makalapit na siya sa 'kin.

"I just want to check if you're already home. Why didn't you come home with me?"

"Hindi kasi kita nakita kanina kaya kay Philip ako sumabay."

"Who the hell is Philip?" kunot-noo niyang tanong.

"'Yong transferee. He just live in the unit next to mine. Sige, Samael. Magpapahinga lang ako." tumango siya kaya pumasok na 'ko sa unit ko.

'Di bale, itatanong ko na lang kay Philip bukas kung anong nangyari.

---

Nakapila kami ngayon sa table ni Ma'am Dervishi para bumunot kung ano ang magiging task namin. Today is Wednesday so today is also the Task Day. Kinukulit ko kahapon si Philip no'ng magkatabi kami sa afternoon class pero ramdam ko na iniiwasan niya ang tanong ko. Sumuko na lang ako kasi ayaw talaga niyang i-chika sa 'kin 'yon.

Tiningnan ko naman kung ano 'yong nakasulat sa papel na nabunot ko.

Alisha Briones
Dela Rosa Medical Center

Her name's familiar. Sa'n ko nga ba narinig ang pangalan niya?

I gasped. Kilala ang pangalan niya sa CRU! Grade 12 siya noong grade 9 pa 'ko. She was the president of the journalism club. She is better known by her nom de guerre, 'Alice in Wonderland.' So, she's now in second year college. Why is she in the hospital?

"Okay class, you may now go to the asce's world to finish your task. Don't forget to make your task sign the paper you just picked." Ma'am Dervishi announced.

Lumapit si Danielle sa 'kin, "Blisse, 'di kita masasamahan sa first task mo. Sa ibang lugar kasi ako."

I smiled at her, "It's okay, Danielle. Mas maganda na rin siguro na mag-isa ako para matuto ako. Pero, may tanong muna ako."

"What is it?"

"If this is a task, why can't I see any instruction on how am I going to do it? It is just a name written on a paper and where that person can be found. How come that this is a task?"

A Journey in Gehenna (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon