Journey 16: Faran Class
╰Blisse's POV╮
It's five in the morning. Our class will start on six o'clock so I need to be early.
I looked at myself in the mirror. Bagay pala sa 'kin ang uniform ng PMA. Hindi Philippine Military Academy, ah. Kundi Phantazein Mythos Academy. Umikot-ikot pa 'ko sa harap ng salamin hanggang sa narinig ko na may nag-doorbell. Lumapit naman ako sa pinto at nakita ang mukha ni Samael sa hologram.
"What are you doing here?" I asked him when I opened the door.
"Let's go to school together." he said casually. Napag-alaman ko nga pala na may condo unit siya sa third floor while Danielle and the others live with their families.
Kinuha ko naman ang bag ko sa sofa. Matapos kong i-lock ang unit ko, nilampasan ko siya, "Let's go."
Sumunod naman siya sa 'kin hanggang sa makalabas kami. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa lugar na 'to. This place seems like the combination of England and Scotland.
Naglabas naman ng token si Samael at gaya ng inaasahan, naging sasakyan ito. Nauna siyang sumakay pero nanatili lang akong nakatayo sa labas.
"Sakay na." binuksan ko ang pinto ng sasakyan pagkasabi niya no'n. Grabe, hindi man lang niya 'ko pinagbuksan.
Tahimik lang kami mula nang paandarin niya ang sasakyan kaya nagsalita ako, "'Di ba, sabi mo prinsipe ka ng Gehenna?" tumango naman siya, "Alam ba nila?" he shook his head, "Then why aren't you telling them?"
"They didn't even ask." oh yeah, ano bang aasahan ko sa isang demonyo?
"Why did you tell me even if I didn't ask about it?"
I saw him smiled in a silly manner, "I just gave you an information that helps you guess an answer that I don't want to say in a direct way."
"Is this about the Amullure?" he just shrugged, "Ano ba kasing meron sa Amullure?"
"Find out for yourself." tiningnan ko naman ang bracelet ko. 'Di ko matukoy kung namamalikmata ba 'ko kasi biglang itong kumislap.
I sighed, "Maganda rin ba sa Gehenna gaya rito sa Farigos?" as far as I know, may Gehenna rin sa asce's world and it is a small valley in Jerusalem.
"You wouldn't like it there."
"Ano bang meron do'n?"
"Darkness."
———
Nasa tapat na kami ng edifice ng Grade 11 Faran class. Actually, the education system of the asce's world and here in Farigos is just the same. According to Danielle, we are all classmates in the morning but not in the afternoon. Lilipat daw kami ng ibang rooms na naka-assign sa 'min sa afternoon depende sa strand or track na tinake namin. I'm glad that Riamie, Danielle, and I took the same strand so we will be classmates for the whole day.
Naramdaman ko namang may humila sa kamay ko at si Evan pala 'yon. I saw Samael glared at him but Evan didn't care. I was filled with excitement, anticipation, and curiousity while entering the main door of the edifice. This was, after all, the first day of school.
"Evan, may bakanteng seat pa ba sa first row? Gusto ko kasing umupo ro'n." bulong ko sa kaniya habang hinihila niya ako.
"Yeah."
Nang buksan ni Evan ang pinto ng classroom, sumalubong sa 'min ang katahimikan. After three seconds, tumambad sa 'min sina Danielle at Ria.
"Hi, Blisse! Pumili ka na ng mauupuan mo." nakangiting wika ni Ria. Muli akong hinila ni Evan hanggang sa makarating kami sa isang table sa first row. The seats are arranged in pairs. Bale, may isang desk para sa dalawang estudyante.
BINABASA MO ANG
A Journey in Gehenna (On-going)
FantasyBlisse has a complete happy family. Later on, she found out that her family was no ordinary--except for her father. Until one day, her family was taken away from her. That's when she thought that she was already journeying in Gehenna, a term for her...