Journey 18: Crescerian

32 4 0
                                    

Journey 18: Crescerian

╰Blisse's POV╮

Nasa labas lang ako ng kuwarto ni Ate Alice habang nag-uusap sila ni Ate Zariah sa loob. Suot ko pa rin ang P.E. uniform at sapatos ni Addie hanggang ngayon at hindi pa rin bumabalik si Philip. Isang oras naman ang lumipas, lumabas na si Ate Zariah.

"Mauuna na 'ko, Blisse. May klase pa kasi ako. Hindi na nga 'ko nakapag-lunch, eh. Don't worry, I'll always visit Alice so she can be always happy." pagpapaalam niya.

"Sige, 'te. Mag-iingat po kayo." she nodded and directly left.

Pumasok ako sa kuwarto ni Ate Alice at nakita kong nakapikit siya. Mukhang natutulog siya. Lumingon ako nang may marinig akong katok at nakita ko si Philip na may kasamang batang lalaki na may hawak na fidget spinner.

"I'm glad that you're here, Blisse. Buti walang masamang nangyari sa 'yo." lumapit naman sila ng bata.

"I should be telling you that. Ang tagal mo kasing dumating kaya akala ko na may nangyaring masama sa 'yo. Is that her brother?" pagtutukoy ko sa batang kasama niya.

"Yeah. Alam mo bang mahirap papuntahin ang batang 'yan dito?"

"I didn't know. Bakit naman?" lumapit naman ako sa bata at pinaupo ito sa sofa. Iginala lang ng bata ang paningin niya sa paligid ng kuwartong 'to at pinaglaruan ang fidget spinner niya, "Hello. What's your name?"

"Don't bother to ask him. He'll not answer."

"Is he mute?"

"Yeah. He's also a special child. Kaya nga nahirapan akong papuntahin ang batang 'yan dito, eh. Their stepmother won't let me take him."

"Special child siya? Hindi halata sa itsura niya."

Nakaramdam naman ako ng awa kay Ate Alice. Hindi ko alam na ganito pala ang kalagayan ng pamilya niya. She's not living with her real mother and she has a brother who is a special child. When I was studying in CRU, I thought being rich and popular in school means ang gaan-gaan na ng buhay mo. Lalo na 'yong mga self-proclaimed na reyna ng mga bubuyog, they want to look intimidating pero hindi natin alam na may past pala sila para gawin 'yon. Pero I know, 'yong iba trip lang maging gano'n.

"I was surprised when their stepmother told me that he is a special child." napatingin ako kay Philip, "I thought that he is just an ordinary elementary boy. I didn't know that he has problems in forming relationships and in communicating with other people."

Umupo ako sa tabi ng bata, "Ah, autistic siguro ang batang 'to. Buti napapayag mo ang stepmother nila."

"At first, she didn't trust me. Pero dahil gwapo ako, napapayag ko rin naman siya."

"If you say so. Why don't she visit Ate Alice?"

"Papunta naman 'yon dito. Kaya nga pala sila hindi nakakadalaw ng stepmother niya kasi ito ang nag-aalaga sa kapatid niya. Busy naman daw ang papa nila sa pagtatrabaho. Halatang nahihirapan nga itong alagaan ito lalo na nang mag-tantrums ito kanina. Kumalma nga lang 'to no'ng binigay ko sa kaniya 'yong fidget spinner ko."

"Iyo ang fidget spinner na 'yon?" turo ko naman sa hawak ng bata.

"Oo. Nabili ko lang din kanina sa tabi-tabi. May discount pa nga ako kasi ang gwapo ko raw."

I was about to talk when I heard Ate Alice, "Josef?"

Tiningnan lang siya ng bata saglit at pinagpatuloy na ang pagpapaikot sa fidget spinner niya.

A Journey in Gehenna (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon