Journey 4: Gadhya

31 7 0
                                    

Journey 4: Gadhya

Blisse's POV

Nagising ang diwa ko sa matinding sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Bahagya akong bumangon para maiwasan 'yon pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Wala akong ibang naririnig kundi malalakas na hampas ng alon. I gently opened my eyes and I became effusive on what I saw.

Nasa isang beach ako.

Walang tao sa part ng beach na 'to pero natatanaw ko sa kalayuan ang mataong part.

What am I doing in this place? Nasa barko lang ako kanina, ah?

Napayakap ako sa sarili. Sariwa pa rin sa memory ko ang itsura ng giant octopus na 'yon kanina.

Lumingon ako sa gilid at napansin ko ang maleta ko. Kinapa-kapa ko 'yon at laking tuwa ko nang malaman na 'di 'yon nabasa, pero agad din akong napangiwi nang malaman kong ako pala ang basa.

Lumubog kaya ang barko? How's Danielle, then?

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa mga nakasakay sa barko lalo na kay Danielle.

Wala akong ibang nagawa kundi maglakad na lang patungo sa mataong lugar. Nasa'n na kaya ako?

"Thank you for visiting, come again." I droned as I read the poster placed in between two wooden pillar. I admit that this beach is good and I think this is familiar like I've been in this place before, "Welcome to Gadhya Beach Resort." basa ko sa sign na nakalagay sa arch gate ng resort nang tuluyan na 'kong makalabas.

Eh?

"Gadhya! Oh my, God! Gadhya!" I blurted out of joy. I'm in Gadhya City! This city is my destination and I'm glad that I got through here safe and sound kahit sa hindi maayos na paraan. Hindi ko ipagpapasalamat ang paglubog ng barko, kung lumubog nga. The fact is, ikalulungkot ko 'yon 'pag nangyari nga 'yon. Kung ano ang dapat pasalamatan ngayon, 'yon ang nakarating ako nang ligtas dito.

Naglakad-lakad lang ako. I was only six years old no'ng huli kong punta rito.

"Excuse me, po. May kakilala po ba kayong Loriana Aubuville?" I asked a man sitting in a bench.

Nagtataka namang napatingin sa 'kin ang lalaki. Siguro napansin niya na basa ako.

"Aubuville? Ah, si Lory ba? Yung asawa ni Celerio?" tanong niya sa tanong ko kaya tumango ako, "Kaano-ano mo ba sila?"

"They're my grandparents. Alam niyo po ba kung pa'no makakarating sa kanila?"

Bigla namang ngumiti nang nakaloloko ang lalaki, "Oo naman. Sumama ka sa 'kin."

Pinanliitan ko naman siya ng mata. Should I trust this one? "'Wag na po kayong mag-abala. Ituro niyo na lang po sa 'kin 'yong direksiyon para ako na lang po 'yong pupunta."

"Okay lang sa 'kin, Miss. Dadaan din naman ako sa kanila, eh."

Feeling ko may mangyayaring masama 'pag sumama ako sa lalaking 'to, eh. Based on his looks, para siyang tambay sa kalye.

"Ah, 'wag na p- aray!" napangiwi ako sa sakit nang marahas niya 'kong hinila.

"Sumama ka sa 'kin! Tamang-tama at sa 'kin ka lumapit. Maaari kitang gamitin laban sa pamilya niyo!" nanggigigil na sigaw sa 'kin ng lalaki.

Hinila niya 'ko hanggang sa makarating kami sa isang eskinita. I was about to scream for help but he suddenly pointed a small knife in my neck.

I have to think of an idea on how am I going to escape this ball game. I'm sure he wants to hold me as hostage in exchange for a ransom.

A Journey in Gehenna (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon