Journey 9: Phantos Academy

33 4 0
                                    

Journey 9: Phantos Academy

╰Blisse's POV╮

"Manong, ito na ba talaga 'yon?" tanong ko sa tricycle driver para siguraduhin na tama ba 'yong pinuntahan namin.

"Miss, nababasa mo naman 'di ba? Ito na nga 'yon." aba, ang sungit naman ni Manong. Sadyang 'di lang naman kasi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Ay, sige manong. Salamat sa paghatid!" inabot ko naman sa kaniya 'yong pamasahe ko at nagsimula na siyang mag-drive palayo.

Grabe naman. This place is too far from civilization. Kaya pala grabe kung makaangal ang driver. He doesn't even want to convey me here. I told him that I will pay any amount and he agreed about it.

This is it. It is now right before my eyes.

"Phantos Academy."

Today is another Saturday. Agad akong nagpaalam kay Lola para makaalis ako agad. She even asked her driver to take me where I am going but I refused. Buti naman wala silang lakad ngayon. Baka kasi ako na naman ang maiiwan sa bahay tapos pagti-tripan ulit ako ni Jiji.

Tumingin ako sa paligid. Wala man lang kapitbahay ang school na 'to. Puro puno lang ang nakikita ko. Papasok na rin pala 'to ng kagubatan.

It's ten o'clock. The gate and the walls of this school are too high and I can't see what's inside. Sarado ata ang school na 'to. Sa bagay, weekend naman at walang pasok. Sayang naman ang pagpunta ko rito.

Tatalikod na sana ako nang marinig kong nagbukas ang gate. May lumabas na lalaki at babae do'n.

"Ava, will you stop clinging on me? Baka magselos si Ria!"

"Why? Does she have feelings for you?" pansin ko namang natahimik bigla 'yong lalaki.

Teka, siya 'yong kasama ni Ria noon, ah! May tao pa rin pala rito kahit weekend.

"Excuse me?" pagkuha ko sa atensiyon nila.

"Who are you? Do you also have feelings for Dizer?" pagtataray naman sa 'kin no'ng babae.

I faced Dizer in lieu of minding her, "I just want to know if Riamie, Danielle, or Evan is here."

"They are our classmates. Why are you looking for them?" Dizer asked me, "Bitiwan mo nga muna ako Ava para may malaman ako sa mga mangyayari."

"I'm sorry but I won't let go. I'll be your lifeline tonight~" pakanta namang sabi ni Ava na hindi ko naman nagustuhan. Masakit sa tenga kung pakinggan sa totoo lang. Halata rin sa mukha ni Dizer na ayaw din niyang pakinggan ang boses ng babaeng nakadikit sa kaniya.

"Actually Miss, you're familiar. Have we met before?"

"Dizer, Ava! Where are you going? Magsisimula na ang practice natin!" tawag ng isang babae galing sa loob ng gate. Natuwa naman ako nang malaman ko kung kaninong boses 'yon.

"Danielle!" agad ko siyang nilapitan at niyakap, "I can't wait to see you!"

"Blisse, I'm glad that we meet anew pero sorry kasi 'di kita maaasikaso ngayon." she said in a gloomy tone.

"Gano'n ba?" sayang naman. Maybe this is not the right time to ask about Heolegein.

"But you can stay here! Puwede mo kaming panoorin habang nagpa-practice kami."

"Really? Sigurado ka ba na puwede akong sumama sa inyo?" I asked her for certainty.

"Of course. Today is our first day of practice and I'm sure na hindi naman namin basta-basta matatapos 'yon." iginiya niya 'ko papasok sa gate at nakita ko naman sina Dizer at Ava na sumunod sa 'min.

A Journey in Gehenna (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon