Kath's POV
Ang aga kong nagising. I'm excited for our wedding planning! Hihi.
Kinatok ko na ang pinto ni DJ pero hindi bumubukas.
Katok ulit...
Isa pa ulit...
Pero wala talaga. Ako na dapat siguro ang mag-bukas ng pinto. Binuksan ko nga ang pinto at nakitang tulog pa si DJ. Maaga pa nga naman kasi. Hindi ko muna gigisingin 'to. Pagod din sya.
Bumaba ako sa kitchen. Nagluto ako ng agahan naming dalawa. Take note, AKO ANG NAGLUTO! SANAY NA KO! Hahaha... Pagkatapos kong magluto, tinawagan ko muna sila mama.
"Ma? Hello? Nasa bahay po ba kayo?"
"Yes, baby why? May kailangan ka ba?"
"Ah.... Ma, kung pwede po, pupunta po kame ng buong barkada jan. Kung pwede lang naman po."
"Of course. Anong oras ba?"
"Uhm.. Before lunch po. 7 pa lang naman po e."
"Sige. Papahanda ako ng lunch natin."
"Chaka pa ma, wag po muna kayong umalis ni papa jan ah? Kelangan po kase nanjan kayo e."
"Ha? O-oo. Sige."
"Thanks ma!"
Pagkatapos nun, binaba ko na ang tawag at umakyat ulit sa taas. Pagka-akyat ko, tulog pa din si DJ. Kinuha ko ang phone nya at dinial ang number ni John.
"Oh bro, napatawag ka?" sabi ni John sa kabilang linya.
"Hello. Hindi 'to si DJ Jo--" hindi ko natapos ang sasabihin ko kase bigla syang sumingit.
"KATH?! GUUUUYS! SI KATH! HERE SA PHONE!" sigaw nya. Ramdam ko ang pagkasabik nila sa'kin. Tagal ba naman naming di nagkita-kita at nagkausap-usap e. HAHA. Rinig ko na nag-uunahan sila sa pagkuha ng phone kay John.
"Sandali nga! Ila-loud speaker ko na lang! Ang gugulo nyo e! Parang di na mataanda!" sabi ni John. Natawa naman ako sa parang matatanda. HAHA :)
"Oh! Eto guys! Mamaya na ang kamustahan. Invite ko kayo. Punta kayo sa bahay mamaya. Before lunch. Dun na kayo mag-lunch. May mga pag-uusapan tayo." sabi ko sa kanila.
"Sigi sigi. Pupunta kame! Basta nandun ka!"
"Oo Kath! Pupunta kame! Miss ka na namin!"
"May pagkain! Nays nays! Pupunta kame!"
Rinig kong sabi ng barkada. HAHAHA. Kahit matatanda na kame, nami-miss ko pa rin yung mga kalokohan namin dati! Jusko! Miss ko na din sila.
Sakto naman na pagkababa ko ng phone ni DJ ay nagising sya.
"Kath?"
"Yes?"
"Kumain ka na?"
"Hindi pa."
"Bakit hindi pa? Dapat kumain ka na."
"E hinihintay kita e. Para sabay tayo."
"Hinihintay? O baka naman wala ka lang makain? HAHAHA. Hindi ka pa din sanay mag-luto."
"Tsk. Tara na nga sa baba."
At ayun. Bumaba na nga kame sa kitchen.
He was surprised. :))) yung mga mata nya ganto O_O

BINABASA MO ANG
Taken By Bad Boy But Good Boy [KathNiel FanFic] FINISHED
JugendliteraturPano kung ang REVENGE na sinasabi mo ay isang bukambibig mo lang pala? Pano ka maghihiganti sa lalakeng nanakit sayo noon kung sinasabi ng puso mo na, "Mahal mo pa sya". Pero kinokontra ng isip mo? Pano kung hindi mo alam na mahal ka din pala nya? P...