Chapter 21 [Sya? O_O]

1.6K 38 0
                                    

DJ's POV

Bumalik ako dito sa simbahan. Ipagdadasal ko si Kath para saming dalawa din 'to. Gagawin ko 'to hindi para sa kanya lang. Gagawin ko 'to para sa future namin dalawa. Hindi ako hihiling ng kahit anong materyal na bagay. Hihilingin ko ay ang gumaling si Kath at maka-balik agad sya dito.

Lumuhod na ako nag-sign of the cross.

"Lord, alam ko pong marami akong kasalanang nagawa. Nanakit ako ng mga tao. Hindi ko iniintindi kung anong mararamdaman nila. Diyos ko! Patawarin nyo po ako. Hindi po ako hihiling lang ng kung ano anong bagay. Hihilingin ko lang po na bantayan nyo si Kath. Pagalingin nyo po ang taong mahal ko. Alam ko pong hindi ako naging mabuting tao. Alam ko pong nakasakit ako. Pero Panginoon. Para po sa kinabukasan namin ng taong mahal ko, pagalingin nyo po sya. Panginoon! Nananalig po ako sa iyo. Alam ko pong hiram lang namin ang mga buhay namin sa iyo. Pero Panginoon, 'wag mo po munang kunin ang babaeng pinakamamahal ko. Huwag po muna ngayon. Bigyan nyo po muna ako ng pagkakataong magbago at mahalin pa si Kathryn ng lubos. Panginoo! Tatanggapin ko po kayo sa buhay ko ng walang alinlangan. Gusto ko lang pong gumaling ang mahal ko. AMEN!" naramdaman kong may mainit na tubig ang tumutulo sa mga pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. :(( ang hirap ng ganito. Umalis na nga si Kath, nawala pa si Liit.

Umupo muna ako. Hindi muna ako umalis ng simbahan. Hindi ko kayang umalis ng simbahan. :(( hindi ko kayang umuwi sa bahay namin kase makikita ko dun ang mga pictures naming tatlo na parang totoong pamilya na. Si DJ liit. Ako. Si Kath. ToT naiiyak lang ako.

Ilang minuto din ang tinagal ko pa sa loob ng simbahan. Pero nung mejo kalma na 'ko, umuwi na ako.

Habang nagd-drive ako, may tumawag sakin......

"Hello? Sino 'to?" sabi ko dun sa kabilang linya.

"......." walang sumasagot.

"HELLO? SINO 'TO?" sigaw ko.

Wala na namang sumagot kaya binaba ko na'yung tawag. Nag-drive na lang ulit ako papuntang bahay. Ilang minuto lang siguro. naka-uwi na ako.

Pinark ko na yung kotse ko sa garahe at pipihitin ko na sana yung door knob nang bukas yun.

At nagulat ako nung niluwa ng pinto si....

Si....

Si....

Si....

Si....

Si....

SI ZHARM! Sinuka ng pinto ko si ZHARM! SYA! Oo! SYA!

"PVTA! PANGET!" yan ang nasabi kong salita. Kase..... ANO BA! Ang laswa ng suot ni Zharm! Grabe! Di ko kinaya. Ang gara talaga! -.-

"Panget ka jan! Pumasok ka na!"  Sabi ni Zharm! Ano ba naman 'tong babaeng 'to?! Ba't ganito ang damit? Naka-luwa ang cleavage. Kulang na lang makita ang kaluluwa nya sa ikli ng shorts nya! -.-

Pumasok ako sa llob ng bahay KO, pero pinipilit kong palabasin si Zharm.

"DeeJay, ANO BA! Wag mo 'kong palabasin! Ano bang problema!?" sigaw nya habang pinapalabas ko sha.

"Malaki ang problema Zharm! Tignan mo nga 'yang sarili mo! Umayos ka nga! Umuwi ka na! Wag ka nang babalik ulit dito! Hindi kita kailangan! ALIS!" sabi ko sa kanya.

"HINDI AKO AALIS DITO!" sabi nya. Nasa labas na sha ng bahay. Hindi talaga sha nagpaawat. Pinapauwi ko na, ayaw pa din! Sige! Ayaw nya? Bahala sha!

"UMUWI KA NA! BUBUGBUGIN KITA! MABAIT AKO PERO HINDI SAYO! ALIIIIIS!" sigaw ko kay Zharm. Brutal ba? Hindi ko naman kase sha kelangan eh. At mabait ako pero hindi sa kanya.

"DEEJAAAAAY! PLEASE!" sigaw nya habang kinakalabog yung pintuan sa main. Sinaraduhan ko kase eh.

Umakyat na ko sa taas. Mejo hapon na din kase. Malapit nang mag-gabe. Nagbihis ako at pagkatapos ay bumaba na ako. Nanuod lang ako. Wala na 'yung ingay. Sumilip ako sa bintana. Tahimik lang si zharm na naka-upo sa harap ng pinto ko. Wala akong pake sa kanya! Masama na kung masama! Basta ayokong kausapin sha! Hindi ko feel! Bahala sha dun!

After 1-2 hrs na panonood, naisipan ko nang magluto ng pagkain ko. Pagkatapos kong magluto at kumain na ako. Oo. Masama na kung masama. Wala eh. Wala na kong pake sa kanya. Kahit umulan pa ng pagkalakas-lakas jan sa labas! Ginusto nya yun eh! Susme! Wala akong magagawa! BAHALA SYA!

Natapos akong kumain siguro sandali lang. Sumilip ako sa may bintana. Nandun pa din si Zharm. Sige. Gusto nya yung ganun? Okay. Bahala sya. Talagang hindi ko sya aayaing kumain.

Bumalik na agad ako sa sala at nanuod na lang ulit. Ilang minuto na siguro akong naka-upo tapos biglang nag-ring cellphone ko.

*PHONE CONVO*

(Hello? DJ?)

"Hello? Sino 'to?"

(DJ, barkada 'to. Sabi ng mommy ni Kath, nasa L.A daw si Kath. Magpapagaling daw dun dahil sa sakit nya sa puso.)

"Buhay pa pala kayo? De. Joke lang. Oo nga. Kaya pala wala syang text mula kagabe at kaninang umaga."

(Wag ka nang malungkot, DJ. 2 months lang daw yun, tapos pwede nang gumaling si Kath.)

"Panong di malulungkot? Eh pati kayo, di ko kasama?"

(Wag kang mag-alala. Punta ka sa back door nyo. May makikita ka dun.)

"Sige, bro. Bababa ko na 'to."

(Ge, bro.)

*toot* *toot* *toot*

At ayun nga. Binaba ko na yung tawag. At pumunta na sa back door. Binuksan ang pintuan at pagkabukas ko........

ANG BARKADAHAN ANG TUMAMBAD SAKIN! :D na-miss ko 'tong mga 'to!

"Pwede na pumasok?" sabi ni John! Namiss ko talaga 'tong mga 'to!

"Pasok na!" sabi ko. :D

"Teka, bro. Sino yung babae dun sa labas? Hot ah?" sabi ni Neil. Lagot ka kay Yen!

"HOT? ANO? YUNG BABAE SA LABAS O AKO?" sabi ni Yen kay Neil. Sige Neil! Pull mo pa! XD

"Syempre naman ikaw! Hihi ^^" sabi ni Neil

"Si Zharm yun." sabi ko

---------------------------------------------------

Siningit ko lang yung sa barkadahan nila DJ. Nakalimutan na kase siguro sila ng readers. XD HAHAHAHA :D eto muna. Pabitin effect. :P kesa naman mainis kayo ng bongga kay Zharm. Diba?

Taken By Bad Boy But Good Boy [KathNiel FanFic] FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon