DJ's POV
Nakalabas na ng ospital si Kath. 1 and a half week din syang nandun. Pinapagaling nga yung sugat nya sa paa. At ngayon? May wheelchair sya. Hindi sya umaakyat sa taas ng bahay namin. Kaya sa guest room lang sya. Since ang guest room ay nasa baba lang naman. Hindi din ako natutulog sa kwarto ko. Sa guest room din ako natutulog dahil din sa kaba ko na baka kung anong mangyare kay Kath.
*FLASHBACK
Last three day na ni Kath dito sa ospital at pwede na syang umuwi after. Nagpaalam ako sa kanila na lalabas muna ako para magpahangin. Sumama sakin si Neil. Hinayaan ko na lang. Lumabas na kame ng ospital at naupo lang sa may bench sa labas. Madilim na din.
"Alam mo bro, bilib na ko sayo!" biglang nagsalita si Neil.
"*chuckles* Bakit naman?" tanong ko naman sa kanya.
"Biruin mo yun. Magda-dalawang linggo ka nang walang sapat na tulog at walang sapat na kaen kakabantay kay Kath! Tapos pagod ka pa! Tibay mo!" sabi nya sabay pat sa likod ko.
"Kapag talaga mahal mo yung taong babantayan at aalagaan mo, balewala sayo lahat ng hirap at pagod. Kahit gano ka pa nagugutom o inaaktok, Basta't alam mong magiging safe sya, okay lang sayo. Ganyan naman talaga sa pag-ibig e. You need to take care of it para maging maayos." paliwanag ko sa kanya. Nangiti naman sya at..
"Bro, I never heard those words from you before. Are you now a love expert?" sabi nya ulit sabay tawa.
"No Neil. Seryoso lang talaga akong magmahal." pagkasabi ko nun ay hindi na ulit sya sumagot.
Mga ilang minuto siguro na puro tawanan lang kame ni Neil hanggang sa batang may lumapit sakin at nagbigay ng puting papel. Binuksan ko yun at binasa ang nakasulat.
"Expect the unexpected, boy. Your fiancee. -H"
Yan ang nakalagay sa puting papel. Kinabahan ako at pinabasa yun kay Neil.
"Bro, may naka-away ka ba? Sino yan? Block mail?" tanong nya sakin. Umiling lang ako.
"Bro, kapag nakalabas na si Kathryn dito sa ospital, pwede bang sa bahay muna tayon lahat hanggang sa maayos 'tong problema na 'to at hanggang sa makauwi sila mama?" paki-usap ko sa kanya. Tumango naman sya.
"Sasabihin ko na lang sa kanila kapag tulog si Kath." sabi ni Neil.
"Salamat bro." at pumasok na kame sa room ni Kath sa ospital.
END OF FLASHBACK
Nandito kameng lahat sa bahay namin. Kasama ang barkada. Sinabi ko na din kay Kath yung about dun sa nagpapadala ng mga sulat sakin na kung ano anong nakalagay. Sabi nya na kapag daw sinabi nun na magkita kame, wag daw akong pupunta sahil baka iba daw ang gawin sakin. Isa naman akong masunuring boyfriend kaya susundin ko talaga sya.
Eto na lang muna. :))

BINABASA MO ANG
Taken By Bad Boy But Good Boy [KathNiel FanFic] FINISHED
Novela JuvenilPano kung ang REVENGE na sinasabi mo ay isang bukambibig mo lang pala? Pano ka maghihiganti sa lalakeng nanakit sayo noon kung sinasabi ng puso mo na, "Mahal mo pa sya". Pero kinokontra ng isip mo? Pano kung hindi mo alam na mahal ka din pala nya? P...