chapter 12

111 11 2
                                    

Short UD po Muna

Thank you Thank you po talaga sa pagbabasa. Hindi po ako magsasawang magpasalamat.

 Hindi po ako magsasawang magpasalamat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



jungkook pov

Walang malay na nakayakap sakin si yeshao. Sinisisi ko ang sarili ko sa nagyari sa kanya kung hindi dahil sakin hindi sya magkakaganto. Ipinigtanggol lang nya ko pero sya pa tong nalagay sa alanganin ang buhay.

"SINONG TAO DYAN!!!" narinig kong sigaw mula sa labas

"Pre mukang may nakadinig satin"

"Tara na jozhou baka mahuli tayo" narinig ko yung mga yabag nila na mukang nagtatakbo na ata paalis

"Sino kayo?" Tanong ng di pamilyar na boses ng isang lalaki mukang may katandaan narin siguro ito

"Tulungan nyo po kami. Yung kasama ko baka kung ano nang nangyari sa kanya" sabi ko dun sa matandang lalaki

"Ano bang ginagawa nyo sa lugar na to? Sinong gumawa nito sa inyo?" Tanong nya habang kinakalas yung gapos ko

"Di ko po kilala napagtripan lang po kami" yun nalang yung sinabi kong dahilan

"Nako marami talagang adik ngayon sa paligid sa susunod mag iingat kayo babae pa naman ang kasama mo" sabi nito

"Manong pasensya na po hindi po kasi ako nakakakita pwede po bang samahan nyo kong dalin sa ospital yung kasama ko" pabor ko

"Walang problema"sagot nya at nagtawag pa ito ng mga kasama para samahan kami sa ospital si yeshao ay binuhat nila at ako naman ay inalalayan sa paglalakad.

Nakarating na kami sa ospital nilagyan nila ko ng bandage sa noo hindi naman ako masyado napuruhan eh.

Pinahintulutan ako ng doktor na bantayan ko muna si yeshao. Sabi ng doktor na mabuti nalang daw ay hindi ito na puruhan sa spinal chord.

Nakaupo ako ngayon sa side nung kama kung san nakahiga si yeshao.

Gustong gusto ko ng makita yung muka nya. May puso syang anghel siguro anghel din ang itsura nya.

Naisipan kong kapain yung muka nya. Hindi naman nya siguro mararamdaman.

Nakapa ko yung makinis nyang balat. Makipot nyang ilong at matambok nyang pisngi.

Yeshao salamat sa lahat ng pagtatangol mo sakin. Sa tuwing kailangan ko ng tulong lagi kang andyan para saklolohan ako. Bakit ba kasi hindi ka pa lumayo sakin simula nung una?  tuloy pati ako nahuhulog na sayo mahal na ata kita yeshao.

Ito na yung huling ipagtatangol mo ko.

Ito na yung huling mapapahamak at madadamay ka.

Ito na yung huling  masasaktan ka.

PANGAKO....

I Need You Girl (BTS JUNGKOOK FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon