chapter 13

130 10 2
                                    

jungkook pov

Hindi ko napansin na tumulo na pala yung luha ko. Naramadamam kong gumalaw yung braso ni yeshao at mabilis ko naman pinunasan yung luha ko.

"Yeshao???" Napatayo ako

"Jungkook..." Naramdaman kong humawak sya sa wrists ko.

"Oh wag ka munang gumalaw" pigil ko sa kanya. Naramadaman ko kasing kumakaluskos yung higaan nya.

"Aray ....aray..ang sakit ng balakang ko" daing nya

"Sinabi ko naman kasing wag kang gumalaw eh" medyo inis kong sabi

"Sasandal ako alalayan mo ko" utos nya

Sinunod ko namam yung utos nya inalalayan ko syang sumandal sa headboard ng kama.

"Kumain ka muna" kinapa ko yung soup sa may side table medyo malamig na nga tong soup na to eh dahil kanina pa nakalagay dito.

"Ah" sinubukan kong subuan sya

"A....aray ang init!!" Naramadaman kong napaigtad sya mukang hindi ata sumakto sa bibig nya

"Ay sorry sorry" mabilis kong tugon

Init daw? Kaaasabi ko lang kanina diba na medyo malamig na tong soup na to hayssst... Eto na naman yung ka OAyan nya.

"Kookie na ngalang kakainin ko"

"Huh?" kumumot noo ko parang nadinig ko kasi yung nickname ko

"Sabi ko cookies bingi ne toh"

"Sorry naman..! Hindi ko alam kung may cookies eh" sagot ko

"Ou nga pala di mo nakikita . ako na nga lang ang kukuha"

Yung ibang mga lalaki pag nagkakasakit yung babae sila pa yung nagdudulot dito ng pagkain pero ako ni simpleng subuan lang sya ng soup di ko pa magawa ng tama.

"Jungkook ok ka lang?" Parang nagtatakang tanong nya dahil bigla ako natahimik

"Yeshao sorry dahil sakin kaya ka nagkaganyan. Sinabi ko naman kasi sayo na layuan mo na ko. Napahamak ka pa tuloy"

"Jungkook lumapit ka nga sakin" utos nya

Sinunod ko naman ito at umupo ako sa gilid ng kama nya

"Lapit pa" utos nya pa ulit

Umusog pa ko palapit sa kanya

Naabot nya yung magkabila kong braso at bigla nya kong niyakap

"Pipilitin mo nanaman ba ko na lumayo sayo?" Naramadaman ko yung hininga nya sa tenga ko

"Dahil mapapahamak ka lang" sagot ko

"Will you stay by my side? Will you promise me?"

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko bigla akong kinabahan nakokonsensya ko dahil alam lo sa sarili kong hindi ko magagawa yung gusto nya.

"Yeshao magpahinga ka na" kinalas ko sya

"Sorry jungkook di ko dapat sinabi yun simula palang naman diba ako na tong naghahabol hindi mo naman ako gusto diba pero salamat pa din sa pag aasikaso sakin"

"Yeshao hindi ka dapat magsorry sakin ako ang maraming utang na loob sayo kulang pa nga tong ginagawa ko sa lahat ng ginawa mo para sakin eh" sinabi ko iyon habang inaaalalayan ko syang humiga ulit

"Jungkook pwede mo ba kong kantahan sige na para makatulog ako" pabor nya

"Huh? Hindi ako kumakanta" tanggi ko

"Sige na please ... Sige ka pag hindi ako nakatulog at nakapag pahinga baka mas lalo pang lumala tong karamdaman ko" aba't sinong tinakot nya?

"Sige na nga" pumayag na rin ako para makatulog na sya at makapag pahinga

"Bilisan mo excited na ko madinig yung boses mo" naiinip na sabi nya

"Eto na nga" at sinimulan ko na ngang kumanta. Napasubo talaga ko sa babaeng to.

Gyeote meomulleo jullae
Naege yaksokkhae jullae
Sondamyeon naragalkka
Buseojilkka
Geobna, geobna , geobna....

Singaneul meomchullae
Isungani jinamyeon
Eobseotdeon iri doelkka
Neol irheulkka
Geobna, geobna, geobna

Butterfly,,,... Like a butterfly..
Machi butterfly bu.. Butterfly
Cheorom...

"Yeshao? Ano ok lang ba yung kanta ko?"

"Huy yeshao???" Mukang nakatulog na ata sya

------
Thank you for reading this chapter!!!!! Saranghae Kim Taehyung AY ! ESTE ! Readers pala. Hahahaha :)

I Need You Girl (BTS JUNGKOOK FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon