jungkook pov
*flasback*
Nandito ko ngayon sa bahay ng ni dad sa states at si mom ay nagpaiwan sa korea para siguraduhing ginagawa nga ni jozhou ang kasunduan namin.
"Jungkook anak mabuti naman at naisipan mo ng magpa cornea transplant akala ko ba ayaw mo nang makita ang kulay ng mundo dahil nasanay ka na sa ganyang sitwasyon" sabi sakin ni dad
"Opo dad akala ko kasi hanggang dito nalang ako , akala ko makukuntento na ko sa gantong sitwasyon pero dad disidido na kong magpaopera dahil may tao akong gustong makita" sabi ko
Ngumiti muna sakin si dad " at sino naman yang magpabago ng pananaw mo?"
"Basta dad makikilala mo din sya" tipid kong sagot
*end of flashback*
-------
Matapos ang successful na operasyon sa states nagbalik na ulit ako dito sa korea. Pero di ko kasama si dad may bahay kasi sya don at kaylangan nyang magtrabaho
"Welcome home kookie anak" sabay yakap sakin ni mommy
"Mom ang ganda ganda nyo parin po" sabi ko
"Namabola pa tong anak ko" nakangiting sabi ni mommy
"No mom di ako nambobola totoo po" sabi ko
"Kookie anak masaya kong nagbalik na ang paningin mo" masayang sabi ni mommy
"Mom kamusta po si yeshao? Sigurado kong galit sya sakin dahil sa biglaang pag alis ko" biglang sumeryoso yung muka ko
"Naikwento sakin ni jozhou na sobrang nalungkot si yeshao sa biglaang pagkawala mo" sagot ni mommy
"Kasalan ko mom bigla nalang akong umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya , nakakita na nga ako galit naman sya sakin" malungkot kong sabi
"Mabait si yeshao alam kong maiintindihan ka nya at mapapatawad ka nya,diba nga kahit masakatan pa sya basta hindi ka lang mapahamak , lagi ka yang inaalala" --mommy
"Nahihiya na nga po ako mom sa kanya eh lagi nalang nya kong ipinagtatanggol noon. Pero ngayong nakakakita na ko ako naman po ang poprotekta sa kanya" sabi ko
"Oh eto" may inabot sakin si mommy na picture frame "she's beautiful inside and out" dugtong pa nya
Inabot ko agad yung frame "ito ba nag itsura ni yeshao?" Tanong ko
Tumango naman si mommy at ngumiti
"Tama kayo mom she's beautiful" sagot ko
"Sige na anak magpahinga ka na sa kwarto mo alam kong pagod ka sa byahe" sabi mommy
Sinuod ko namam yung sinabi mom pumaaok na ko sa kwarto ko at humiga sa malambot na kama. Sumandal muna ko ng kaunti at tinitigan yung litrato ni yeshao
"Hindi ako nagkamali muka ka ngang anghel" hindi ko namalayang nakatulog na ko habang yakap yakap ko yung picture frame
*****
Happy 1k reads po salamat po sa mga pumapansin at nag eeffort pong basahin yung story ko sobrang thank you po talagaXie xie ^_^
BINABASA MO ANG
I Need You Girl (BTS JUNGKOOK FANFICTION)
Fanfiction"I need you because i love you" "I love you not because of who you are it is because of who I am when I am with you" BTS JUNGKOOK FANFICTION