Jungkook pov
Nang makatulog na si yeshao ay eksaktong dumating naman si shinhwa sinabi nito na sya daw muna ang maiiwan para bantayan si yeshao.
Nandito kami ngayon ni mommy sa presinto dahil naipadampot sa mga pulis ni mommy si jozhou.
"Auntie , Jungkook patawarin nyo na ko ayoko dito sa loob ng bilangguan maawa na po kayo" pagmamakaawa ni jozhou
"Jozhou malaki ang kasalanan na ginawa mo kay jungkook lalong lalo na kay yeshao" sabi ni mommy
"Auntie sige na po ayoko po dito lugar na toh natatakot po ako" sa boses ni jozhou para syang isang batang takot na takot
"Dapat lang yan sayo dapat kang turuan ng leksyon" sabi ni mommy
Hindi ko alam pero kahit nagawan nya kami ng masama ay parang naawa parin ako sa kanya.
"Mommy hayaan mo na po syang makalaya" sabi ko
"Ano?" Nagtatakang tanong ni mommy
"Talaga jungkook? Salamat" sabi ni jozhou
"Sa isang kondisyon" sabi ko
"Kahit ano jungkook gagawin ko wag lang ako magtagal dito sa masikip na lugar nato" desperadong sabi ni jozhou
"Mangako kang hindi mo na uulitin yung ginawa mo kay yeshao, hindi mo sya pwedeng saktan, babantayan mo sya wag mo hahayaang may manakit sa kanyang iba" ---ako
"Oo gaawin ko yan promise hindi ko sya sasaktan at baantayan ko sya.. Salamat bro" masaya nyang sabi at napahawak ito sa kamay ko
Kinalas ko naman ito kaagad. Ano daw bro? Tinawag nya kong bro?
"Jozhou makinig ka sa oras na hindi mo tinupad ang pangako mo hindi ako magdadalawang isip na ibalik ka dyan" istriktang sabi ni mommy
"Promise po talaga auntie... Jungkook tutuparin ko yung pangako ko salamat po dahil binigyan nyo ko ng pangalawang pagkakataon" masayang sabi jozhou.
"Tara na anak" inaya na ko ni mommy na lumabas
"Nga pala anak handa na ba ang mga gamit mo para sa flight mo bukas?" Tanong ni mommy
"Opo mom pinaempake ko na po sa mga maids" sabi ko
"Nakapagpaalam ka na ba kay yeshao?" Tanong pa nya
"Hindi pa mom pero sa tingin ko wag na lang nahihiya na kasi ako sa kanya sobra sobrang sakit na yung naranasan nya ng dahil sakin"sagot ko
Pinakiusap nya sakin na pwedeng dito lang daw ako sa tabi nya. pero hindi ko maipapangako yun. Kung magpapaalam pa ko baka masaktan pa sya lalo na nasa ospital sya ngayon ayoko namang madoble pa yung sakit na dinadala nya.
yeshao pov
Nagising nalang akong wala na si jungkook sa tabi ko nakita kong si shinhwa na yung nakaupo sa upuan ni jungkook kanina. Nakadukdok si shinhwa sa may gilid ng kama ko mukang mas tulog na tulog pa ito saakin naghihilik pa.
"Shinhwa... Shinhwa.??" Inuga uga ko ito para magising
"Girl gising ka na pala" mahina nitong sabi
"Ou nasan ba si jungkook?" Tanong ko
"Nakasalubong ko kanina eh kasama nung mommy nya baka lumabas lang saglit para kumain" paliwanag ni shinhwa
"Natulog lang ako namomiss ko na sya agad" nalulungkot kong sabi
"Eh kung tuluyan ko kayang baliin yang buto mo bakla ka. Kumain lang yata yung tao hinahanap mo na agad pano pag umalis yun at hindi na magpakita" pabiro no shihwa
Umiling ako "wag mong sabihin yan hindi ako iiwan ni jungkook at mahal ko sya"
"Ou na mahal mo na sya pero mahal ka ba nya?" Hindi ako naka tugon agad
Tama naman si shinhwa mahal ko si jungkook pero ano ba ang tingin nya sakin mahal din ba nya kaya ako?
BINABASA MO ANG
I Need You Girl (BTS JUNGKOOK FANFICTION)
Fanfiction"I need you because i love you" "I love you not because of who you are it is because of who I am when I am with you" BTS JUNGKOOK FANFICTION