chapter 21

111 12 2
                                    

yeshao pov

"Sigurado kong sya yun" sabi ko sa sarili ko habang tumtakbo

Nung nakita ko si jungkook nakasuot sya ng school uniform. At sa kanyang tindig ay parang nakakakita na sya nagawa pa nga nyang tumakbo eh.

Pero bakit ganun tama naman yung sinabi ni jozhou na bulag si jungkook pano sya makakatakbo? Pero si jungkook talaga yung nakita ko.? Kabisadong kabisado ko na kasi ang bawat anggulo ng muka non

Nagtatalo ang mga katanungan sa isip ko hilong hilo na yung utak ko sa kaiisip.BALIW NA BA KO?

Nakarating ako sa may tapat nung puno kung saan ko nakita si jungkook kanina. Nilingap ko yung buong paligid pero hindi ko sya nakita.

Di kaya imagination ko lang tlaga yon? Para kasing imposible ko naman sya maikita eh siguro napaparanoid lang talaga ko.

Napaupo nalang ako sa lapag bigla kase kong hiningal sa pagtakbo.

"Hey bitch" napatingala ako

"Hikari? "

"I told you to stay away from jozhou he's my boyfriend and you know that" mataray nyang sabi

"Pero sya naman tong lumalapit sakin" depensa ko

"Kase inuuto mo sya na ibili ka ng ice cream kala mo di ko alam?"

"Pero nagkakamali ka ng iniisip sya yung nag kukusang bumili non" sabi ko

"So you want ice cream?" Tanong pa nya

"Huh?" Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin

Nakikipag away sya tapos aalukin nya ko bigla ng ice cream? Hindi ko ma gets

"Akin na yan" kinuha nya sa kasama nya yung ice cream na nasa cone

Mas lumapit pa sya sakin

"Hikari anung gaga--" naputol ako ng isalaksak nya sa muka ko yung ice cream na hawak nya

"Hikari anu ba!" Sabi ko habang dumedepensa pero hindi ako nakapalag dahil hinawakan ako sa magkabilang braso ng kasama nya

"OH HAYAN LAKLAKIN MO" matapos non ay itinulak nya ko dahilan para masalampak ako sa sahig

Tinalukaran nila ko ng mga kasama nya at nagngingisihan sila habang naglalakad palayo.

Napayuko nalang ako at hindi ko na mapigilan ang pagiyak habang pinupunasan yung ice cream na sa muka ko ang dungis dungis ko na.

Natigilan nalang ako ng maydalawang pares ng sapataos ang huminto sa harap ko kaya agad naman akong napatingala.

Nakasuot sya ng pants yung kagaya ng pants ng school uniform ng mga guys dito sa school pero hindi ko makilala yung muka nya. Nakasuot sya ng gray na jacket na may hood, may mask din sya sa muka at naka shades.

"Sino ka?" Taka kong tanong pero hindi sya nagsalita

Bigla nya kong inabutan ng panyo tinanggap ko naman agad iyon at pinunas sa nagkalat na ice cream sa muka ko

"Salamat" sabi ko

Inilahad nya ang kanan nyang kamay dahilan para abutin ko ng kamay ko iyon at inalalayan nya kong makatayo.

"Salamat ulit" sabi ko

Hindi sya kumikibo at nilagpasan na ko.

"Sandali lang" pigil ko

Napahinto sya sa paglalakad bahagya syang bumaling sa gilid pero hindi eksaktong nakatingin sakin

"Akin nalang tong panyo? Nadumihan ko na kasi eh" winagayway ko pa yung panyong hawak ko

Tumango nalang sya at nagpatuloy na sa paglalakad

Hinabol ko sya ng tingin

Hmmm... Sino kaya yun? Bakit nakakubli sya? Siguro baka may skin rushes.

Inamoy amoy ko yung panyo na galing sa kanya

"Hmmmm.. Bango pero parang pamilyar yung amoy.. Kanino ko ba naamoy tong pabango nato?"

I Need You Girl (BTS JUNGKOOK FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon