yeshao pov
Simula nung nakatulog ako habang kinakantahan ni jungkook pagising ko ay hindi ko na sya nakita. Hindi na sya bumalik sa ospital inisip ko nalang na baka busy sya. Hindi nga rin nya ko dinalaw dito sa bahay eh sa bagay ano pa nga bang aasahan ko? Gusto nga nyang magkalayo kami.
Pinayagan narin kasi ako ng doktor na umuwi sa bahay si shinhwa yung nag asikaso sakin dun na sya natulog sa bahay ko para bantayan ako. dahil wala naman akong magulang na magkakalinga sakin yung parents ko nasa ibang bansa para magtrabaho pinapadalan lang nila ko ng pera para sa gastusin sa bahay.
Mabuti nalang at andyan yung bestfriend kong si shinhwa para alagaan ako. Mabait naman kasi sya eh may pagkabaliw lang.
Isang linggo akong naburyo dito sa bahay sa sobrang kainipan thanks god at medyo maayos na yung kundisyon ko kaya pwede na ko bukas pumasok sa school miss na miss ko narin kasi si jungkook sa school lang naman kasi kami nagkikita.
....
Kinabukasan..
"Welcome back bakla!!!" Matinis na bati sakin ni shinhwa
"Shinhwa salamat sa pag aasikaso sakin ah utang naloob ko talaga yun sayo" sabi ko
"Para san pa at naging magkaibigan tayo? Ok lang nu" sagot nya
"Hi sa inyo" nagulat ako ng bigla dumating si jozhou at binati kami
Kumunot yung noo ko naalala ko yung pananakit na ginawa nya samin ni jungkook
"Walangya ka!!" Bigla kong sinipa ko yung tuhod nya
"Arawwwww.naman yehshao >•<" daing nya
"Lakas ng loob mong magpakita sakin!!!" Nangigigil na sabi ko
"Yeshao sorry na nagsisisi na ko sa ginawa ko sanyo ni jungkook noon promise hindi na yon mauulit" parang syang batang nagmamakaawa sakin si jozhou mahahalata mo sa muka nya na sincere na sincere sya.
Nakaluhod sya sa harapan ko at naka amen sign pa. Syempre kung galit na galit ako sa kanya ay takang taka rin ako.
Nabuhusan ba ng malamig na tubig tong lalaking to? Bakit ganun? Bakit nagsosorry tong siraulong to?
"Girl patawarin mo na si papa jozhou tingnan mo nga oh nakaluhod na sayo" pangkokonsensya sakin ni shinhwa
"Ou nga naman patawarin mo na ko yeshao tingnan mo nga oh may dala kong ice cream para sayo peace offering kung baga" inabot sakin yung sundae ice cream strawberry flavor
Hindi ko alam kung ano ang nakain ni jozhou kung bakit bigla syang bumait haysst ewan parang hindi na sya yung jozhou na nakilala ko dati yung jozhou na pagangster, matapang, nanakit, masama ang ugali. Ibang iba sa jozhou ngayun na parang batang nakikipagbati sakin.
Siguro trip lang nya ko ngayon hindi ko na lang sya papansinin dahil wala ko sa mood na sakyan yung trip nya.
"Ayoko nga baka may lason pa yan eh tsaka hindi ako mahilig sa strawberry flavor" tanggi ko
"Bakit naman kita lalasunin grabe ka naman ganyan na ba kasama ang tingin mo sakin sorry na nga diba oh eto na kasi tanggapin mo na" panunuyo ni jozhou
"Akin na ngalang kung ayaw mo" biglang inagaw ni shinhwa
"Hoy bakit mo inagaw para kay yeshao yan!! " bulyaw ni jozhou
"FYI hindi mahilig sa strawberry flavor si yeshao chocolate ang favorite nya noh" sabi shinhwa
"Ah ganun ba sige sayo nalang" napakamot sa ulo si jozhou
"Papa jozhou baka mamaya may gayuma to" sabi shinhwa habang nilalantakan yung ice cream
"Ano kamo kahit sa panaginip di kita gagayumahin" inis na sabi ni jozhou
"Bahala nga kayo dyan kukunin ko lang yung bag ko sa locker" iniwan ko silang nagtatalo sa loob ng classroom.
third person pov
"Hala bakit inaabutan ni jozhou ng ice cream si yeshao? Malalandi talaga yang babaeng yan sigurado kong uusok si hikari pag nalaman nyang nakikipaglandian yung boyfriend nya sa iba."
---------
Pasensya a po sa mga typographical and grammatical error ko sa pagsusulat.
BINABASA MO ANG
I Need You Girl (BTS JUNGKOOK FANFICTION)
Fanfiction"I need you because i love you" "I love you not because of who you are it is because of who I am when I am with you" BTS JUNGKOOK FANFICTION