chapter 22

151 11 0
                                    

yeshao pov

"Nakilala mo ba yung tumulong sayo?" Tanong ni shinhwa

pumasok na kasi sya kanina sa school naglagnat lagnatan lang pala kaya hindi nakapasok kahapon at eto naglakakad kami ngayon pauwi galing school. Ginabi narin kami dahil tinapos pa namin yung report para bukas.

"Eh hindi eh.. nakatakip kasi yung muka" sagot ko

"Wow! Pa mysterious si kuya" sabi pa nya "pero by the way akala ko ba kakalimutan mo na sa jungkook? Eh ano tong kwineto sakin ni jozhou na nagiimahinasyon ka daw na nakita mo sya?"

"Ewan ko ba shinhwa kung bakit hindi ko sya makalimutan" napasabunot ako sa ulo ko

"Sa totoo lang yeshao gusto kitang samapalin ng lima . ay mali sampu na pala para matauhan ka paulit ulit nalang kasi tayo eh" medyo napipikon nyang sabi

"Grabe ka naman" inirapan ko sya

"Binabalan kita MASAKIT UMASA dahil hindi natin alam kung kelan sya babalik o baka hindi na nga bumalik."

Napabuntong hininga nalang ako. Sabi ko nuon na kakalimutan ko na si jungkook pero hindi ko parin nagawa kaya maslalo akong nasasaktan.

Sa pangalawang pagkakataon sa sabihin ko ulit to

"Promise shinhwa tutuparin ko na yung sinabi ko na kakalimutan ko na sya para hindi na ko masaktan" gustong tumulo ng luha ko pero nagpigil ako dahil nahihiya ako kaya shinhwa

"Tama para pare pareho na tayong matahimik hay.. Nako ... Naiistressed ang beauty ko sayo yeshao" napasintido sya

"Oh sya sya sige mauuna na ko dun pa kasi ako eh" turo nya sa kabilang direksyon

"Oh sige bye bakla" nag wave ako ng hands ko at lumiko na sya sa kabilang kanto.

Naiwan akong magisang naglalakad medyo kinakabahan ako kasi gabi na at medyo nagngalahati palang ako sa paglalakad pauwi ng bahay. Tapos medyo mahina pa ang ilaw nitong street light. Naku wag naman sana mapundi dahil sobrang takot talaga ko sa dilim.

"Pare lasing na talaga tayo nakakita na kasi ako ng anghel eh" may dalawang lalaking may katandaan akong nakasalubong. Suray suray sila sa paglalakad kaya alam kong lasing sila.

"Ang swerte pare nakakita tayo ng anghel" bigla nilang hinarangan yung dimadaanan ko

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko kinakabahan ako mukang gagawa sila ng hindi maganda

"Hi anghel" pinisil nung isa yung braso ko agad ko naman tong binalikwas

"Aww.. Supalada pa oh" napangisi yung isa

"Ah baka gustong makita yung langit" sabi nya sa kasamahan nya habang tumatawa

Hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba. Hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko

"Eh di ipakita natin ang langit!" Napaapir sya sa kasamahan nya

T...teka anung gagawin nila?

Pareho nilang tinanggal yung sinturon ng kanilang pantalon. Pagkatapos non ay inubutton yung butones kasabay nun ay binaba nila ang zipper nito
.
.
WOAAHHH!!!
at magkasabay na nga nilang hinubo ang pantalon nila
.
.
.
In 1. 2. 3.
.
.
Hindi ko nakita ang hindi ko dapat makita.

May palad na biglang humarang sa mata ko tinakpan nya ito at inikot nya ko paharap sa kanya.

Inalis nya ang nya ang palad nya ng makaikot na ko paharap sa kanya. Pagdilat ko ay dibdib nya ang nakita ko kaya napatingala ako sa kanya.

Nakajacket sya na may hood. Naka face mask din.

Si mysterious guy?

Pero this time wala nang takip yung mata nya pero hindi ko parin makilalala dahil ang dilim ng paligid.

"Langit ba ang tawag nyo dyan? Bakit parang sungay ng demonyo?"

This time nadinig ko na ang boses nya. Hindi ko masyado na bosesan dahil nakamask sya kaya kulob ang boses nito

Pero parang may kaboses? Napaisip ako.

Hinde mali tong iniisip ko

Yung boses nya---

Kamuka ng boses ni---

"Imposible" napailing ako




----

Malapit nang matapos tong story salamat po sa nagbabasa.

I Need You Girl (BTS JUNGKOOK FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon