SOD 5:

4 0 0
                                    

Shaina's POV

Nakakapagod nang mag-aral. Grabe! Gusto ko nang makapagtapos. Halos namumuti na nga ang lahat ng buhok ko sa sobrang stress na dala ng mga gawain sa school. Hindi naman pwede na hindi ako kumilos dahil lahat sa akin nakaatang ang trabaho.

"Shyle" Tawag sa kin ni Lei.

"Oh?"

"I-explain mo nga sa akin ito" Sabay turo doon sa papel niya. "Hindi ko kasi ma-gets explanation ni ma'am" Sabay kamot sa ulo.

Kinuha ko yung libro sa kanya. "Haha. Okay ganito kasi yan---" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Good morning ma'am, can I excuse Ms. Shaina?" Sabi nung babae sa pintuan ng silid namin. Yung secretary ng SC, may meeting na naman siguro. Lumabas na ako ng room, at sinundan siya.

"Mauna ka na sa office ng SC may mga dadaanan pa ako" Tumango na lang ako. Habang papunta ako sa office may naririnig na naman akong bulungan. Akala ko tungkol na naman sa amin pero mali ako, tungkol kay sir ang pinag-uusapan nila.

"Alam niyo ba na nawawala si Sir Romualdez?"

"Di ba nag-file siya ng leave for 1 month?"

"Oo nga. Pero pumunta siya kahapon dahil may sasabihin daw na importante sa isang section."

"Eh paano daw nasabing nawawala?"

"Eh hindi daw nakita ng guard na dumaan sa gate si Sir. Nakakapagtaka nga eh. Ano yun? Nag-over the bakod si Sir, matanda na yun kaya di niya kaya tumalon."

"Ano daw bang section yung pinuntahan ni sir bago siya nawala?"

Bigla silang napatingin sa akin. Hindi ko alam pero ang talim ng tingin nila sa akin. Dali-dali akong umalis at tumuloy na sa pupuntahan ko.

"Section of --------" Yan ang huli kong narinig.

----------

Pagkarating ko sa tapat ng office ng SC, kumatok muna ako bago pumasok. Nakita kong nandoon na yung tatlong president ng bawat Section. Napatingin sila sa akin pero binawi din nila agad. Umupo ako sa tabi ni Camilla, president ng Writers. Kaharap ko si Dylan, president ng Sports at katabi niya ang president ng SC at Brains, si Porsche.

"Good morning presidents, pinatawag ko kayo dito dahil sa utos ng Principal na ako ang magpaliwanag sa inyo kung ano ba talaga ang 'special requirement' na sinasabi ng mga advisers natin" panimula ni Porsche.

"And what it is Porsche?" Tanong ni Camilla.

"Bakit hindi na lang research papers ang ipagawa sa atin ng principal?" Sabi ni Dylan, naalala ko yung sinabi ni Dave sa sinabi niya. Parehas sila, bakit ba hindi na lang research papers?

"I suggested that, pero hindi pumayag ang principal pati na rin ang ibang teachers. They want us to stay here in the school for one week. Sa totoo lang, ayaw ko ng gusto nila pero wala tayong magagawa dahil mas mataas sila at dapat silang sundin" - Porsche.

"Damn! Dapat ki-nonsult muna nila yung mga estyudante bago sila nagdesisyon" - Dylan.

"We have no choice, but bakit nadamay yung ibang mataas na grade?" Tumingin sa akin si Camilla. "Hindi sa ano Shaina ha, nagtataka lang kasi ako. Ang sabi nung una para sa mga may low grades. Bakit kasama yung Brains?" This time, kay Porsche naman siya nakatingin.

Umayos ng upo si Porsche. "Actually, I don't know the answer for your question Camilla. Kahit ako, nagtataka din. But I think, sa una para sa may mga low grades pero ginawa na din nilang requirements para sa mga graduating students" Tumango lang kami sa kanya.

School Of Dead (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon