SOD 7:

5 0 0
                                    

Carol's POV

"Uy Carol. Bakit ka ba ganyan ha?" Tanong sa akin ni Eya, seatmate ko.

Kanina pa kasi ako hindi mapakali dito sa upuan ko. Kinakabahan kasi ako sa mga mangyayari mamaya. Sana lang talaga masabi ko ang lahat para mahuli na sila. Mga walanghiya kasi sila eh. Sa lahat pa ng tao dito sa school, sila pa ng gagawa nun. Ang tataas ng mga tingin ng iba sa kanila tapos kaya nilang gumawa ng ganung bagay.

"Pst! Carol, anong gagawin natin? Baka makarating sa kanila na nagsumbong tayo" Napatingin ako sa likod ko at naandun si Faye. Kitang-kita mo sa kanya ang takot dahil nanginginig siya at namumula pa ang kanyang mata sa kakaiyak.

"Don't worry Faye, kung malaman man nila ay huli na sila. Nasabi na natin doon kay Xander at sigurado akong nakapagsumbong na siya" Sana lang talaga kapag nalaman na si Xander ay sabihin na niya sa principal o kaya man sa pulis. Sana.

------------

"Ano ba yan Carol? Sigurado ka bang sisiputin tayo nung Xander? Kanina pa tayo dito oh" Tumingin ako sa relo ko. 20 minutes na ang lumipas nang mag-dismissal kami. Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa ring Xander na nagpapakita.

"Mag-antay pa tayo, malay mo ay ginawa lang saglit. Nangako siya sa akin Faye, I trust him" sabi ko at nanahimik na lang si Faye. Kating-kati na kong sabihin sa kanya ang nalaman namin ni Faye kanina. Kaya pala nawawala si Sir dahil sa kagagawan nila. Pagbabayaran nila ang ginawa nilang kasamaan.

5:45 pm......

"Ano na Carol? Wala pa rin ay. Gabi na po, tara na't umuwi na. Hinahanap na ako ni mommy" pinagmasdan ko yung paligid, nagbabakasakaling may makitang Xander.

*sigh*

"Siguro nga hindi na siya darating. Naisip ko na ito kaya ipapapigay ko na lang sa kanya yung sulat. Atleast nasabi pa rin natin kahit hindi sa personal" Nagsimula na kaming maglakad ni Faye. Bakit kaya hindi siya nakarating? Siguro ay may mas mahalaga lang na pinuntahan.

Naandito na kami sa hallway, napansin kong dumidilim na. Kaya sinabihan ko na si Faye na bilisan namin maglakad dahil baka mapagsarahan kami ng gate.

"Aaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!" Napalingon agad ako ng marinig kong sumigaw si Faye. Pero wala akong nakita na Faye sa likod ko. Teka! Di ba magkasunod lang kami na naglalakad? Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong nakita Faye.

"Faye! Ano ba? Huwag ka na ngang magtago. Masasarahan na tayo, lumabas ka na" Walang sumasagot. Tanging echo lang ng boses ko ang narinig ko.

"Faye ano ba! Wag ka namang manakot. Umuwi na tayo" Naiiyak na ako. Ayoko ng ganito. Dumidilim na, at wala akong kasama. Kinakabahan na talaga ako. Ayoko man isipin pero tama ata ang nasa isip ko.

"Aaaahhhhh! Carooooool!!!!!!" Sigaw ni Faye. Ano ba! Nasaan na ba siya?!

"Please! Maawa kayo, ilabas niyo na si Faye" Napaluhod na ako sa lapag ng hallway at doon umiyak. Mahal na mahal ko si Faye, nag-iisa ko lang siya na bestfriend kaya ayaw ko siyang mapahamak. Ako ang may kasalanan, kaya dapat ako lang, hindi siya kasama.

Biglang humangin ng malakas, kaya napayakap ako sa sarili. Nakarinig ako ng yabag kaya itinaas ko ang aking ulo at nakita ko Siya.

Sa sobrang galit ko ay sinugod ko siya at pinagsusuntok, "Walanghiya ka. Ilabas mo si Faye" Nakita kong ngumisi siya na lalo kong kinainis. "Wala siyang kasalanan. Ako, ako yung nagsumbong kaya ako na la-----" bigla niya akong sinaksak kaya napaupo ulit ako.

"Higitin niyo na yan" Inangat ko yung ko pagkasabi niya nun at nakita ko ang dalawang babae na palapit sa akin.

"Oh, poor carol" Sabay hawak sa dalawa kong pisngi. "Dapat kasi hindi ka na nagsumbong para hindi ka nahihirapan" Binitawan na niya ako at humarap doon sa kasama niya.

"Kaladkalarin mo" Hinawakan nung babae yung buhok ko at hinatak niya.

"Aray" Ang sakit. Nagsimula na siyang maglakad habang hawak hawak yung buhok ko. Nung una hindi niya ako mahigit kaya ginamit niya yung dalawa niyang kamay sa paghatak sa buhok ko.

Nararamdaman ko na parang unti-unting napupunit ang anit ko. Parang maya-maya ay matatanggal na lahat ng buhok ko. Ang sakit! Sobrang sakit. Ayoko na.

"Aaahhh, tama na nagmamakaawa na ako sa inyo" Hindi nila ako pinapakinggan. Patuloy pa rin akong kinakaladkad ng babae sa hallway. Feeling ko maya-maya ay tutulo na yung dugo sa ulo ko. Tinitiis ko na lang ang sakit dahil wala na din akong magagawa.

"Andito na tayo Carol" Binitiwan na niya yung buhok ko. "Sa kamatayan mo kaya humanda ka na"

--------------

Xander's POV:

Hindi ako nakasipot sa usapan namin nung babae kahapon. May emergency kasi sa bahay namin. Yung grandfather ko inatake ng heartattack at dahil ako ang nag-iisang apong lalaki hinanap daw ako. Sayang lang at hindi ako nakapunta para malaman kung ano ba yung sasabihin nung babae.

"Ano ba namang klaseng mukha yan Xander? Ang aga-aga ay" nakita ko sa gilid ng mata ko na umupo siya sa tabi ko. "Ahh ganun pala, snob ka na ngayon ha" sabay batok sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Wag kang magulo" sabi ko sa kanya. At dahil may lahing unggoy---este kakulitan si Bernald, pinilit pa rin ako. Kinwento ko sa kanya lahat-lahat. Hiningal pa ako sa haba ng sinabi ko tapos ang sasabihin niya lang ay----

"Ahh" sabay tapik sa balikat ko. Ano ba namang klaseng kaibigan ito? Akala ko pa naman bibigyan ako ng advice, isang 'ahh' lang pala at 'tapik' ang matatanggap ko. Mabuti pang kay Vincent ko na lang ikinwento, may mapapala pa ako.

"Bernald, labas tayo pahangin" anyaya ni Paolo. Sumunod naman si Bernald.

"Teka, sama ako" sabi ko sa kanila at patakbong lumabas ng room. Maaga pa naman at wala din akong gagawin sa loob ng room namin. Mas magandang mahanginan muna ako.

Dumaan kami sa canteen dahil nagwawala na daw ang mga 'sawa' ni Bernald at 'buwaya' ni Paolo sa tiyan. Bumili din ako pero SmartC lang, hindi pa naman ako gutom e. After namin dun ay pumunta kami  sa bench sa tapat lang ng room namin para doon muna tumambay. Nagkwentuhan lang kami at nakinig sa mga banat ni Paolo nang may biglang dumating na babae.

"Ikaw ba si xander?" Tanong nung babae. Tumango lang ako at may inabot siyang papel.

Ano naman kaya ito?

"Kanino galing?" Tanong ko sa kanya.

"Kay Carol" Tipid niyang sagot. Gusto ko mang tanungin kung sino man yung 'carol' na yun eh parang alam ko na kung sino.

"Salamat" sabi ko doon sa babae at umalis na siya. Bakit naman kaya ako binigyan ng sulat ni Carol? Bubuklatin ko na sana yung sulat ng agawin ito ni Bernald.

"Hoy! Ano ba?!" Naiinis kong sabi.

"Hahaha. Ikaw ha! May girlfriend na eh lumalandi pa. Sumbong kita kay Mhika eh" Sabi niya.

"Tumigil ka nga. Yung nagpadala niyan eh yung babaeng sinasabi ko" Napatigil siya at binalik na sa akin yung sulat.

"Bakit ka naman niya bibigyan ng sulat?" Tanong niya habang nakaturo sa akin. Kahit naman ako hindi ko alam eh.

"Oo nga pre" nagtinginan yung dalawa na parang iisa lang ang nasa isip nila. Napailing na lang ako, I'm sure kalokohan lang yan.

"Baka naman----STALKER MO!!!" Sabay silang nag-apir at nagtawanan.

"Malay ko" Sagot ko sa kanya. Tinago ko na yung sulat sa bag ko. Inipit ko muna sa math notebook ko. Mamaya ko na sa bahay babasahin.

"Malay daw oh, it means it's true. Hahahaha" sabi ni Paolo. Hindi ko na lang pinansin.

"Tara na, 7:30 na, magkaklase na tayo" Anyaya ko sa kanila. Tumayo na ako at naglakad na pabalik ng room.

Ano kaya yung nakalagay sa sulat?

**********

Thank you for reading ^_^

School Of Dead (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon