SOD 10:

4 0 3
                                    


Lei's POV

Kasalukuyan akong nangongopya ngayon ng lecture sa History. Nakatulog kasi ako kanina, buti na lang talaga at pinahiram ako ni Xander.

Hmm! Speaking of him. Bakit kaya siya pinapatawag ng principal? Hindi naman siguro gumawa ng kalokohan yun, dahil sa pagkakakilala ko sa kanya ay matino siya. *sigh* Tatanungin ko na nga lang bukas kung ano ang nangyari.

*toktok*

"Come in" sabi ko.

"Ate, ito na daw dinner mo." Lumingon ako sa kapatid ko at inabot yung tray. "Anong ginagawa mo?"

Tinabi ko muna yung iba kong gamit at nilapag yung tray sa study table ko. "Hmm. Copy ng lecture sa History"

"Ahh" Sabi niya. "Patingin ha" Tumango lang ako sa kanya at kumain na. Nagutom ako ng sobra, feeling ko kulang pa sa akin 'tong dinala ni Lay.

"Ay" Nakita kong may kinuha sa lapag si Lay. "Ate, nahulog 'tong papel oh" Inabot niya sa akin yung bond paper na nakatupi.

"Saan 'to galing?" Tanong ko.

"Dito sa notebook na 'to" Turo niya sa notebook ni Xander. Napakunot naman yung noo ko. Tiningnan ko nang mabuti yung bond paper, parang letter 'to ah.

"Iipit mo muna ulit dyan. Letter ata yan, baka magalit si Xander kapag binasa natin" sabi ko sa kanya at bumalik ulit sa pagkain.

"Carol? Sino si Carol?" Napatingin ako kay Lay at nakitang hawak-hawak yung sulat.

"LAY!!! Di ba sabi ko ibalik mo? Hindi tama yang ginagawa mo" Inagaw ko sa kanya yung sulat at nilapag sa table. Inayos ko yung pinagkainan ko at inabot sa kanya. "Ibalik mo na yan sa kusina, at bumaba ka na" sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at lumabas na. "Goodnight ate" sabi niya bago isara ang pintuan.

"Goodnight din" Napatingin ako doon sa sulat ni Xander. Naalala ko yung sinabi ni Lay. "Carol?"

Dahan-dahan kong binuklat yung papel pero sinara ko din agad. Napailing ako, mali ito. Privacy ni Xander yan pero pinapakialaman ko. Baka magalit siya sa akin.

Pero malalaman ba niya na binasa ko?

Huminga ako ng malalim bago kinuha yung papel. Umayos ako nang upo at binuklat yung papel.

Nagulat ako sa nabasa ko. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? Anong ibig sabihin nito?

"Xander, alam kong may possibility na hindi ka susulpot sa usapan natin. Alam kong natatakot ka na baka may makakita sa atin na magkasama. Naiintindihan ko naman yun dahil baka magalit sayo ang mga kaibigan mo kapag nakipagkita ka pa sa akin."

Naguguluhan ako. May iba bang babae si Xander? Tinupi ko agad ang sulat at ibinalik sa notebook niya. Hindi ko kayang ipagpatuloy ang pagbabasa nung sulat.

Alam ba ito ni Mhika? Eh nila Vincent? Bakit may tinatago sa amin si Xander?

"Carol" sabi ko. Siya yung binanggit ni Lay kanina. "Sino ka Carol? At ano ka kay Xander?"

****

As usual, maaga akong nagising at pumasok. Naabutan ko sa room si Shaina na laging nauuna pumasok.

"Morning" bati niya sa akin.

"Good morning" lumapit ako sa kanya. "As usual, busy na naman si President" sabi ko. Kay aga-aga naman kasi ang dami-daming papel sa desk niya. Kung titingnan eh parang hindi na siya estyudante.

Natawa siya ng kaunti. "Parang hindi ka nasanay sa akin ah. Lagi mo naman kaya akong naabutan ng ganito tuwing umaga"

"Okay" sabi ko na pinahabaan yung 'kay'.

"Ugghh." Sabay kaming napatingin ni Shaina sa dumating. Magkasalubong ang dalawa niyang kilay at yung nguso niya ang haba. "Ahhh!! Nakakainis! Sobrang nakakainis!"

Nagkatinginan kami ni Shaina at sabay na nagbuntong-hininga. Tumayo siya at lumapit kay Fran.

"What's the problem?"

"Nothing" sabay irap.

"Psh. Nothing ka dyan, kay aga-aga ang haba ng nguso mo." Sabi ko at inirapan niya ulit ako. Grabe ha! Kung hindi lang ako sanay kay Fran, pinatulan ko na 'to.

"It's because of him. He promised but he broke it. What a jerk!" Sabi niya at nag-cross arms. Tinapik ako ni Shaina at nagtaunguan kami. We know na kung sino yung tinutukoy niya.

"Agang LQ ah" napatingin kami kay Trixy na kakarating lang. Nilapag niya yung bag niya at lumapit sa amin.

"Paolo" sabay-sabay naming sabi.

"Don't even dare to say his name." Sabi niya at umirap ulit. Natawa na lang kaming tatlo.

"Anong promise ba kasi yun?" Tanong ko.

"It's none of your business" mataray niyang sagot. Nanahimik na lang kaming tatlo, we know na wala kaming makukuhang matinong sagot sa kanya.

Nabasag ang katahimikan nang sunud-sunod na dumating yung mga kaklase namin. Natigilan ako nang pumasok si Xander sa room.

Carol

Dapat ko na bang itanong sa kanya kung sino si 'Carol'?

"LEI!!!!!"

"Ay Xander!" Sinamaan ako ng tingin ni Anna.

"Xander huh? May feelings ka ba sa kanya?" Mabilis akong umiling sa kanya.

"Nung nakita ko kasi siya naalala ko yung notebook na hiniram ko sa kanya kahapon." Paliwanag ko sa kanya. Baka kung ano pa ang isipin nitong babae na 'to.

"Ah okay yun ba? Anyway, are you ready for the 1 week camping?" Tanong niya.

"Hindi pa. Bakit kailan ba yun?"

"Duh! Next week na po kaya yun, and wednesday na po ngayon" singit naman ni Sam habang nakapamewang. Tumango na lang kaming dalawa.

Nakalimutan ko yun ah. Buti na lang pinaalala ni Anna.

"Matagal pa naman pala."

--------

"Sa araw-araw dito sa mundo, maraming ipinapanganak na mga sanggol. Pero kasabay nito ay ang pagkamatay din ng maraming tao" Paliwanag sa amin nung Teacher namin sa A.P.

"So, sa tingin niyo bakit kapag may namamatay ay may nabubuhay?" Tanong niya. "Yes, Paolo"

"Kasi po para mag-give way doon sa mga ipapanganak. Napakadami na po kasing tao, siksikan na kaya yung iba nagpapakamatay na lang para sa mga bagong sanggol"

Napanganga kami sa sagot niya. Yung mukha ni Ma'am parang naiinis na ewan.

"Mali po ba?" Tanong ni Paolo habang nagkakamot ng ulo. Tiningnan ko yung iba, halatang nagpipigil ng tawa.

"You can take your seat Mr." Napahawak si Ma'am sa sentido niya. Habang kami, nakakagat-labi lang dahil sa sobrang pigil ng tawa.

"Idiot always" rinig kong sabi ni Fran. Napatingin tuloy ako sa kanya. "What?"

"Wala" sagot ko. Nagpaghahalataang may gusto kay Paolo e.

"Tss. Iba yung iniisip mo" Hindi ko na siya sinagot at tumingin na lang ulit kay Ma'am.

"Ma'am excuse po" Lahat kami napatingin doon sa nagsalita. "Kami po ay naandito para humingi ng permission na makausap ang mga estyudante"

Nagtaka naman kaming lahat dahil yung nagsasalita ay isang pulis. May nagawa ba kaming mali?

"Ahh. Sir, para saan po ba ito?" Tanong ni Ma'am.

"Mag-iimbestiga lang po tungkol sa biglaang pagkawala ni Mr. Romualdez at sa pagkamatay ng 2 estyudante"





**********

Thank you for reading ^_^

School Of Dead (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon