SOD 6:

2 0 0
                                    

Someone's POV

"Hinahanap na si Sir Romualdez. Ano nang gagawin natin?" Nagpapanik na sabi ng isang estyudante.

Isang linggo na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang guro. Nag-aalala na ang buong eskwelahan dahil dito nakita ang guro bago nawala.

"....."

"Hoy! Ano ang gagawin natin? Natatakot na ako."

"....."

"Magsalita naman kayo" Umiiyak at nagmamakaawa sabi ng estyudante. Ngunti wala pa ring sumasagot sa kanila. Natatakot sila. Natatakot na sabihang mamamatay-tao. Natatakot na mapaalis sa eskwelahan. Natatakot sila na masira ang mga pangarap nila.

"Wala na tayong magagawa, nangyari na ang lahat. Hindi naman natin pwedeng ipagsabi sa iba dahil baka----"

"Baka ano? Huwag naman kayong selfish. Isipin niyo din kami. Paano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nila ang nagawa natin?"

"Iyon na nga eh. Pag nalaman ng iba mapapaalis tayo sa school. Masasabihan pa tayo ng kriminal. Sa tingin niyo ba, maganda ang magiging resulta kapag sinabi natin? Ano na lang sasabihin ng pamilya natin?" Nilibot nito ang tingin sa buong klase at muling nagsalita. "Hindi natin sinasadya, hindi natin yun kasalanan. Ipinagtanggol lang natin ang mga sarili natin kaya walang dapat sisihin sa nangyari------Hindi natin sinasadya na mapatay si Sir"

*blag*

"Sino yun?"

Lumabas ang lalaki at hinanap kung sino o ano yung tumunog. Nadatnan niya ang dalawang dalaga na nagtatago sa gilid ng pintuan ng room nila.

"Ah. Hehe" Iyon lamang ang nasabi ng dalawa bago sila hatakin sa loob ng lalaki.

"Sino sila?" Tanong agad ng mga estyudante. "Sports yan di ba?" Sabay tingin sa mga uniform nila.

"Hindi ko sila kilala pero nakita ko sila na naandun sa likod ng pintuan. Mukhang pinapakinggan tayo" Biglang nakaramadam ng takot ang buong klase. May iba na kasing nakakaalam, baka isumbong sila. Hindi nila alam ang gagawin kapag nangyari yun.

"Baka isumbong nila tayo. Paano na yan?" Natatarantang sabi ng isang estyudante.

"Hindi sila aalis dito"

"Ano?" Sabay na sabi ng mga dalaga. "Anong gagawin niyo sa amin ha? Papatayin niyo din kami?" Halatang natatakot ang mga dalaga. Gusto man nilang matakot pero dapat ipakita na hindi sila natatakot.

"Oo" Nagulat ang buong klase sa sinabi ng binata. Akala nila na nagbibiro lang ito, na babawiin ang sinabi nito ngunit hindi. Mali sila. Seryoso ang binata.

"Walang kayong PUSO" ani ng dalaga habang nagpipigil ng luha.

"Ano na naman ba ito ha? Bakit kailangan nilang mamatay?" Sabi ng isang estyudante. Kahit ang iba at ayaw sa balak ng kanilang kaklase. Ayaw na nilang makapatay pa ng iba.

"Wala tayong choice. Sa tingin mo ba kapag pinalaya natin sila ay hindi sila magsusumbong?" Tanong nito sa mga kaklase niya. Walang sumagot sa kanya. Sa halip ay nanahimik lamang sila.

Napatingin ang lahat sa dalagang umiiyak, "Hindi kami magsusumbong promise. Wag niyo kaming patayin" Pagmamakaawa nito. Kitang-kita sa kanyang mata ang Pagmamakaawa. Maraming naawa ngunit ang binata ay nagdadalawang-isip pa.

Isang katahimikan ang bumalot Sa buong classroom. Walang niisang nagsasalita pagkatapos lumabas ng dalawang dalaga. Nangako ito na hindi magsusumbong dahil kung hindi ay papatayin sila ng binata. Hindi nila alam kung tama ba ang kanilang ginawa o mali. Tanging iniisip lamang nila ay ang sasabihin ng iba laban sa kanila.

Biglang may pumasok sa loob ng kanilang room at dumiretso sa harapan. Hindi alam ng mga estyudante ang kanilang gagawin. Magkahalong takot at kaba ang kanilang nararamdaman.

---------------

Xander's POV:

Sh*t! Bakit ba masyado akong stress sa pag-iisip ng surprise sa kanya? Baka mamaya nito lahat ng buhok ko maging puti na. Ayoko naman na isipin niyang lolo na ako pag nangyari yun. Nakakabawas ng pogi points yun sa mga babae.

"Xander tara sa canteen tayo" Sumunod na lang ako kay Vincent kahit wala ako sa sarili ako. Makakaisip din talaga ako ng surprise para sa kanya.

Habang naglalakad kami ay may napansin kaming isang babae na parang nagwawala. Nagsasalita siya ng kung anu-ano.

"Ano ba? Makinig naman kayo sa akin oh" Pagmamakaawa nung babae pero walang kumakausap sa kanya.

"Tama na Carol! Walang maniniwala sa atin" sabi naman nung isa niyang kasama.

"Hindi. Dapat malaman nila ito." Sabi niya. "May mamatay-tao dito sa school" sigaw niya.

"Hahaha. Pare, baliw na yung babae oh" sabi ni Vincent. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Bakit? Anong mali sa sinabi ko"

"Tss."

"Don't tell me, naniniwala ka diyan?" Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Vincent at naglakad lang papunta doon sa may babae.

May kutob kasi ako na parang may kinalaman ito sa pagkawala ni Sir Romualdez. Para talaga kasing may mali sa school na ito. Bukod pa sa hindi tamang pagtrato ng nga tao dito sa section namin.

"Miss" tawag ko sa kanya. Bigla siyang lumingon sa akin. Nakakaawa ang mukha niya. Namamaga ang mata niya at mukhang takot na takot siya.

"Tulungan mo kami" pagmamakaawa niya sa akin. Lumuhod pa siya sa harap ko.

"Bakit? Anong alam mo? May kinalaman ba 'to kay Sir?" Tanong ko habang itinatayo siya.

"Wag dito. Baka marinig nila. Baka patayin nila ako" bigla namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Sinong 'nila'?

"Nila? Marami sila?" Tanong ko sa kanya. Inaya ko muna siya sa bench para umupo. Mukhang kanina pa siya nangangawit eh.

"Oo"

"Anong alam mo?" Tumingin-tingin muna siya sa paligid bago siya humarap sa akin.

"Mamayang dismissal, sa likod ng main building" sabi niya. "Ayokong may makarinig at makaabot sa kanila. Bata pa ako, marami pa akong pangarap kaya please help me"

"Si-sige" alanganin kong sagot at bigla na lang siyang hinatak nung kasama niya.

"Anong ginawa mo? Pag nagkataon at nalaman nila, tapos na tayo. Dapat nanahimik ka na lang"

"Pero hindi kaya ng konsensya ko Faye, hindi ko kaya" sabi niya habang ginugulo ang buhok niya. Naglalakad na sila palayo sa akin.

"What was that?" Napatingin ako kay Vincent na nasa gilid ko na pala.

"Wala" sagot ko sa kanya. Lalo akong nacurious kung ano yung sasabihin nung babae.

"Magkikita kayo?" Tanong niya. Kailan pa naging tsismosa ang mga lalaki? Tsk. Tsk.

"It's none of your business Vincent" sagot ko sa kanya. Ayokong makisali pa yang ugok na yan.

"You're wasting your time dude" natatawa niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin at humarap sa kanya sabay sabi ng "DON'T JUDGE A BOOK BY IT'S COVER"

"Okay, okay. Tara na. Nagugutom na ako" sabi niya habang nakataas yung dalawa niyang kamay.

"Okay" sagot ko sa kanya at pumunta na kami sa canteen. Dapat akong makapunta doon mamayang dismissal para malaman ko kung ano ba yun.

*sigh*

May nadagdag na naman sa iisipin ko. Basta, after this si Mhika naman. Dapat maging bongga yung 7th monthsarry namin. Dapat talagang ma-surprise siya dahil lahat ng classmate namin ay kakuntyaba ko.

************

Thank you for reading ^_^

School Of Dead (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon