SOD 13:

1 0 0
                                    


Xander's POV

4 days passed pero di pa rin ako makatulog ng maayos. Hindi mawala sa isip ko si Mhika. Naandito lang ako sa kwarto ko nakakulong at laging nakatulala.

Nagi-guilty ako dahil hindi ko sinabi sa kanya na nakikipag-usap ako sa ibang babae nang di nya alam. Wala kaming relasyon nung Carol. Kaya ko lang naman kasi tinulungan yun dahil sa curiosity. Kung hindi ako na-curious sa pagkamatay ni Sir Romualdez, hindi sana mawawala si Mhika.

Dapat lang na sisihin ako ni Mhiko dahil wala akong kwentang boyfriend. Hindi ko man lang nabisita si Mhika bago sya nilibing ng pamilya nya. Nahihiya akong humarap sa kanila lalo na kay Mhiko. Hindi ko man lang napansin na matagal na pala syang nasasaktan nang dahil sa akin.

NAPAKAWALA KONG KWENTA!!!!!

*ring*

Dinampot ko yung cellphone ko at tiningnan kung sino ang caller.

(Hello pre? Punta ako sa inyo ha. Otw na ako)

"Sige. May kasama ka ba?" Tanong ko. Ayoko sanang tumanggap muna ng bisita pero siguro mas magandang mayroon akong malabasan ng problema ko.

(Ako lang. Nga pala, naaayos mo na gamit mo?)

Napakunoot ang noo ko sa tanong nya.

"Bakit?"

(Aist! Yan na nga ba sinasabi ko. Bukas na ang start ng 1 week camping natin sa school)

Napahampas ako ng noo sa sinabi niya. Bakit ko nakalimutan yun? Si mhika lang kasi ang nasa isip ko kaya hindi ko na naalala.

(Ayos lang yan, alam ko naman kasing may pinagdadaanan ka. Sige bye na)

Binaba ko na ang cellphone ko at sumandal sa headboard ng kama ko.

'Makikita ko si Mhiko at magkakasama kami. Kaya ko bang humarap sa kanya lalo na't malaki ang nagawa kong kasalanan?'

++++++++++++

Lei's POV

Nag-iimpake na ako ngayon ng mga gamit na gagamitin namin para sa activity namin. Halos one week din kami mamamalagi sa school at after nun ay graduation day na namin.

Hay!! Na-eexcite tuloy ako. Makaka-graduate na din kami sa wakas. Wooohhh!! Matatapos na ang highschool life namin. Magiging pahirapan na ang buhay namin sa college. Pero nalulungkot din ako kasi wala na si Mhika. Hindi namin akalain na mamamatay sya nang araw na iyun. Dapat pala may sumunod sa kanya kahit isa sa amin para alam naming safe sya.

Yung revelation pa ni Mhiko nung araw na yun, hindi din namin inaasahan. Hindi namin alam na matagal na syang nasasaktan dahil nagpaubaya sya sa kapatid nya. Tunay na mahal nya si Mhika. Kaso ang concern ko pa ay si Xander. Alam kong di sya naka-attend sa libing ni Mhika dahil andoon ako at alam kong natatakot lang syang humarap sa pamilya nila Mhiko.

Hindi ko sya sinisisi sa mga nangayari dahil alam kong walang may kasalanan sa kanila. Sa tingin ko ay iba ang may pakana nito. Simula pa lang sa pagkawala ni Sir Romualdez at nung dalawang estyudante tapos ay si Mhika. Parang pinlano pero di pa ako sigurado dahil wala pa akong evidence. Malakas lang talaga akong makiramdam at iyun ang gagamitin ko para malaman kung sino ang pumatay sa kanila.

"Ate kain na daw" Itinabi ko muna yung maleta ko bago bumaba sa kitchen at kumain ng dinner. Normal dinner lang naman together with may family. After that, umakyat na ulit lako sa kwarto para magpahinga. Maaga kasi ako magigising tomorrow.

Humiga na ako sa kama. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang mangyayari bukas. Na-eexcite ata ako masyado, at the same time kinakabahan. Ipinikit ko na lang yung mga mata ko. Bahala na bukas.

Zzzzzzzzzz

Zzzzzzzzzz

Zzzzzzzzzz

*kring*

Napabalikwas ako sa kama ko. Ininat-inat ko muna yung braso ko bago ako bumangon ng kama. Tinignan ko yung orasan.

5:31 am na.

Pumunta na ako sa cr para maghilamos at ginawa ko na ang iba ko pang morning routine.

"ATE KUNG READY NA DAW BA ANG LAHAT NG GAMIT MO? IHAHATID KA NA NI DADDY"

Bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ko ay dinouble check ko pa ulit yung gamit ko kung may nakalimutan ako. Nung na-check ko na eh bumaba na ako.

"Dad! I'm ready" Tawag ko kay dad. Lumapit sa akin si mom at hinalikan ako.

"Alagaan mo sarili mo Lei. Malaki ka na ha. Wag pasaway" Niyakap niya ulit ako. "Tawagan mo ako kapag may problem ha"

"Yes mom"

"Ate" Tumingin ako sa kapatid ko. "Mamimiss kita" Ang bait talaga ng kapatid ko. Nakikita ko sa mga mata niya na nalulungkot siya.

"Don't worry. I'll be back after one week" Sabi ko at kiniss siya sa noo.

Lumabas na ako at pumunta sa garahe namin.

"Let's go Lei" Sabi ni dad. Sumakay na ako sa kotse. Naandun na kaya yung mga classmates ko?

------

"Lei!!!!!!!!!!!!" Pagkababa ko pa lang sa kotse boses na agad ni Sam yung narinig ko. Grabe talaga ang pagkalakas ng boses nito. Nakalunok ata ng microphone eh.

"Lei! Tara na" Sigaw pa ng iba ko pang kaklase. Excited much sila? Nagpaalam na ako kay dad at ibinaba yung gamit ko.

"Hoy! Tulungan niyo naman ako oh" Sigaw ko. Dali-dali silang tumakbo papalapit sa akin. Ang gaganda ng mga ngiti nila. Sana ganito na lang lagi kami. Yung walang pinoproblema. Yung tipong kami-kami lang may pakialam sa iba.

Napatingin ako kay Mhiko na tahimik lang sa tabi ni Sam. Nilapitan ko sya at niyakap. May binulong ako sa kanya at tumango lang sya.

"Tara na! Magsisimula na daw yung program. Lei lagay niyo na sa room yung gamit niyo" Sabi ni Shaina sa amin. Sinamahan muna ako ni Anna sa room para ilagay yung gamit ko. At tumuloy na kami sa quadrangle kung saan nakapila na yung ibang section. Kami na lang ata ang kulang. Kaya nakakarinig na naman ako ng mga bulung-bulungan.

"Huwag na natin sila pansinin Lei. I-enjoy natin ito dahil last month na natin as a highschool student" Tumango na lang ako sa kanya at pumila na kami sa dapat naming kalagyan.

"Welcome students of St. Daine University!" Bati sa amin ng principal. "But first, let us stand all to have a prayer" nagdasal lang kami ng mataimtim.

"Now, for the rules and regulations for your activities. Sir Lee will explain it. And Ma'am Roxanne will be your guide in the activity. So, I hope you will enjoy your activity"

**********

Thank you for reading ^_^

School Of Dead (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon