SOD 14:

2 0 0
                                    

Shaina's POV

"So, good morning students. I just want to remind you that no one will leave the school premises. And one more thing I will get the sim cards of your cellphones"

Halos lahat ay napa-what sa sinabi ni Sir Lee. Ano ba naman kasi ang magiging gamit ng cellphone kung walang sim card? Hindi kami makakapag-text at hindi din kami makakapag-internet. Data na lang kasi ang pag-asa namin dahil bawal ang wifi.

"We will give you another sim card, wherein the class presidents, Ms. Roxanne and mine's are the numbers that you will only see in the phonebook"

Muli na naman silang napa-what. I think, may purpose ang gagawin nila Sir.

"Sir! It's so unfair. Paano namin macocontact ang family namin?" Narinig kong sabi nung isang estyudante. Kung hindi ako nagkakamali, eh si Elizabeth yun.

"Unfair? Okay, to be fair I will get all your cellphones. And I will not give it back until graduation." Sabi ni Sir habang nakataas ang kilay niya.

"No!" Sagot niya. "Okay, only the sim card" Sabi niya sabay irap.

"So, the rules and regulations. Every activity, I will decide how many students will join. Your group will be your section. So we have four groups, brains, writers, sports and talents."

"Buti na lang ganun yung grouping. Di ko ata kakayanin kung makasama ako sa ibang section. Like duh!" Nakairap na sabi ni Fran.

"Tama ka Fran. Ayos na ito. Atleast di na natin kailangan mag-adjust" Sabi naman ni Trixy.

Para sa akin, ayos lang. Mas maganda naman yun eh baka hindi kami makapag-activity dahil maraming mag-aaway. Alam niyo namang maraming ayaw sa section namin. Kinasusuklaman nila kami. At dahil sa mainit na isyu pa rin kung saan kami ang nasa hotseat.

"There are 10 activities that you will do. The winner will get a prize while the loser teams will get a punishment. So, better do your best. Understand?"

"Yes"

"So, for now, we will give you one hour to relax. Then, at exactly 8:00 you will be back here for the first activity. And last the presidents will collect the sim cards. You may go now"

Umalis na kami sa quadrangle at dumiretso sa room namin. Yes! Ang kanya-kanyang room ng bawat section ang parang magiging quarters ng bawat group slash section.

"Guys! Listen up" Tawag ko sa kanila. Itinigil muna nila ang mga ginagawa nila at nakinig sa akin.

"Ano yun Shaina?" Tanong ni Lei. Nginitian ko lang siya at nagsimula nang magpaliwanag sa kanila.

"As you can see guys, wala silang pinadalang pagkain" Tumango-tango lang sila. "I think the prize will be the foods. So, we have to do our best to get a food."

Bigla namang tumayo si Fran "Right Shaina. Hindi tayo magpapatalo."

"Oo nga. Ipapakita natin kung gaano tayo kagaling" sabi naman ni Chris. Kaya biglang naghiyawan ang lahat. Napangiti na lang ako. Ganyan nga! Dapat di kami magpapatalo.

"Anyway guys ipunin niyo na ang mga energy niyo. At yung mga sim cards niyo akin na. Ibibigay ko na kay Sir Lee" sabi ko sa kanila. Binuksan na nila ang kanya-kanyang cellphone at pinag-aalis na yung mga sim card nila.

"Here's mine" abot sa akin ni Milha.

"Ito naman yung akin" sabi naman ni Mhika. At sunud-sunod na silang nagbigay sa akin..

"Wala na ba?" Tanong ko sa kanila.

Nang makuha ko na ang lahat ay nagpaalam na ako sa kanila. Lumabas na ako ng room at tinatahak na ang hallway papuntang guidance kung nasaan sila sir. Paliko na ako ng makasalubong ko si Porsche.

"Hey!" Tawag niya sa akin. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya.

"Snob girl" Sabi niya ulit. Pero hindi pa rin ako umimik.

Bigla niya akong hinatak at iniharap sa kanya. "What is your problem?" Tanong niya sa akin. Tinitigan ko lang siya sa mata niya. At ganun din ang ginawa niya. Nag-eye to eye contact kami ng halos mga dalawang minuto.

"Bitiwan mo ako. May pupuntahan pa ako" sabi ko sa kanya habang inaalis yung kamay niya sa braso ko. Nang maalis ko ay naglakad na ulit ako.

"Hey! Wait!" Sigaw niya at dali-daling tumakbo hanggang magkatapat kami. Bakit ba parang ang layo ata ng guidance? Kanina pa ako naglalakad eh pero parang hindi pa rin ako nakakarating. Naiirita na ako sa presence ng lalaking ito.

"Can I ask you something?" Tss! Nagtatanong na nga siya eh. "Can you speak?" Hindi ako sumagot. Bahala siyang magsalita ng magsalita diyan. I don't care.

Sa wakas! Natatanaw ko na yung pintuan ng guidance. Hahawakan ko na sana yung doorknob ng bigla na naman niya akong hinatak. Napasandal ako sa pader at kinulong niya ako sa dalawa niyang bisig. Tinitigan niya lang ako sa mata at ganun din ang ginawa ko.

"Your eyes.......they are beautiful like-------" Naputol ang sasabihin niya ng may dumating na tao kaya bigla ko siyang naitulak. Natumba siya sa sahig. Napalakas ata dahil nakita kong nasaktan siya.

"Hahaha. What are you doing guys?" Natatawang sabi ni Dylan.

"It's none of you business" mataray kong sabi. Bago ako pumasok ng guidance eh narinig ko siyang nagsalita pa.

"Woah! Tapang ahh"

Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa table ni Sir Lee at inabot sa kanya ang mga sim cards.

"Thank you Miss Shaina. Here, get the new sim cards and remind your classmates to go to quadrangle" Tumango lang ako at lalabas na sana nang magtama na naman yung mga mata namin. "And also, only 5 pesos were the load of the sim card" Tumango ulit ako.

++++++++++++

Someone's POV

"Naibigay ko na yung sim cards natin kay sir at ito na ang mga bago. Ano? Ready na ba kayo? Kailangan niyong galingan para lagi tayong mananalo. Maliwanag ba?"

"Oo"

Hindi dapat kami magpakampante dahil alam namin na may mga itinatagong galing yung ibang grupo. Pero kailangan din namin ipakita na magaling talaga kami para matakot sila. Actually hindi na nga dapat kami mag-effort kasi alam namin na kapag naglaro na kami, automatic na matatakot na sila.

'Because we love playing dirty'

Tumingin ako sa orasan ko, 8:00 na. Magsisimula na ang laro na matagal na naming hinihintay.

"Let's go. 8:00 na"

Pumunta na kaming lahat sa quadrangle. Nang dumating kami, lahat ng atensyon ay nasa amin. Pumila na kami kung saan kami nakapwesto at nagsimula nang mag-explain si Sir Lee about sa first activity na gagawin namin.

"Hello students. For our first activity, I need 5 students each group" lumapit na ang mga students na maglalaro sa harap ng stage.

"I will give you 4 hours to do the activity. There are puzzle pieces that I and Ms. Roxanne put in the school. Each puzzle piece has a question. You have to answer it to know where the next piece is. And if you collect them all. Bring it here and try to solve the problem that we will give to you. So, to make things clear. Only the players will leave the quadrangle and find the pieces. The rest will stay here. Any questions?" Umiling ang lahat. "So, you may start now"

So, the GAME begins....

**********

Thank you for reading ^_^

School Of Dead (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon