SOD 1:

14 0 0
                                    


Shaina's POV

"I move that the nomination for President will be close"

"I second the motion" sagot nilang lahat.

Tumayo ang aming bagong adviser na si Mrs. Damarillo.

"Ang inyong magiging presidente at ang mamumuno sa 10 buwan niyong pananatili sa silid na ito, Ms. Shaina Reyes." Pumunta ako sa harap ng aming silid at kinamayan ni Ms. Damarillo.

Simula noong grade 7 kami, ako na ang laging binoboto nilang presidente sa aming klase. Sa ngayon, kami ay nasa ika-sampung baitang na. Sumusunod naman sila sa mga patakaran ko pero hindi din maiiwasan ang mga simpleng away. Katulad ng lang ng hindi pagsang-ayon ng iba sa mga opinyon ko. Sinusunod ko naman kung ano ang nais nila kaya sa huli ay nagagawa din namin ang gusto namin.

"Shaina" Lumingon ako kay Lei na kakaupo lang sa tabi ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Napansin ko kasing ang lalim ng iniisip mo kaya tinabihan kita. May problema ba?" Binigyan ko siya ng ngiti.

"Wala, mga tungkulin lang ng 'presidente" natawa naman siya sa sagot ko kaya nagaya na rin ako. "Bakit anong nakakatawa?"

"Ang sipag naman kasi ng PRESIDENTE namin. Buti na lang talaga at ikaw ang nahirang." Paliwanag niya.

"Doon lang natawa ka?"

"Oo. Pati na rin sa facial expressipn mo habang sinasabi ang 'tungkulin ng presidente'" sabi niya habang ginagaya ako. Buti na lang naandito siya at napangiti ako. "Oh? Ngiti-ngiti mo dyan?"

"Wala, ikaw kasi eh pinapagaan mo loob ko" sabi ko. Sasagot na sana niya ng may biglang sumulpot na kabute.

"Drama niyo uy! Nakakasuka kayo uy" seryosong sabi ni Paolo. Dumating naman si Franchescka at binatukan siya.

"Manahimik ka nga UY! Nakakarindi sa tenga ang boses mo UY" sabi niya habang ginagaya si Paolo. Napatawa na lang kaming dalawa ni Lei. Nakita naming napatingin sa amin ang iba pa naming kaklase kaya nagsilapitan sila.

"Anong meron at nagtatawanan kayo?" Sabay na sabi nila Mhiko at Mhika. Nagkatinginan lang sila at naisip na parehas pala ang sinabi nila.

"Hahahaha. Sabay pa ah, kambal talaga" Umiiling na sabi ni Sam kaya muli kaming nagtawanan. Ganito kami, mababaw lang ang aming kasiyahan.

"Teka nga, balik tayo kina Shaina. Ano ang topic niyo at ang saya-saya niyo?" Tanong ni Bernald.

Sasagot na sana ako ng biglang may binulong sa akin si Lei. Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Game?" Tanong niya at tumango lang ako.

"Game kayo diyan. Ano nga?" - Vincent.

Nagtinginan kami ni Lei at sinabing---- "SINAGOT NA NI PAOLO SI FRAN." Tinignan namin si Fran na seryoso sa kanyang cellphone. "DI BA FRAN?"

"Oo" sagot niya. Mukhang hindi narinig ang tanong namin.

"WHAT???" React ng mga kaklase namin. Nakita naman naming napangiwi si Paolo sa sagot ni Fran. Hindi siya makapaniwala.

"'Di nga? Wala namang lokohan mga pare" sabi ni Chris habang tinitignan kami.

"Eh di tanungin niyo si Fran para ma-confirm niyo" sagot ni Lei na halatang nagpipigil ng tawa.

"FRAN" Sigaw ng mga kaklase ko.

"Oh?"

"KAYO NA NI PAOLO?" Nakita namin ni Lei ang pagkunot ng noo ni Fran at tumayo siya sa kinauupuan niya.

"Huh? Sino may sabi?" Tanong niya at sabay-sabay naming itinuro si Paolo. Namutla naman si Paolo nang titigan siya ni Fran ng matalim. Hala! Lagot ka na ngayon. Hahahaha

"Oy! Hindi ako. Si Shaina at Lei yun" sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. Tumawa lang kami dahil halatang natatakot si Paolo kay Fran.

"Wala kaming kasalanan" sabi ni Lei.

"Oo nga Fran, si Paolo yun. Di ba guys?" Tumango naman yung iba naming kaklase. Mabuti naman at sinakyan nila ang trip ko. Hahaha. Kawawa ngayon si Paolo.

"Hala! Ang sasama niyo, pinagtutulungan niyo ko. Parang wala tayong pinagsamahan ah. Pagkatapos ko kayong pakaiinin ng fishball at kwek-kwek sa labas nung isang linggo, gaganyanin niyo ko? Itinuring ko kayong mga tunay na kapatid tapos ganito lang ang isusukli niyo? Bakit kayo ganun-------" hindi na niya natuloy ang mahabang speech niya dahil piningot na siya ni Fran.

"Kung makapagsalita ka wagas. At kailan mo kami nilibre ha. Kuripot ka kaya, KURIPOT" sabi ni Fran at kinurot pa ito sa tagiliran.

"Tama na---araayy ko Fran----mashaket" natatawa na lang kami habang pinapanuod ang lambingan--este away nung dalawa. Hindi kasi kompleto ang araw namin kapag walang away na nagaganap sa dalawang yan.

"Hahaha. Kawawa si Paolo, Shaina" bulong sa akin ni Lei.

"Ano ka ba! Yaan mo na. Haha"

"Ang sama mo, presidente ka pa naman tapos ikaw din pala ang nagsisimula ng away" tinusok ko siya sa tagiliran.

"Kasama ka kaya, kaya pag nalaman nila damay ka" sabi ko at tumahimik na lang siya. Patuloy pa rin sa paglalambingan ang dalawa at hinayaan lang namin. Nag-eenjoy naman kami.

Natigil ang masaya naming tawanan ng biglang may pumasok na teacher sa room namin. Lahat kami ay tumingin muna sa kanya at saka umupo na sa kanya-kanyang naming upuan.

"ANG GANDA NAMAN NG NADATNAN KO. NAKALIMUTAN NIYO NA BA NA AYAW KO NG MAIINGAY?" Yan ang bungad niya sa amin pagkarating niya sa harap ng aming silid. Narinig ko ang pag-tss ni Vincent at dahil alam kong tahimik ang aming paligid kaya paniguradong narinig niya iyon.

"VINCENT" Tawag nito pero hindi natinag si Vincent sa kanyang kinauupuan. Tinitigan niya lamang ang taong nasa harap namin.

"WALA TALAGA KAYONG RESPETO. MGA WALA NA NGA KAYONG UTAK, BASTOS PA. BAKIT BA NABUHAY PA KAYO HA? GANYAN DIN BA KAYO SA MGA MAGULANG NIYO? MAGBAGO NGA KAYO. GAYAHIN NIYO ANG BRAINS, MGA MATATALINO NA, RESPONSABLE PA"

Hindi kami umimik, nakayuko lang kaming lahat. Nararamdaman ko iyong iba nagpipigil ng luha. Ang sasakit naman kasi ng mga binitawan niyang salita.

Ganoon na ba talaga ang tingin nila sa amin? Wala ba silang tiwala sa amin? Ginagawa namin lahat para lang matuwa sila sa amin, sa seksyon namin pero wala pa rin.

"Tahan na Anna, ayos lang yan" sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

"TAPOS NGAYON HINDI KAYO IIMIK. MGA WALA TALAGA KAYONG KWENTA"

Marami pa siyang sinabi na SALITA na sobrang sakit pero hindi na lang namin pinapansin. Pinipilit namin na pumasok ito sa isang tenga namin at lumabas sa kabila.

Kailangan na naman namin na magpaka-MANHID ngayon para hindi maramdaman, marinig, makita ang mga MASASAKIT na salita na kanilang binibitawan sa aming SEKSYON.

Ito kami,

Mga walang kwenta

Mga walang utak

Mga bastos

Walang karapatan na mamuhay ng maayos.

Kami ang SECTION OF TALENTS, puro TALENTS lang daw ang alam.

***********

Thank you for reading ^_^

School Of Dead (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon