SOD 4:

5 0 0
                                    


2 weeks later..........

Lei's POV:

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang pagbantaan kami ni Sir Romualdez. After nun ay nabalitaan namin na nag-file siya ng leave for 1 month. Hindi namin alam ang dahilan kung bakit pero wala din kaming balak na alamin pa. Nakahinga naman kami ng maluwag dahil nabawasan ang mga gurong nangungutya sa amin. Pero hindi namin maiwasan isipin kung totoo ba yung sinabi niya sa amin.

'I will kill all of you'

*sigh*

Sana hindi seryoso doon si Sir.

"Lei tara sa cr, samahan mo ako" Tumango na lang ako kay Anna at sinundan siya papuntang cr.

Nang makarating kami sa loob ay pumasok na siya sa cubicle habang ako ay humarap sa salamin. Inayos ko ng unti yung buhok ko na nagulo. Napabitaw ako sa buhok ko nang may makita akong reflection ng tao sa likod ko. Nakatitig lang ito sa akin gamit ang mga mapupula niyang mata na nahaharangan ng mahaba niyang buhok. Hindi ko maaninag ang mukha niya, tanging ang kulay pulang mata niya lamang ang nakikita ko. Nagsitayuan ang balahibo ko nang bigla niya akong hawakan sa balikat. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa noo kasabay ng aking panginginig. Gusto ko mang tawagin si Anna na hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ay hindi ko magawa.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong ipinihit ang ulo ko patungo sa aking likuran. Gusto kong makita kung hindi ba talaga ako namamalikmata.

Bigla na lang akong napasigaw sa nakita ko






















"Aaaaaaaahhhhhh" napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.

"Anong meron at sumigaw ka?" Nagtatakang tanong sa akin ni Anna. Hindi ko siya sinagot at pinakiramdaman ang pintig ng puso ko. Iniharap niya ako sa kanya at parang ino-obserbahan ang buo kong mukha.

"Alis na tayo" sabi ko sa kanya at nagsimula nang maglakad paalis ng cr.

"Teka lang" sigaw niya.

Sana wala lang yung nakita ko kanina. Sana hindi yun totoo. Sana namamalikmata lang ako.

-------------

Someone's POV

"Good afternoon" Bati ng teacher na bagong dating. Lahat ng estyudante ay nagulat sa pagdating niya.

"Si--sir?" Takot at kaba ang naramdaman ng lahat.

"Nice meeting you again" Ngumiti ito ng nakakakilabot. Iisa lang nasa isip ng mga estyudante ngayon, kung tototohanin na ba ng guro ang sinabi niya.

"Ni---nice meeting yo---you again Sir" Labag sa kaloobang sabi ng nga estyudante.

"Sigurado naman na namiss niyo ako eh. Kaya magkakaroon tayo ng isang LARO" Hindi alam ng nga estyudante kung anong laro ang tinutukoy ng guro. "At magsisimula iyon ngayon, ikaw" Turo nito sa babae.

"Ako po?" Tumango lang ang guro. Pumunta na sa harap ang babae habang ang kanyang mga kaklase ay kinakabahan kung ano ang gagawin sa kanya.

"Pumikit ka" Utos ng guro.

"Para saan po? Ano pong klaseng laro ito?" Sagot ng babae.

"PUMIKIT KA SABI" Dahil sa takot pumikit na ito. Pinagmamasdan lang ng mga kaklase niya kung ano ang susunod na gagawin sa kanya. Pero hindi nila inakala na ang susunod na mangyayari----------------

Naglabas ng isang kutsilyo ang guro at itinapat ito sa pisngi ng dalaga. Nagulat ang mga estyudante. Hindi nila alam kung ano ang gagawin nila para hindi masaktan ang kanilang kaklase.

School Of Dead (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon