SOD 12:

1 0 0
                                    


Lei's POV

Tapos na kaming lahat tanungin pero hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Mhika. Wala niisa sa amin ang nakakaalam kung nasaan siya miski si Xander o ang kakambal niya. Kaya ayun si Mhiko umalis ng walang paalam para hanapin si Mhika.

"Nasaan na kaya siya? Ang tagal niyang bumalik" - Anna.

"Nakakagigil na ha! Yung mga tao doon sa office ang may kasalanan nito e. Baka kung anu-ano ang sinabi kay Mhika kaya nagkaganun sya" Sabi ni Fran na halatang inis na inis dahil sa facial expression niya.

"Be calm guys. Trust Mhika, babalik din sya" Tumingin ako kay Shaina at nginitian siya. President as always.

"Ah guys may tanong lang ako" Lahat kami napatingin kay Chris. Saktong nakatingin pala siya sa akin kaya ayun, nagkatitigan kami.

"Ah, ehem, akala ko ba may tanong ka Chris?" Tanong ni Bernald. Bigla naman kaming natauhan. Nakakahiya naman yun, lahat sila nakita yun. Napayuko tuloy ako at tumingin na lang sa paa ko.

Narinig kong nag-ehem muna ulit sya bago nagsalita.

"Yung Sports ba iniinterview din?"

"Ang alam ko oo pero hindi sa office, sa room lang nila. Bakit?" Napaangat ako ng ulo at tumingin kay Sam.

"Bakit kayo nakatingin ng ganyan sa akin?"

*booggsshh*

"Ano na naman 'to? Tayo na naman ulit ang may kasalanan?" Lahat kami nagulat kay Xander.

"Kaya ba tayo inisa-isa dahil iniisip nilang isa sa atin o tayong lahat ang pumatay doon sa mga taga-sports?" Nakaramdam ako ng inis at the same time lungkot. I'm sure ganoon din yung nararamdaman ng mga kaklase ko.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Ang sakit lang isipin na kami na naman ang lumalabas na masama. Ganoon na lang ba talaga ang papel namin? Ang maging masama?

"Guys" Nakita namin si Mhiko na pulang-pula ang mata pati ilong. Mukhang galing sya sa matinding pag-iyak.

Napatakbo si Sam at niyakap siya. Lumapit din kami. Nagsimula na kaming magtanong kung ano ang nangyari pero iyak lang siya ng iyak. Hinayaan namin siya at maya-maya ay tumahan na. Pinaupo muna namin siya at pinainom ng tubig.

"Ayos ka na ba? Kaya mo nang magsalita?" Tanong ni Sam at tumango lang si Mhiko.

"Ano bang nangyari? Sabihin mo sa amin. Naandito lang kami" Sabi ni Shaina at nag-nod lang kaming lahat.

Nakita kong namuo na naman ang luha niya at pinipigilan niya ito.

"Nakita mo ba si Mhika?" Tanong ni Xander. Biglang nagbago ang mukha ni Mhiko. Para siyang galit. Tumayo siya at naglakad papalapit kay Xander. Ngumingiti siya pero may luhang tumutulo sa pisngi niya. Lahat kami nagtataka na kay Mhiko.

"Ikaw" sabi niya habang dinuduro si Xander sa dibdib nito. "Ikaw. IKAW ANG MAY KASALANAN! IKAW MAY KASALANAN KUNG BAKIT 'TO NANGYAYARI. DAPAT IKAW NA LANG, IKAW NA LANG ANG NAMATAY HINDI ANG KAPATID KO"

Hindi ko alam kung nabingi lang ba kami o tama ang pagkakarinig namin. Patay si Mhika?

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala-----" Sinampal siya ni Mhiko.

"Oh please. Wag kang magdeny. Ngayon ko lang nalaman na halang ang kaluluwa mo! Wala kang kwentang tao. WALA KANG KWENTANG BOYFRIEND!!!!" Sabi niya sabay sampal ulit kay Xander.

"NAPAKAWALANGHIYA MO, ALAM MO BA YUN? BAKIT KA GANYAN? PINAGKATIWALAAN KA NAMIN, NI MHIKA PERO ANO? HINDI KA NAGING TAPAT. SABIHIN MO SA AKIN, ANUNG PAGKUKULANG NIYA SAYO PARA GANTUHIN MO SIYA. HINDI NIYA DESERVE 'TO." Pinagsusuntok niya ang dibdib ni Xander habang nagsasalita siya. "MABAIT YUNG KAPATID KO. MINAHAL KA NIYA, PERO IKAW BA MINAHAL SYA? HA? SAGUTIN MO KO XANDER? MINAHAL MO BA SI MHIKA? KASI MINAHAL KA NIYA NG TOTOO----"

"OO. MINAHAL KO SI MHIKA----" Sigaw ni Xander. Pati siya umiiyak na din. Kahit kami dahil naguguluhan na talaga kami sa nangyayari.

"MINAHAL MO SIYA?" Tumawa siya na parang baliw.

"Mhiko tama na" Umiiyak na sabi ni Sam. Kaso tinulak lang siya ni Mhiko kaya tumama siya armchair. Nilapitan siya ni Anna at tinulungan makatayo.

"Minahal mo siya---" Huminahon ang boses niya at binitawan na rin niya si Xander. Napaupo siya sa sahig at umiyak ulit. "Kung mahal mo siya bakit mo siya sinaktan? Alam mo ba---" Tumingala siya kay Xander. "Minahal din kita"

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Hindi kami makapaniwala sa mga naririnig namin kay Mhiko.

"At mahal pa rin kita ngayon. Hinayaan ko kayo ni Mhika dahil gusto kong sumaya siya sayo. Nagparaya ako para sa inyong dalawa. Tiniis ko lahat ng sakit dito sa dibdib ko,makita lang ang mga matamis niyong ngiti. Akala ko  tama yung ginawa ko. Pero mali---MALI XANDER. DAPAT DI AKO NAGPARAYA, DAPAT AKO ANG MINAHAL MO, DAPAT TAYONG DALAWA. PARA SANA AKO ANG NASAKTAN AT AKO ANG NAMATAY HINDI SI MHIKA. DAPAT AKO NA LANG, AKO NA LANG ANG NAWALA. XANDER...LAHAT GAGAWIN KO PARA KAY MHIKA PERO IKAW, IKAW ANG SUMIRA SA LAHAT NG PANGARAP KO PARA SA KANYA. WALA KANG KWENTA---Wala kang kwen------"

"MHIKO!!!!!" Sabay-sabay naming sigaw. Nawalan kasi siya ng malay. Buti na lang nasapo siya ni Xander. Mabilis na umalis si Xander at dinala si Mhiko sa clinic.

Tiningnan ko yung mga kaklase ko at nakitang halos lahat pala kami umiiyak din bukod sa mga lalaking nagpigil. Napadako ang tingin ko kay Fran. Halatang nagpigil siya.

"Ano?" Pagsusungit niya sa akin. Iniwas niya ang tingin sa akin at nagsalita. "Magsiayos nga kayo, wala tayong mapapala kung magsisiiyak lang kayo. Kailangan pa nating alamin kung totoo ba ang sinabi kanina ni Mhiko" sabi niya sabay alis ng room.

"Shaina" tawag ko at niyakap siya.

"Lei? Anong pagkukulang ko sa inyo at nagkakaganito tayo? Yung binuo kong pagsasamahan natin, unti-unti nang nasisira" hinagod ko yung buhok niya at napaiyak na lang ulit ako.

"Tutulungan kitang lutasin 'to Shaina. Andito lang ako, hindi kita iiwan" sabi ko sa kanya.

I will keep that promise to her. Dahil kahit ako ay gusto kong malaman kung bakit nga ba ganoon na lang ang nangyayari sa section namin.

Balang araw, lahat ng tanong ko at tanong ni Shaina. Masasagot rin. At hihintayin ko ang araw na iyon.

**********

Thank you for reading ^_^

School Of Dead (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon