SOD 8:

3 0 0
                                    

Lei's POV

=____=

Ganyan ang mukha ko habang nakikinig sa teacher namin sa History. Hindi ko maintindihan yung topic namin kaya dumukdok na lang ako.

Zzzzzzzzzz

Zzzzzzzzzz

Zzzzzzzzzz

Zzzzzzzzzz

*poink*

*poink*

*blink* *blink*

*poink*

*blink*

"*yawn* Anong meron?" Tanong ko habang kinukusot yung mata ko. Nakatulog ata ako sa klase namin.

"Galing mo din noh Lei, natulog ka lang ay hindi ka nakinig" tinignan ko lang si Xander, siya kasi yung seatmate ko.

"Sorry, hindi ko kasi ma-getz eh"

"Tsk. Tsk. Ang haba pa naman ng pinasulat na lecture ni Ma'am H" sabi niya habang umiling-iling. "Page 105-125"

O.O

"ANG HABA!!!!!!!!!" Bakit ba kasi nakatulog ako e?

"Don't worry, pwedeng i-summarize. Papahiramin na lang kita ng notebook para mas madalian ka" sabi niya. Hay salamat! Buti naandito si Xander, he saves me.

*ring*

Recess na. Nagsitayuan na yung iba naming classmate. Habang binubuksan ni Xander yung bag niya bigla na lang siyang tinawag nila Paolo.

"Xander tara na, baka maubusan tayo" sigaw ni Paolo. Nagkatinginan kami ni Xander at sabay na tumawa.

"ANG TAKAW MO" sigaw naming dalawa at nagtawanan.

"Ikaw na lang manguha, kulay green yung notebook ko. Una na ako ha" Tumayo na siya at sumama kina Paolo. Binuksan ko yung bag niya at nakitang puro green lahat ng notebook.

E? Seryoso si Xander nito, hindi naman siya mahilig sa green 'e noh? Iniisa-isa ko yung notebook niya, initials lang ng mga subject ang nakalagay sa gilid kaya hindi din naman nakakalito. Nang mahanap ko na yung History niyang notebook ay may tumawag sa akin.

"Lei, recess" Anyaya sa akin ni Anna. Nginitian ko siya at sinabing wait lang. Kinuha ko na yung notebook sa bag ni Xander at sinarado ito.

"Ano ba yan?" Tanong niya.

"History, hindi ako nakakopya" sabi ko at inilagay na sa bag yung notebook. Lumabas na kami ng room at dumiretso sa canteen.

-------------

"LEI!!!!! Anong order mo?"

"Katulad na lang sayo" Tumango siya bago umalis sa harap ko. Napatingin ako kay Trixy nang marinig ko yung malalim na paghinga niya.

"Lalim ah" Ngumiti lang siya sa akin.

"Kinakabahan kasi ako Lei" Sabi niya kaya napakunot ang noo ko. "Yung cousin ko kasi nawawala o ewan. Basta, 'di pa kasi siya umuuwi"

"Eh? Saan niyo ba huling nakita?"

"Ito na po pagkain niyo" Sabi ni Anna sabay lapag nung tray sa mesa. Kinuha ko yung akin at kumain na.

"Bahay nila, pumasok yun sa school tapos nung dismissal na natin hindi daw dumating sa bahay"

"Baka naglayas" sabi ko. Iba na kasi ngayon ang mga estyudante. Umaalis na lang ng basta-basta, walang paalam.

"Sino ba?" Tanong ni Anna. Sinagot naman siya ni Trixy. "Ahh. Bakit hindi niyo kinontact?"

Umiling lang si Trixy. "Nakapatay yung phone niya" Nakita namin na nangilid na yung luha niya kaya inabutan na namin siya ng panyo.

"Shh. Babalik din yun, don't worry" sabi ni Anna habang hinahagod yung likod niya. Diyan siya magaling, sa pagcocomfort. Nilapit ko na rin yung upuan ko kay Trixy at niyakap siya.

Nagulat kaming tatlo at napatayo sa upuan nang biglang magkagulo yung mga estyudante. Nagsisigawan sila at tumatakbo palabas ng canteen. Hindi namin alam kung anong nangyayari.

"Lumabas na tayo" sabi na lang ni Anna. Inakay namin si Trixy at lumabas na ng canteen. Paglabas namin, nakita naming nagsisitakbuhan ang mga estyudante. Dahil sa curiosity ko, sinundan ko yung mga estyudante. Narinig ko pang tinawag ako nila Anna pero hindi ko sila nilingon. Habang tumatakbo ako, napansin kong patungo ako sa Building ng Sports.

"Aaaaaahhhhhhh" Sigaw nung babae sabay turo sa ikalawang palapag ng Building. Napansin ko halos lahat ata ng mga estyudante ay naandito.

Lahat kami nakatingin doon sa itinuro niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa nakita ko. Masuka ba? Sumigaw ng 'yuck'? O tumakbo na lang paalis? Hindi ko alam sa tatlo kaya napatulala na lang ako.

Biglang may humawak sa braso ko at hinila ako. "Lei!! Ano ka ba naman, bakit ka umaalis basta-basta?" Hinarap ko siya.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka namumutla?" Hindi ko siya sinagot at napatingin na lang ako kay Trixy na ngayon ay may luhang umaagos sa mga pisngi niya.

"Trixy" sabay naming sabi ni Anna. Inalog-alog niya si Trixy pero hindi ito natitinag.

"Oy! Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Anna pero hindi pa rin siya sumasagot. Bigla na lang siyang napahawak sa bibig niya at umiyak ng malakas.

"Hindi. Hindi" sabi niya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Anna. Ako, mukhang alam ko na ang nangyayari. Alam ko na kung nasaan siya, yung pinsan ni Trixy. Iniangat niya yung isang braso niya at itinuro yung nasa likod namin. Dahan-dahan kaming lumingon ni Anna at nakita kong nanlaki ang mata niya.

Nakikita namin ngayon ang dalawang babaeng nakasabit sa second floor ng Building ng Sports. Puro dugo ang suot nilang uniform. Yung isa laslas ang leeg habang nakadilat, habang yung isa ay wala nang buhok at puro sugat yung mukha. May mga lumilipad na din na langaw sa kanilang dalawa. Biglang humangin ng malakas at nakaamoy kami ng mabaho. Kanya-kanyang 'yuck' at 'kadiri' yung mga estyudante.

"Oh my" Naramdaman ko ang takot ni Anna, ganun din ang gulat ni Trixy. Ngayon lang kami nakakita ng ganyan sa buong buhay namin.

"Faye" sabi ni Trixy kaya napatingin kami sa kanya.

"Sino siya?" Tanong ni Anna.

"Pi-pinsan k-ko" nauutal na sagot niya. Bigla na lang siyang niyakap ni Anna. Umiiyak na lang ng umiyak si Trixy. Nagdesisyon kami na umalis na sa lugar na yun at dalhin siya sa malayo. Siguro, mas mabuting mamaya na lang ireport ni Trixy sa parents ng pinsan niya ang nangyari, kapag maayos na siya at kalmado.

**********

Thank you for reading ^_^

School Of Dead (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon