Written on Sunday, August 21, 2011 at 2:58pm
May mga bagay talaga na SANA hindi na lang natin nakita...
Dahil pag nakita natin yun...
Masasaktan lang tayo...
Kahit na hindi naman dapat...
Kahit na wala kang karapatan...
Channie POV.
Damn.
Kanina pa 'ko nakatitig sa FB Profile niya.
Leshe...
May gusto na siya...
Paano na ako? T.T
Dramatista mode? Hahahahaha!
Sus- Ok lang. Crush ko lang naman si Church Boy.
Or si Michael Goubrielle Cresantes. Migo for short.
Leshe... Kay harteng pangalan.. Mana sa may-ari.
Yung profile pic niya... ANG PANGET! >.<
Pero yun ang desktop wallpeep ko... ^^
Hay~~ Ang bitter ko no?
Paano ko nga ba nakita 'tong FB Profile niya?
Flashback... June 5, 2011 - Sunday.
4th Sunday ko nang nakikita si Church Boy.
Ang ganda pa rin ng eyes niya... Hay...
Mag-isa lang akong nagsimba.
Nasa unahan ko si Church Boy with a friend.
Nag-uusap sila. Binilisan ko konte yung lakad ko para makasabay ko sila.
Lakad. Lakad. Lakad.
"...Reiko"
May nagsalita sa kanilang dalawa. Nagbanggit ng pangalan.
Sino si Reiko?
Siya ba si church boy?
Binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa Mini Stop.
Naroon ang sakayan ng tricycle.
Sinundan ko kung sasakay sila.
(Para akong stalker na ewan)
Sumakay sila. Sa likod naupo si Church Boy.
Sa sakayan na yun... Dun din sumasakay yung classmate ko na si Drei.
Baka magkakilala sila? Magkapitbahay? Tropa?
Wow! Channie! Ang bright bright bright mo!
Pagkauwi ko, agad akong sumugod sa laptop ko.
Binuksan ko agad yung profile ni Drei. Friends. Reiko.
Nakita ko yung profile nung Reiko.
Di naman siya yun e. Saka iba yung address. -_-
Ting! May nag-chat.
Drei: Woi... pA-Like naman ng status ko..
Me: Bakit? Makakain ko ba yan? :p
Drei: Mukha ka talagang pagkain! XD
Me: Grabe naman 'to... Nagjo-joke lang ako e..Ngapala, may kilala kang Reiko?
Drei: Meron.
Me: Taga-san?
Drei: Dati taga-dito pero nasa ibang bansa na. bakit? Crush mo? :D
Me: Pag ba tinanong kung taga-saan crush agad? Di ba pwedeng mangungutang lang muna? hahaha! Srsly... Nihahanap ko kasi si Crush. Si Church Boy. :|
Drei: Wew... Gudlak naman kung makita mo!
Di na ako nag-reply. Ni-like ko na lang yung status nya with comment.
"AkoNgasiMigo liked Drei Dre's status."
Automatic kinlick ko yung notification.
Di sinasadya... na-click ko yung name nung AkoNgasiMigo.
Napunta ako sa profile niya...
1...
2...
3...
Oy... Sino ba tong Barabas na to???
Tinitigan ko ng taimtim yung DP nya...
.
.
.
.
CHURCH BOY??!!
Sure akoooo!
Si church boy nga yaaan!
Sya yaan! Walang duda!
WOOOHOOOOO!!!
Napatayo ako at napatalon pa sa galak.
Galeng galeng kong bata!
Nakita ko FB Profile nya!
Pwede na 'kong imbestigador!
Teka. Teka.. Naupo muna ako at....
Add as friend agad!
Wala pang 5 seconds...
"AkoNgasiMigo has accepted your friend request."
Woooo! Ambilis! Friends na agad kami....
...Sa FB lang...
*sigh~ (-_-)!
End of Flashback
At eto.. Browse browse din ako sa profile nya.
Wow... Gaganda ng friends.
Maganda din ang ex.
Wala ako sa talampakan. (_ _)
Oo. Nakita ko na rin yung ex niya.
Hubby and Wifey pa tawagan... >w<
Paano ko nalamang ex?
Dama ko e! Mwahahaha!
Single sya + mukhang may bagong nililigawan.
O sya!
Ako nang selosa na wala namang karapatan!
Bawal na ba magselos?? ha? haaa!?
Tsssss....
Hay...
Bakit ba ganito?
Sana di ko na lang nakita yung FB niya.
Feeling ko mababaliw na talaga ako...
SOBRA!
Nakilala ko na nga si church boy who is Migo.
Tapos? Anong gagawin ko?
Dapat ba may gawin ako?
Feeling ko meron eh.
May dapat akong gawin.
May sabihin? Ano??? Na gusto ko siya? Psh...
................................................
"Destiny without effort won't work."
BINABASA MO ANG
The Story of Church Boy and Church Girl [Completed]
HumorMeron ka bang crush na lagi mong nakikita? Pero... Di mo siya kilala. And isang araw... nadiskubre mo ang FB niya. At nalaman mong kaibigan siya ng kaibigan mo... Anong gagawin mo?